Pages

Sunday, December 12, 2010

Day 28: What would you do if you got pregnant (or got someone pregnant) right now?

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Kung pwede lang mag fast forward ang panahon, totoo lang gusto ko na magkapamilya, gusto ko na magka-baby, gusto ko na simulan yung buhay na gusto ko, simpleng buhay na gusto ko (namin).

Pero pagtinitingnan ko yung future, parang kasing nipis ng bula pa yung mga bagay na yan, parang napaka-impossible pa na magkaroon ng magandang buhay kung ganito pa ako (kame) kabata. I mean, oo masaya magbahay-bahayan, masaya mag-day dreaming, pero sino nakakaalam kung magaan ba o mabigat ang buhay?

Naiisip ko pa lang na mabubuntis ako, yung mukha na agad ng nanay ko automatic nagf-flash sa isip ko. Tapos sunod nun hindi ko ikaka-ila na automatic kong magiging option ang abortion, pero syempre against ako sa abortion, kaya erase erase ulit.



Madame na akong nakilalang nabuntis, at isa lang ang lagi nangyayari sa kanilang lahat. Nawawala, nagtatago, wala kang makikitang picture nila na buntis sila, hanggang minsan may lalabas na lang sa faceboook na mga picture ng bata, minsan di pa nga sasabihin kung sino ba yung mga bata na yun eh.

Hindi ako nang-iinsulto okay, nung una din naisip ko, kung ako din yun baka ganun din gawin ko, lumayo sa kabihasnan. Pero one time, may friend ako sa fb, sobrang natuwa ako sa kanya kase ang dame niya picture na buntis siya, I mean, hindi naman sa pinagyayabang pa di ba? Pero at least? Hindi niya kinahiya sarili niya.

"Never regret, however, try to move forward."

Na-inspire ako dun, at naisip ko kung sakali, pag nabuntis din ako ng maaga, hindi ako magtatago, magiging proud ako. Lalo na sa case ko na mahilig mag-blog parati, mag update, parang nakakawindang naman kung bigla ako mag disapear. Tsaka, mababawasan ba pagkatao pag nabuntis? Madadagdagan pa nga eh!

Ewan ko, ayuko naman din magsalita ng tapos, pero, yan ang naiisip ko sa ngayon. Masyado na akong madaming pagkakamali at regrets sa buhay ko, kaya kung magkaroon man ako ng pagkakamali na tulad niyan, ililista ko na lang yan sa blessings.

Pero totoo lang, malayo na magbuntis ako ng maaga, kase... tulad ng kahit sino, madame pa ako aspiration sa buhay, hindi para sa sarili ko, kundi para sa pamilya ko. At alam ko.. sigurado na ako na magiging okay naman yung future ko, yung mapapangasawa ko, yung kung ano man, at hindi ko kailangan magmadali dahil naghihintay lang yan. Pero sa ngayon, gusto ko muna isipin nanay ko, gusto ko ibalik lahat.

Mukhang siguradong-sigurado na ako sa mapapangasawa talaga eh noh? Ayuko din kainin yung sinabi ko, pero totoo lang sa level ng relationship kase namin ni Mayk, ganyan yung feeling eh,m magiging masaya na ako sa kanya, ayuko na maging problema pa ang pagiging broken hearted.

11 comments:

  1. Nicee. At least, you think you've found the one. =)

    ReplyDelete
  2. hahaha,.. yup tsina... Tingin ko nahanap ko na nga... salamat sa pagdalaw sa blog ko!!! :)

    ReplyDelete
  3. ewan ko kung gusto ko ng asawa pero gusto ko ng anak. one time sa CR, may bata dun. hindi nya maaabot yung liquid soap. so inangat ko sya para maabot niya. pero ewan ko rin. baka gusto ko lang ng younger brother. LOL. bunso kasi ako.

    ReplyDelete
  4. mag sosorogate ka??? para magkaanak? hahaha,

    ReplyDelete
  5. im glad youv'e found the one kamila ^_^ panu na ko inlove na ata ako sa eh.. galing!mo love u

    ReplyDelete
  6. masarap mag karon ng anak,,,pero mahirap gumising sa madaling araw pra mg timpla ng gatas, mag palit ng diaper,at higit sa lahat pag nag kasakit ang bata , halos di mag patulog, pero gayan talga,masarap gumawa ng bata,mahirap mag palaki, pero kung preho kyong responsableng mag asawa, mapapadali ang lahat :) haba no?

    ReplyDelete
  7. @ maykel.... lab u tooh.. haha

    @ adang... oo nga yan din naiisip ko..at yan din ang nakikita ko... hindi lang basta bahay-bahayan... responsibility talaga,... salamat sa pagbisita.. :)

    ReplyDelete
  8. haaayy.. yung magiging misis ko, gusto na din magkaanak, kaya daw nya ko pakakasalan..

    and grats.. uve already found the one :)

    ReplyDelete
  9. Salamat midnight driver! at goodluck naman sa inyong pagpapakasal!!!!! weeeehhh!!! at goodluck din sa pag gawa...ng baby!!! :)

    salmat sa pagdalaw..

    ReplyDelete
  10. pag ako nabuntis, magtataka talaga ako. kasi hindi lang ako virgin, NBSB pa. LOL. baka ako na ang susunod na Mama Mary :)

    ReplyDelete
  11. @ester yaje... oo naman noh... paano naman mabubuntis ng ganun... pero ako dati naiisip ko baka may mga tikbalang.. makabuntis sa kin.. hahahhahaha.... joke lang... pero seriously natatakot ako dati.. kase naman mga pamahiin nating mga pilipino..ang lulupit.

    ReplyDelete

Anong meron?