Pages

Sunday, December 5, 2010

Day 15: Something or someone you couldn't live without

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Bago ko simulan toh may dalawang bagay lang ako gusto sabihin. Una badtrip yung mga advertiser na nagbabalatkayong mga blogger... tapos nagsusulat sa chat box ko.. if you want to know what I mean, check out niyo chatbox ko.. at tingnan niyo yung mga name na SaRaH pinky or sexygamer...at pindutin niyo name nila.

Pangalawa, check out niyo yung video scandal ko sa kabilang blog ko, DITO!! Pero warning, baka magustuhan niyo ng sobra di kayo maka-get over, i-refer niyo na lang ako sa kilala niyong videoke-bar, part-time.

So anyway.. let's get it on!! Ito na ang pagpapatuloy pa din ng 30-days-project ko. At pagkatapos ko makipagbakbakan ng isip sa notes na tinag sa akin ng kalsmeyt kong si LARS, eh ganadong ganado ang testosterone ko na mag-blog (kung meron man ako nun--feeling ko minsan meron).

***

SOMETHING. Pictures. Journals. Or anything na may kinalaman sa memories. Masarap mag-reminisce, masarap makita ulit yung mga pangyayari na hindi na mababalik, masarap magsabi ng, "bakit ang payat ko pa sa picture na yan?" 

Alam ko! Fixation. Pero once in a while lang naman. Hindi na uso mga photo album ngayon, alam ko uso pa rin minsan, pero hindi ko afford i-print lahat ng pictures ko sa multiply. Kaya lahat na lang ng kahihiyan ko online album lahat bagsak. At least, kapag nagbreakdown yung laptop, nasa net pa din, problema pag na-hack ang multiply. (Ang tanong sinong interesado)

SOMEONE. Siguro mukha na akong patay na patay sa taong babanggitin ko, pero hindi pa rin ako nagsasawang banggitin siya sa blog ko. At hindi ko ihihingi ng pasensya yun. Pero para lang maging mas maikli ang post na toh, bisitahin niyo na lang ang page ko na ito: LEAHMAC

At dagdag... panuorin niyo na lang ang video na toh:





Alam ko na sasabihin mo.. napaiyak ko nga siya sa video na yan... heheh..

Madaming pagkakataon madapa, at  magkamali, pero sa isang toh, ayuko. Masaya na ako, at ayuko maranasan yung kalungkutan na nararanasan nila mama sa naging resulta nila ng tatay ko.

Alam ko scary mag-commit ng masyadong maaga, pero mas nakakatakot masaktan. At alam ko sa isang toh, hindi ako masasaktan.

Sorry mali-mali english dun sa video. Na-excite lang masyado i-upload di ko na masyado na-edit.

No comments:

Post a Comment

Anong meron?