Pages

Sunday, January 16, 2011

Why I Blog?

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Hindi ko to ginawa para sumali dun sa contest na Why I Blog Contest, pero dahil sa post sa Danguerous Blog ni Harold, napatanong din ako sa sarili ko kung bakit nga ba may limang blog na ako ngayon.

Una kung bakit sila lima, kase ayuko pag-halo-haluin ang storya ng buhay ko sa iisang package. Pag pinag-halo-halo ko, maguguluhan ang ibang magbabasa, at isa pa, malamang sa alamang na hindi ko masulat lahat lahat ng gusto kong sabihin. Ito sila:

  • Isang blog na public na public sa lahat, ito yun.
  • Isang blog na feelingera mag-english at hindi natatakot ma-judge kahit mali pa ang English at grammar ko, sa kabila yun.
  • Isang secretong blog na ineexperimentuhan ko pa.
  • Isa pang blog tungkol sa buhay pag ibig. Blog namini ni Joe. Para magbigay space ang kanya-kanyang blog namin sa iba pang bagay bukod sa pagmamahalan namin.
  • At lastly isa pang blog na kailan ko lang sinimulan, journal kung saan handa akong isulat lahat ng chismis ng buhay ko.
Idadamay ko na sana ang Tumblr ko, pero puro reblog lang naman ako dun, kaya waley din.

So yung tanong na ulit na bakit ako nagbblog.

Kase simpleng mahilig ako sa memories. Unfortunately hindi ganun kaganda ang memorya ng utak ko. Madame ako nakakalimutan pagkalipas ng isang taon o mahigit pa. Ang panget ng syste ng memorya ko. Di ko maalala ang apelido, pangalan, birthday kahit itsura ng iba kong kaibigan. May mga magagandang events sa buhay ko na gusto ko ipreserve parang atsara. Minsan may ikkwento sa akin tropa ko, tas hindi ko akalain na nangyari yun kahit nandun ako sa mismong pangyayari. Hindi ko sure kung wasted na naman ako o nagkakamali lang siya sa sinasabi niya.

Pakiramdam ko kailangan ko sila isulat lahat, at kahit na halos mag mukha ng vintage ang digicam ko sa kalumaan, pakiramdam ko responsibilidad kong kuhaan ng picture ang lahat ng pangyayari sa buhay ko.

Kaya ako nagsusulat.

Gusto ko balikan paminsan-minsan ang mga bagay na nangyari na, natapos na, fin, the end. Gusto kong siguraduhin na nakatago sila sa lugar o silid na pwede kong balik-balikan. At alam kong hindi ko kaya isilid silang lahat sa utak ko.

Kapag nanunuod ako ng mga teleserye tulad ng 'The Notebook' at 'A Moment to Remember' na parehong may temang Alzheimer's, hindi ko mapigilan na umiyak. Iyakin ako sa mga love stories talaga (minsan babae din ako).

Naiisip ko na ayuko dumating yung araw na yun, araw na wala na ako maaalala na kahit ano sa buhay ko. Pakiramdam ko, possible Alzheimer's patient ako. Ching! Pangarap ko, pag maputi at tuyot at kulobot na ang lahat sa akin, na may powers pa rin ako na magbalik tanaw sa mga events ng buhay ko kasama ang mga taong mahalaga sa kin.

Siguro yan na ang pinaka-dahilan ko bakit mahilig ako mag-blog. Pero ihahabol ko na din ang paniniwala ko na magiging manunulat ako someday. Bonus na din dun ang madami akong nakikilalang bagong nilalang at madami ako natututunan at nalalaman mula sa kani-kanyang blog. Happiness!

Ikaw? Bakit mo gusto mag-blog??

Kung gusto mo sumali sa Why I Blog Contest, visit mo lang site na ito: DITO.
Ako naman ay hindi sasali dahil napakahaba ng nagawa kong post.

23 comments:

  1. me too. i blog for memories. :D

    heartaches, happiness, regrets, what ifs. lahat! basta maibalabas ko lang ang nasa utak ko. parang alternate world ko. somewhere i can be more like myself. =)

    ReplyDelete
  2. baket ako ng bo blog?
    wala lang trip ko lang :)

    ReplyDelete
  3. hilig ko ang magsulat at masasayang naman ito kung hindi ako magbablog. bukod pa dito sumasalamin ang pagbabalog ko sa king pagkatao :)

    ReplyDelete
  4. @ Rose Marie Di ba ang sarap after some years na basahin yung mga kawalang hiyaan na ginawa natin.. haha.. nakakahiya pero parang masarap pa din basahin at pagtawanan.

    @ Kuya Adang Nakikita ko naman kuya adang na trip na trip mo... haha

    @Bino Kuya Bino... ako din mahilig mag-sulat..magandang way ang pag-bblog para hindi masayang yung mga talento ng bawat isa....

    ReplyDelete
  5. ako nakiuso lang lolzz , try mo almonds maganda raw memory enhancer yun, kaso nakalimutan ko na kung sino nagsabi :D

    ReplyDelete
  6. Nyay @ LordCM Talaga almonds?? Hahaha pwede ba kahit adobong mani lang???

    ReplyDelete
  7. ^_^ i love blogging dahil love ko ang blogging !!! hehe

    ReplyDelete
  8. ako nagbblog, para may outlet ang kulit ng aking kukote hehehe.. dati sinusulat ko lang, tapos wala na.. nakaimbak lang sa files ko.

    marekoy, keep blogging hehehe

    ReplyDelete
  9. i blog because, errr, i forgot. XD

    basta gusto ko lang. online journal, ganown. XD

    ReplyDelete
  10. @ Banjo Tama..ang blog ay outlet din... minsan kase walang handang makinig... oo naman blog lang..kaw din!!

