|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Ang dami gusto lumipad, at sabi ng iba ang swerte ko. Pero ako tong gustong gusto na lang bumalik ng Pilipinas. Pag nalaman-laman lang to ng nanay ko, alam mo na sasabihin nun. Bullshit! Pagkatapos ako magka-hirap hirap na gawin lahat para makuha ka, yan ang gusto mo? Bitch!
Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako nagka-interest na lumipad, totoo lang excited pa nga ako e. Pero ang komplikado lang, at ayuko ng komplikado. Gusto ko din dito. Sobra. Masarap. Malamig.
Hindi ko rin naman masisisi Nanay ko kung gusto niya ng magandang buhay para sa kin. Sino ba namang magulang ang hindi magsisikap para sa anak? At sobrang na-aapreciate ko yun. Nagkataon nga lang ang anak niya di naman naghahanap ng ganitong kabonggang buhay. Gusto ko lang ng simple.
Komplikado ang pera, nakakatakot pa. Actually komplikado ang buhay, kaya pumagitna ka lang para safe ka. Ayuko yumaman, pero ayuko mag-hirap. Wala ka naman talaga mapapalang security sa pera, kundi security na may pera ka. Madaming namamatay dahil sa pera. Madaming nag-aagawan sa pera. Madaming pumapangit ang ugali para magka-pera. Kailangan maging praktikal dahil kailangan ng pera sa araw-araw, pero hindi ibig sabihin nun ang dahilan kaya tayo nabubuhay eh pera.
Minsan sukatang na nga ng pagkatao ang pera eh. At di ko alam kung tama yun.
Mga unang tanong kapag nga may trabaho ka, magkano sweldo mo? Kapag may signature kang damit, ang mahal niyan ah. Kapag ang laki ng bahay mo, magkano nagastos diyan?
Meron nga dito, ang yaman yaman, pero ano? Wala naman kasama sa bahay na pamilya, parang haunted house na. Tapos yung mga bahay, lupa at ari-arian pinagpe-pyestahan ng iba, hinihintay na lang kamatayan niya. Kase di mo naman madadala pera mo pag mamatay ka na.
Buwiset lang.
Ewan. Totoo lang, wala naman din akong plano mag-back out dito. Magtatapos ako ng pag-aaral, magttrabaho, at gagawin lahat ng gusto ng Nanay ko. Siguro magiging masaya, pero alam ko temporary lang naman ang kasiyahan ng tao sa mga material na bagay. Tingin mo? After 100 years at uugod-ugod ka na? Paano mo masasabing naging masaya buhay mo bago ka ibaon sa lupa?
Ako. Ayuko lang umakyat sa tuktok ng lahat lahat ng nag-iisa. Mayaman ka nga, loner naman. Ayuko din yung madaming regrets sa buhay. Ugod-ugod na dami pa rin reklamo. Kaya nga lagi ko iniisip ang matuwa para sa maliliit na bagay, at least hindi lang puro reklamo na ang tagal mag serve ng pagkain sa Chowking ang maaalala ko.
P.S: Sa mga followers. Check niyo na lang kung na-follow back ko na kayo at kung nalagay ko na din kayo sa blog roll ko. Mag-apila kung none of the above!

Ang galing naman,nakaka relate ako, di lahat ng nasa abroad mayaman at ma pera.
ReplyDeleteMeron mga may pera pero di masaya, lalo na di kasama ang pamilya.
Saka ayoko din ng malaking bahay, mahirap linisin. :)
natakot naman akong yumaman,, pero tama, aanhin ang kayamanan kung loner ka naman? pag mapera ka madame kaibigan pero pag wala na dun mo makikita kung sino ang tunay. pera lang yan, di dapat mabhay ang tao dahil sa pera. enjoyin ang buhay habang bata pa, di madadala ang pera sa huling hantungan..
ReplyDeletemahusay! ang galing-galing..u just took the words right out frm my mind! hehehe...I like your post so mucheee!
ReplyDeletetamang-tama dahil balak ko nang magbukas ng bank account...tama talga...galing!!!!!1
Tamaaa. :D
ReplyDeleteKailangan lang naman na pera yung sakto lang, ano mang sobra ay masama hindi ba. XD
hindi ko naman sinasabing ayokong yumaman, kase plastic ako pag sinabi ko yon. true gusto ko ng maginhawang buhay. gusto kong bigyan ng maginhawang buhay ang pamilya ko. kaya nga kahit na isakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para sa knila. pero hindi naman ibig sabihin nun e papaikutin ko na ang buhay ko sa pera. sa totoo lang, sa panahon ngayon, aminin man natin o hindi, pag wala kang pera, wala ka. yun lang ang maling panananaw ng mga tao. hindi porke mahirap ka, e wala ka ng binatbat. kase minsan, mas masaya pa sayo yung kinakanchawan mong hampaslupa. dapat kase nating matutunan na hindi lahat nabibili ng pera. at hindi dapat sa pera lang umaasa.
ReplyDeleteminsan nakakapagod din magreklamo, baka kase magalit si papa Jetut, bawiin pa kung anung meron tayo. wag naman sana. kaya thumbsup ako sa sabi mong pagaappreciate ng mga maliliit na bagay. minsan, its the smallest things that brings greater joy.
homesick na homesick na rin akoooo! kung pwede lang lakarin mula dito hanggang pinas, naguumpisa na kong maglakad ngayooooooon... hay...
ang haba ng comment ko! blog ko ba to? lol
san ka pala ngayon o san ka ba pupunta?
