Pages

Saturday, January 22, 2011

Sarap noh? Kalabaw yan.

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Ang hirap lang tanggapin na kasabay ng pag-tira sa abroad, ay ang pag-assume na mayaman ka nga. Pero ang hirap din i-deny. Hindi ko alam kung magiging matapang ba ako na ipag-patuloy isulat ito, pero sabi nila hindi ka daw dapat matakot isulat yung mga bagay na totoo naman.

Pero pano kung mali naman ako sa mga inaakala ko? Bahala na nga.

Sa mahirap lang nag-mula ang maternal family ko. Mahirap pa sa daga. Kaya nakaka-amaze din at tinitingala ko Nanay ko at yung isa kong Tita na nandito sila sa pagkakataon na ito sa Tate. Ang problema, hindi naman lahat ng pamilya  namin sa Pilipinas ganun kadaling hatakin para maging pantay at solido na ang pamumuhay ng bawat isa.

Nung namatay yung Tiyuhin ng mama ko, nagpunta kame sa burol (ako at ng mga kuya ko), at nasaktan ako sa sinabi ng Lola ko sa Nanay ko. Sakto kase na napa-bakasyon si Mama sa araw na namatay yung tiyo ko. At lumabas ito sa bibig ng Lola ko, "Sarap buhay noh?"

Naisip ko na pinaghihirapan ng Nanay ko ang trabaho niya para lang may maibigay sa min, at minsan para may maibahagi din sa Lola ko, at sa maliit na pagkakataon na yun pakiramdam ko hindi niya masyado pinag-isipan ang pa-joke pa na mga salita na yun.

Siguro kung hindi na kakaen ang Nanay ko sa araw-araw, kung hindi na siya magbabayad ng renta, kung hindi na siya magbabayad ng bills ng telepono, kuryente at kung anu-ano pa. Siguro kung pauulit-ulitin na lang niyang gagamitin and mga lumang damit at panty niya, siguro mas malaki pa ang maiibigay niya sa min.

Mukha naman kasing sosyal. Naka-leather jacket pa.
Pero dahil hindi, dahil kailangan din mabuhay ng Nanay ko paminsan-minsan, malayo sa nakakapagod niyang trabaho, dahil kailangan niya din kumaen, matulog at minsan maging masaya, hindi lahat ng sweldo niya mahahain niya sa sarili niyang pamilya.

Bata pa lang si Mama, sinubukan na niya mag-trabaho at tumayo sa sarili niyang paa. Samantalang kameng magkakapatid, lahat bente na, nakatago pa rin sa saya ni Ina. Hanggang ngayon lahat kameng magkakapatid umaasa pa din sa Nanay ko. Nakakahiya man, pero totoo.

Kase siguro ayaw din ni Mama na pagdaan namin yung mga napag-daanan niya nung bata pa siya. Sa college, sabi ko magttrabaho ako, working student, pero ang sarap marinig sa kanya na, "Kaya nga ako nagttrabaho para sa inyo, tas magttrabaho ka.."

Maiinggit ka sa mga kabataan dito na mga independent na, nagwoworking student o kung di naman ay nagttarabaho sa summer.

Pag-dating ko dito sa Tate, naisip ko agad ang mga kuya ko. Naiiyak ako. Naiisip ko sana sila din kasama ko dito. Ang hirap i-enjoy nung mga bagay dito kase alam mo na sa Pinas hindi ka-enjoy-enjoy ang buhay nila. Gusto mo mangako na tutulungan mo sila, pero nakakatakot mag-paasa.

15 comments:

  1. basta may pangarap ka para sa sarili mo at sa pamilya mo, kahit anong pagsubok man ang dumating lahat yun malalagpasan mo. magtatagumpay ka. kung ano man yung mga hirap na pinagdadaanan nyo ngayon, yun ang gawin mong motivation para abutin lahat ng mga pangarap mo sa buhay. attract positive energy and the world will be yours.

    good vibes!

    ReplyDelete
  2. haaay..nakakdepress yun ganyan..bakit kasi nauso pa yung phrase sa ating mga pinoy na kapag nasa ibang bansa eh masarap ang buhay..tsk

    anyway..mangarap ;ang na mangarap ate di bale ng di matupad ang lahat atleast youve done your best para matupad lahat yun..=)

    ReplyDelete
  3. Tama ka dyan kamil.. hindi ibig sabihn na nasa ibang bansa mayaman na. Yun kasi ang tumatak sa ating mga pinoy na akala pag nasa ibang bansa mayaman. Mahirap din ang pinagdaanan nang ating mga kababayan sa abroad. Naghirap. Nagsumikap. Umangat ang buhay.

    ReplyDelete
  4. Yan ang mahirap sa iba nating kababayan na ang mga kamag anak o kapit bahay ay nag ta trabaho sa ibang bansa, kanila ganun nalang kasarap ang buhay sa abroad (Sana sa bawat sigarilyo hinihitit mo, sa bawat alak na iniinom mo, naisip mo kung ilan pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang may ipadala sa inyo") naks ang drama. :)

    Hindi lahat ng nasa abroad mayaman ( yung iba mayabang,hhehehe)

    Pero sa totoo hindi masarap ang buhay namin dito sa abroad....dahi sa homesick kelangan din namin mag libang, kumain ng 3 beses isang araw, minsan 2 lang pede. May mga panga nga ilangan din kaming dapat bilihin...