    @Raffy Oo nga mas mabilis magsulat kapag keyboard..kaysa manual...

    ReplyDelete
  11. ako naman, ayoko ng gumawa ng ibang blog... hirap kasi ako mag maintain eh.. hehe. (well, katamaran lang for short)

    pero good for you... same reasons, for memories... and for sharing na din... madami din akong natutunan sa mga blogs ng iba, kaya super sarap mag blog!

    minsan, gusto ko mag photo blog, per wala nmn me dslr... hehe... malay natin in the future....

    ReplyDelete
  12. @ Leonrap Hahaha..ako naman nag-eenjoy sa lahat ng blog ko... medjo mahirap pero fulfilling naman!! Ako din!! Totoo lang dami ko na natutunan dahil sa ibang bloggers...

    try mo magphoto blog kahit hindi dslr gamitin mo!!! x)

    ReplyDelete
  13. tama tama, nung una gusto ko magblog kasi para kumita. pero nung di ako kumikita napostreyt ako. pero ayun tuloy pa rin ako. napagtanto ko kasi na ang pagboblog ang naglalabas ng aking natatgong talento at ng aking buhay na hindi alam ng marami. isa pa gusto ko ng maraming kabigan! ^^

    ReplyDelete
  14. gusto kong magblog para makalimot sa mga nakakastress na problm,4 awhile kc natutuon sa iba ang atensyon ko pagngbblog ako, at nakakalimutan ko din pansamantala yung irog kow ung ibang reason almost the same as yours..jeje.
    nice topic! (^^,)

    ReplyDelete
  15. bkit ako ngbloblog? bored lang hahaha

    ReplyDelete
  16. gusto kong magblog para pagtanda ko maalala ko pa mga posts ko at mga kabloggers ko na matatanda na rin hehe

    ReplyDelete
  17. Pareho tayo ng reason! Mahilig rin ako sa memories. Your writingd not only remind you of what happened, it reminds you of who you were when it happened. So much more than a photograph can...

    ReplyDelete
  18. akala ko kamila naligaw ko ng blog na pinuntahan. ilang buwan pa lang akong nagpahinga at heto umarangkada ang blog mo ng bonggang-bongga. buti nakabookmark ka sa browser ko dahil sa kasamaang palad dala ng mga injections at sobrang takot kosa syringe, nakalimutan ko ang password ko sa blog na ginawa ko. sa makatuwid, wala nanaman akong blog at gagawa ulit ako ng bago.

    parang gusto kita gayahin, pwede ba???? gagwa ako ng maraming blog, isang english, isang tagalog at isang private. hehehehe! congratulations sa narating ng blog mo at sana dehins mo ko nakalimutan pag nagpadala ka ng chokleyt. whehehe!

    ReplyDelete
  19. hi may award ka sa'kin dito sana tanggapin mo ng maluwag sa iyong puso T_T

    http://rizadnoypi.blogspot.com/2011/01/ang-7-kung-katangian-na-alam-kong-wala.html

    ReplyDelete
  20. ~nagboblog ako kasi gustong ipost ang mga bagay-bagay na hindi ko nasasabi sa mga kaibigan ko..kumbaga blogging is my way of outpouring my deepest emotions and sometimes it is where I pour out my hidden craziness in life..:))

    ReplyDelete
  21. Napaisip din tuloy ako kung bakit ako nagblog? Haha. Ang hirap sagutin. Dapat ko din pala pagnilayan to. Hehe
    Ang dami mo naman pala blog. Akala ko eto lang. Hindi ko kasi kaya magmaintain ng ganun kadami kaya ayoko itry. Haha

    ReplyDelete
  22. @ Kuya Lhan Oo nga kuya Lhan... ang more happiness ko na nga ngayon kase ang dami ko na kakilala.. sobrang ibang-iba nung loner pa ako dati..na puro kung anu ano lang pinagsusulat ko..sobrang self-centered...

    @ Katie hay kat... ayun.... bakit nga noh? Kapag nagbblog as in nalalabas mo lahat... parang kakaiba kase pag ibang tao yung nagbabasa..at dumadamay sayo... stranger sila.. pero.. masarap yung feeling kapag dinadamayan ka ng iba...

    @rico boredom lang? hahahahha... grabe.. sobrang boredom... hahahahah

    @ka-swak.. yaan mo kuya pag matanda ka na..bata pa rin ako.. pag hindi mo na maalala kung ano yung url ng blog mo.. tanong mo lang sa kin..

    @glentot tomooo... minsan maganda talaga ang picture.. pero may maliliit na detail sa buhay natin na hindi nakukuhaan sa picture... katulad na lang ng malulungkot at mahihirap na pinagdaanan natin.. hindi naman natin kukunan lahat yun ng picture di ba...

    @BILLY waaaaaaaaahhhh!!! namiss ko na ang pagdalaw mo... sobrang daming question sa isip ko kung nasan ka na... nakuuuuuuu!! bakit ngayon ka lang!!! !!!!! bakit o bakit.. i nees explanationss!!! ano nangyari sayo? dengue? anong sakit moooo..????!!!!!

    oo naman okay lang na gayahin mo ko.. no problemow!!!!

    @riza talaga may award ako... oo naman kukunin ko yan..wala akong aayawan..

    @Poppe Bowow minsan may secret kanlungan talaga tayo na atin lang.. kase may mga bagay na hindi natin masasabi sa lahat o kahit kanino man...

    @Yow oo Yow... ang hirap mag-maintain... pero sa kasiyahang palad.. eto namamaintain ko yung dalawa... yung iba... hindi ma-effort.. pero etong tagalog at english.. iniingatan ko ng mabuti... madame kase akong nakikilala na mabubuting tao dito... sige lang dre..pag nilayan mo..

    ReplyDelete

Anong meron?