ReplyDeletehindi naman masama ang maging mayaman. ang masama eh ang yumaman ng walang pakialam sa kapwa. :)
ReplyDelete~oi, ako ang first commentator....:))
ReplyDeletehahahaha
anyway, tama din 'tong post mo, maraming tao talaga na ginagawang sukatan ang pera, akala siguro nila habangbuhay ang pera...
dumaan lang po..:))
Agree ako sa sinabi mo.hindi ang material na bagay ang magpapasaya sayo. Kailangan nating matutong tangapin kung ano ang meron ka at maging masaya kahit ano man ito. Mahalin ang pamilya yon lang.
ReplyDeletecge bigyan kita pag nanalo ako dun sa Minute maid contest.. hahaha
ReplyDelete@ ADANG Oo nga kuya, lagi din sinasabi ng nanay ko yan.. di lahat ng nasa ibang bansa mayaman... kase syempre kahit malaki kita mo.. bubuhayin mo pa din sarili mo at madami ka pa din babayaran na mga bills... x)
ReplyDeleteTama...ayuko ng malaking bahay.. sobra... weh! Dahil din sa paglilinis ang dahilan...
@ LhanLhan Okay lang siguro yumaman..ah eh yung tama lang... totoo lang kase dame ko din gustong puntahan sa Pilipinas.. at kung wala akong pera.. hindi mangyayari yun di ba? Lhan... kailangan din ng pera..wag lang maging sentro ng buhay natin yun...
@ Katie nyahaha..salamat at naapreciate mo... go mag-ipon ka ng pera sa banko.. importante din may savings kahit papaano.. bow nga ako sayo kase tinutulungan mo nanay mo..
@ Jae Gibbs Oo nga.. gustong gusto ko din yang kasabihan na yan.. hindi ko lang ma-apply pagdating sa pagkaen..hahahahaha
@ Rose Marie Natuwa naman ako sa kahabang habang habang comment mo..kahit ako di ko sinasabi na ayuko yumaman.. gusto ko mag-travel around the Pinas.. pinas lang... siguro kung international..mga tatlong bansa lang.. hahaha... pero yun nga..madame din pangarap na kailangan ng pera... wag lang masyadong mabubulag di ba te??
Oo nga noh..mas happy pa yung iba..kase masaya sila..magkakasama... hay... gustong gusto ko na din umuwi rose marie..pero undecided pa din ako....salamat sa mahabang comment ah
@ Batman Haha nandito pa ako sa tate...nakarating na ako..mga dalawang buwan pa lang... bakit mo natanong?? x)
@Bino TAMA.....! Yung walang paki sa kapwa... malungkot pag walang kasama... yung tipong pinagdadamutan mo lahat lahat or sa sobrang ganid iniwan ka na lang sa ere nung mga dating katabi mo lang...
@ Poppe Bowow Hala.. dame na comment di ko pa kase naaaprove..sorry.. hahaha.. oo.. wag tayo masyado mapag-mata..di ba di ba?? hahah salamat sa iyong pagdaan...
@ Diamond R Siguro mapapasaya tayo pero sobrang hindi naman mag-lalast ng matagal or forever...kahit sino naman mahal ang pamilya nila.. pero di ba nga sa mga teleserye? laging sinasabi ng mga batang malayo sa magulang?? Hindi naman pera kailangan namin... magulang....
@Xander Hahahahaha... talaga bibigyan mo ko? nangangailangan ako ngayon eh..
wala akong appropriate na comment kaya Hi na lang hehe with malaking smile 'yan ha...
ReplyDeletehehe pero oo tama ka dyan sa 4th paragraph mo (actually may na blog na rin ako tungkol sa pera sa isa ko pang blog) hehe wala lang nag promote lang but tama ka pa rin... ang galing mo! mabuhay ka! =)
@ Riza Jane Waaah Riza..buhay naman ako...! hehehe Hi din!! Salamat at bumisita ka muli...
ReplyDeleteHahaha magpromote lang ng mag promote.. okay lang yan...
"Minsan sukatang na nga ng pagkatao ang pera eh. At di ko alam kung tama yun.">>>Hindi tama yun hihihi
ReplyDeleteGive it sometime, iha. I'm sure mai-enjoy mo rin naman ang stay mo dyan. Kung hindi naman, tiyagain mo lang makatapos, then kung talagang di mo type dyan mag-work, you can always go back to Pinas. Laging bukas ang puso ng iyong Lupang Hinirang para sa iyong pagbabalik at laging may puwang dito para sa iyo ;)
ako gusto kong yumaman.. at pag tinanong ako ng mga officemate ko kung anong gagawin ko sa pera ko.. simple lang, bibilhin ko ang kanilang kaluluwa at ipapadala sa impyerno bwahahahah... juk lang..
ReplyDeletepinakamaduming bagay sa ibabaw, tagiliran, at ilalim ng mundo ang pera. Pera na sinasamba ng karamihan. Kinatatakutang mawala sa kanila at ang iba'y hinahangad na magkamal ng marami nito. at pagkatapos ay ano diba? hahaha.. nice po kamila.
@ Nortehanon elow po..naligaw ka na naman po sa blog ko.. salamat po sa mga advice.. opo eenjoy ko po.. alam ko po na miss na ako ng Pilipinas..este ako pala ang madaming miss jan.. x)
ReplyDeletesalamat sa pagdalaw
@ Istambay Nakakatakot naman, sobrang yaman naman para makabili ng kaluluwa..Salamat napatambay ka dito.. haha.. kahit nga sobrang dumi ng pera..madami pa din may gusto.. sabagy kailangan kase natin mabuhay... buti na lang wala pa din bayad ang hangin... nabubuhay pa tayo..