Pages

Sunday, December 5, 2010

Day 16: Something or someone you could definitely live without

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Ang sakit naman makabasa na someone can live kahit wala existence mo, kaya magsusulat na lang ako ng SOMETHING para sa 30 days project na ito...

I can live without food, waaah. Joke. Hmmmm.. hirap naman, kase kulang pa nga tong buhay na ito eh, I mean yung satisfaction level, yung contentment mo, kase diba? human's contentment are non-ending? Pero sige, for the sake na may masabi lang minsan.

Sabi ni God, kapag daw feeling mo yung buong araw mo kulang pa para magawa mo lahat ng kailangan mong gawin, baka daw sobra sobra na ginagawa mo. Kaya nagbawas ako ng mga bagay-bagay na madalas ko gawin, tulad ng manuod ng showbiz ng madalas. Kase alam naman natin na, sige intriga at nakaka-engganyo, pero wala naman talaga nangyayaring productive sa pakikinig sa showbiz. Pero plus points yun sa chismisan skills. At isa pa ang panlalait. Minsan kase hobby na, pag may nakita sa kalye, racism agad. At bawasan din masyadong panlalait sa sarili.

Ang sobra-sobra ay masama.

Hindi lang sa pagkaen, hindi lang sa yosi, hindi lang sa alcohol.. Tingin ko, it applies everything and anything.

Ikaw? Gusto mo ba i-try mag credit card? Try mag-loan? Yan... yan ang pinaka-least na bagay na pwede ko gawin. Ayuko mangutang, at ayuko magbayad ng interest ng kung anu-ano. Kung hindi kaya ng budget edi wag, wag na ipilit.

I mean, wala pa naman akong pinag-dadaanan na ganito, dahil unang una, wala pa ko trabaho. At hindi ko alam kung may temptation akong pagdadaanan para ma-convince ako na mag-open ng credit card o loan. Pero sinasabi ko ngayon, na ayuko.

Ayuko pagdaanan yung sakit ng ulo, ayuko maging paranoid dahil gabi-gabi akong mag-iisip na may papatay sa kin dahil may death threat na ko. Ayuko mag-compute ng utang dahil mahina ako sa math. Ayuko mang-hinayang sa pera, ayuko magsisi sa huli.


Money is a scary thing. Sabi sa Shining Inheritance.

Kung material na bagay lang din bibilhin ko gamit yung mga credit card na yan, wag na lang, kase di ko din naman madadala yang mga yan 'gang kamatayan ko noh. 

Ako na lang mag-papautang 5-6!!

photo source: HERE

3 comments:

Anong meron?