    ReplyDelete
  5. Natutuwa ako dahil masuwerte ang iyong ina na meron siyang anak na tulad mo.Pagpapalain kayo sa pusong meron kayo. Madami talang nagkakamali ng akala na pag nasa abroad masarap ang buhay.yon kasi ang alam nila dahil ang mga nasa abroad natutong itayo ang sariling paa na di magmukhang kawawa. ng sa ganon dito man lang di maging pabigat sa iba. Pag malinis ka at di gusgusin di ka mukhang mahirap. pero ang sabihing ang sarap ng buhay mo di tama. lahat ng bagay pinaghihirapan. it is your choice kung ano ang gagawin mo sa sarili . 2 thumbs up para sayo.

    ReplyDelete
  6. gusto ko rin magsuot ng leather jacket. pangarap ko yun. tapos aviatior shades tapos sakay sakay ng big bikes. tapos yosi. tapos bandana. tapos skull t-shirt. tapos mom tats.

    LOL. gusto ko rin sa malamig na bansa.

    anyways im happy for you. ingat.

    ReplyDelete
  7. minsan ibalik sa magulang ang tamis ng kanilang pinaghirapan!

    ReplyDelete
  8. alam mo bes idol talaga kita pagdating sa pagmamahal sa pamilya... Yaan mo na yung mga kamag-anak mo na yun, di yun aasenso sa ganun. Pakatatag ka para sa Mama mo. At wag ka magmadali magwork, dadating din yan sayo... :) we miss you..

    ReplyDelete
  9. marekoy, gawin mo lang ang kung ano ang dpat.. sa isang magulang, mapagtapos ang kanyang anak sa pag-aaral ay malaking karangalan na, ibig ni mama siguro, makatapos ka na focis sa pagaaral mo.

    isipin mo man marekoy ang kaibahan ng buhay dito sa atin at jan sa tate, ang kaibahan ng buhay na tinatamasa mo sa tinatamasa ng kuyang mo, wala ka naman magagawa. iyon ang riyalidad eh.. wag ka na makonsensya, basta gawin mo lang ang lahat ng masaya ka sa ginagawa mo eh..

    chheerrzz marekoy.. kaya mo naman yan

    ReplyDelete
  10. tama ka jan. mahirap magpaasa kung di sigurado at masakit para sa taong umaasa. mas maganda ung gagawin mo na lang lahat tapos magbibigay, ung walang expectations.

    ReplyDelete
  11. Naks naman!!!
    asteeg ng post sa pic ah..
    kpatid mo ba ung ktabi mo kamil?

    ReplyDelete
  12. hangsweet lang.. at congrats ha.. wahehehe

    ReplyDelete
  13. bakit nga kaya nagkaroon ng ganung stereotype na pag nasa states ka mayaman ka at automatic masarap ang buhay mo... hayaan mo kamil magiging ok din ang lahat sayo dahil sa iyong malinis na kalooban. :D

    ReplyDelete
  14. Ganyan talaga! Kung narinig niyo man iyon syempre pinaghirapan niyo iyon kaya di masama kahit mainggit man sila o ikasama nila ang magangat ng inyong buhay. Wala naman kayong tinatapakang tao kaya walang problema. Saka mahirap nga mangako sa mga kapatid baka umasa sila sa pangako mo... hehhehehehe

    ReplyDelete
  15. @Supladong Office Boy Salamat Office boy... salamat sa mga advice.. alam ko.. dapat maging positive lang tayo lage.. at effective naman yun... basta maganda pananaw mo sa mundo.. sabi nga nila kung ang good things may end.. kahit ang bad things may ending din..

    @Jaid Oo dapat hindi lang puro pangarap.,.. iguhit mo dapat kung ano pangarap mo... do your best and God will do the rest,,, piliting abutin...

    @Xander Totoo lang nung una akala ko din ganun kadali lang kumita ng malake dito sa abroad.. pero... napatunayan ko na hindi talaga ganun kadali..

    @Kuya adang parang napanuod ko na yun ah?
    tama yung iba mayabang lang.hahahahaha agree much ako dun... bukod sa physical na pagttrabaho.. pati emotional pagttrabahuhan mo din.., homesick sobra,

    @Diamond R Sabi nga nila..hindi lahat ng bagay nakukuha ng madali... dapat laging i-expect na mahirap ang lahat... hindi madali.. walang napipiga mula sa wala.... salamat kuya...

    @jeric hahaha... ayuko ng big bikes... nakakatakot eh... hahahha..salamat

    @Lhan Sana nga kuyya Lhan maibalik ko din agad.. sa mas maagang panahon para naman makapag-liwaliw na magulang ko at hindi na ako maging pabigat

    @Mj Dapat ba hindi ako magmadali magkawork? kahit si mama yun kase sinasabi na wag daw ako magmadali kase... pag nagsimula ako magwork..tuloy tuloy na daw yan

    @Banjo salamat parekoy namulat naman ako sa advice mo... tama ka.. walang magagawa kung mag-aalala ako ng mag-aaalala.. kailangan ko gawin ay maglakad lang ng maglakad patungo sa kung anong dapat...

    @Ka-Swak oo yung magbigay na lang ng magbigay... at sana... pag wala na nabibigay sa kanila... hindi nila kalimutan na kahit papaano natulungan pa rin sila DATI... ayun.. kase pag sandali lang na hindi sila maambunan.. nagrereklamo na..

    @katie hahahah joke ba yun Kat?? hahaha Nanay ko yan syempre.... yung naka-leather si ina yan.

    @Kiko Nyahahahaha salamat Kiko

    @Art sino may sabing malinis ang puso ko.. hahahahahha.... oo sana nga art maging okay na din ang lahat.. siguro hindi ngayon.. pero malapit na

    @Xprosaic Dapat na lang hindi makinig..at kung may maitutulong eh itulong na lang... wag na makinig sa kanilang mga hinanaing,..

    ReplyDelete

Anong meron?