|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Hmmm... dati naaalala ko (dahil ma-prinsipyo nga ako), lage ko sinasabi na kontento na ako sa kung ano ako. I mean di ba marami tayo kase mababasa lage na patungkol sa LOVE YOURSELF. Pero kahit anong gawin kong pagtulak ng sarili ko sa mga salita na yan, di ko magawa.
May nabasa ako na ang mga human beings daw (tulad siguro nung nagsulat nito) ay mga bagay este tao o creation na hindi marunong makontento. Kung baga bumili ng lamesa, ayy! kailangan ng upuan. Bumili ng upuan, ayy! kailangan ng vase. Bumili ng vase, ayy! kailangan ng flower, ayy!.. ayy! kulang pa..gusto ko pa... kailangan ko nito. O di kaya, ang pangit nito, ayuko nito.
Minsan nga di ba? Binigay na lahat lahat, pinaghain pa, pero lage pa rin may kulang. Ewan ko, instinct yata ng tao yun e, di ko sure.
Madame ako nafi-feel na kulang sa buhay ko, pero dahil pagbabago at mga gusto mong baguhin ang pinag-uusapan dito, hindi ko alam bakit ba ako nagsulat ng patungkol sa contentment.
Ang gusto ko mabago sa sarili ko? Minsan ugali ko, gusto ko maging constant ugali ko. Naranasan mo na ba yung tipong may narealize ka sa buhay mo, tapos naging pananaw mo na yun, pero may part na naman ng buhay mo na hindi mo masunod yung sarili mong prinsipyo? Ganun ako. Parang natutunan ko na to ah, pero bakit parang tanga pa rin ako.
Hindi ako consistent. Sabi ko madali na magpatawad, kase nasubukan ko na, at ang sarap maging humble, ang sarap maging mapag-paraya, ang sarap kapag di mo iniisip yung kaaway mo gabi-gabi at kung ano sasabihin mo sa kanya kung sakali sumali kayo sa face-to-face. Pero ano? Ngayon nasa kalagitnaan ako ng ngitngit at galit sa isang tao.
Sabi ko dati, maging tahimik lang, mag-isip bago dumakdak, maging mapag-pasensya sa mga bagay-bagay. Pero ngayon eto ako, nag-iinit ang ulo agad agad kapag nasisigawan ng nanay ko.
Ewan, basta tungkol sa prinsipyo ko sa buhay. At siguro yun lang masasabi ko sa pagbabago, kase baka mauwi na naman tayo sa pagpapapayat, eh alam na naman ng buong mundo na goal ko yun na di matupad-tupad. Kaya naglista na lang ako ng ilan sa prinsipyo ko.
- maging open minded sa kahit ano, may side A at side B ang bawat sitwasyon
- wag masyado magyabang, lalo na kung wala naman mapagyayabang
- wag masyadong seryoso sa buhay, may panahon para jan
- wag masyadong papansin
- kapag may kaaway, hayaan mo sila maging palengkera, manahimik lang (para kunyare cool ka)
- hindi cool ang paglalaslas
- huwag masyadong vain sa facebook
- hindi umiikot ang mundo sa kahit sino
- may kanya-kanya tayong pananaw bawat tao, respetuhin ang opinion ng iba
- may mga tao lang talaga na tumatanda pero hindi nagmamature
- maging totoo hanggat maaari, maging plastik minsan
- maging masaya tungkol sa maliliit na bagay
- wag mag madali sa paliligo
- wag malalate sa araw ng debut
- wag gagamitin ang regalo ng kaklase pantakip sa kamag-anak na walang regalo sa araw ng kaarawan mo
- habang bata, huwag gagawa ng mga bagay na hindi makkwento sa nanay
- huwag masyadong bitter sa ibang tao, inggit lang yan minsan
- maging masaya sa success ng iba, maging bitter pero sabihin lamang sa sarili
- mag-praktis ng pag ngiti habang naliligo o kahit anong moment na nasa banyo (pwede rin mag-praktis ng pag-iyak habang umiiri sa banyo, try mo)
- wag mag-kape ng sobra, uminom ng gatas
- wag gupitin ang bangs hanggang sa anit
- wag mayabang sa inuman
- at totoo lang wala na akong masabi.
Ikaw, may prinsipyo ka ba na gusto ibahagi? Gusto ko malaman!

i agree.ang dami nga ng pinagbago ng blog mo. and i love the header. nwei, speaking of change. ive changed my url. so iba na yung link ko. paki save nalang. sorry sa hassle. :)
ReplyDeletesalamat.. totoo lang ang header pinakagusto ko sa lahat... naiinlove ako sa blog ko kada dalaw ko... nyay kaya pala..hindi na kita madalaw.... kanina pa ako nagtataka.. okay lang yan..sige
ReplyDeletei like ur blog design.
ReplyDeleteThank you ayeeshamd! :) appreciate that
ReplyDeletehmm.. parang alam ko ung mga prinsipyu mo na yan ^_^ ok lang yan bhe ah..
ReplyDelete