Pages

Tuesday, January 25, 2011

Dayana Stockdale

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

Siguro sisihin na natin si Bob Ong kung bakit nagsusulat ako at ang marami o ilan sa atin ngayon. Pero naiisip ko hanggang ngayon, ang limitado pa rin ng pagsusulat ko. Hindi ko pa rin magawang sumulat ng ibang tema bukod sa tema ng buhay ko. Lahat ng letra at character na sinusulat ko sa blog ko, lahat ay nakatutok lang sa pagkatao ko. Ang selfish.

Nitong nakaraan na taon, November 2010, dahil sa kabila kong blog, yung Inglisera, may nakilala akong isang manunulat. Hindi ko alam ang kwento ng buhay niya at dalawa o tatlong beses pa lang ako nakakadalaw sa kanya at sa blog niya nung mga panahon na yun.

May sinulat siyang isang mahabang post tungkol sa kung paano mo mahahanap ang high and lows mo sa pagsusulat. Naging interesado ako kaya kahit ubod ng haba yung post na yun, binasa ko pa din.

Kapag mga ganun na manunulat, hindi ako nag-eexpect na magrereply sila sa comment ko. Sapat na sa akin ang binasa ko kung anong nilalaman ng mataba nilang utak. Kaya nung biglang napadalaw siya sa blog ko, nag-comment siya at pinaalam niya na nag-respond din siya sa post kung saan ako nag-comment, imaginine mo na lang kung gaano ako natuwa.

At dahil dun, bigla akong dinaluyan ng dugo, parang flag ceremony, bigla akong na-motivate, hindi ko pa alam kung paano magsisimula, pero naalala ko ang mga high and lows na sinasabi niya. Iisipin mo kung ano mga magtataas sayo para makapagsulat ka, at ano ang hindi. Unti-unti pa lang akong namomotivate dahil sabi niya sa reply niya na SIMULAN KO NA NGAYON. Syempre sa Ingles.

Pero hindi ko sinimulan. At nung sumunod na dumalaw ako sa kanya, babasahin ko sana ulit yung post niya kung saan nag-comment siya sa akin. Pero na-delete na. Tapos na-delete na lahat ng iba pa niyang post at archives mula September pababa na lang natira.

May isang post na halo-halo ang laman. Sobrang random na may sinasabi tungkol sa ama, anak, police, psychological test, kung anu-ano na hindi ko maintindihan.

Ang unang pumasok sa isip ko, baka na-hack ang blog niya. Kaya sinulatan ko siya through email. At sa isip ko, ang tanga ko, hindi ko pa kinopy paste yung comment niya, sobrang gustong-gusto ko paulit-ulitin basahin yun.

Hindi na ako nakarinig mula sa blog niya, at naging private na ang blog niya. Pero kahapon, dalawang buwan makalipas, nagulat ako na nag-reply na siya sa email ko. Sinabi niya ang dahilan kaya nangyari yun, at baka hindi na siya mag-blog kahit kailan.

Medjo nalungkot ako. Siya kase ang kaisa-isang PERSONAL na motivation sa buhay ko. Dahil sa kanya panadalian nabuhayan yung dugo ko na baka nga matupad ko ang pangarap ko na maging manunulat. Pero para akong bumalik ulit sa realidad, pagkatapos nung nangyari.

Hindi ko sinasabing dahil sa kanya hindi ko na ipagpapatuloy sana ang pangarap ko. Pero parang naisip ko na madami pa rin naman akong dapat atupagin sa buhay ko. Gusto ko magsulat, pangarap ko na marinig ako ng mundo, pero naisip ko, kung puro tungkol sa sarili ko naman yung ikkwento ko, sino magiging interesado?

29 comments:

  1. marekoy, nakadepende naman sa magbabasa siguro ang sinulat mo.. katulad ko, hindi din ako writer, nasusulat ko lang ang nasa isip ko, nakakapasulat ako sa kadahilanang gusto kong mailabas ang nasa isip ko.. siguro ganon lang un.. may nagiging intersado at hindi.. basta magsulat ka ng kung anong nasa isip mo, kahit na anong topic pa yan.

    at ewan ko ba marekoy.. ano ba ang sinabi ko hahaha... ey nakabalik ka na ba o naka sched oa din ang post na ito...

    ReplyDelete
  2. @Banjo Parekoy nakabalik na ako.. medjo nag-aayos lang ng maigi ng naiwanang blog... hahaha salamat sa mga advice... sabagay tama nga naman na naka-depende ang pagsusulat sa mga magbabasa... at hindi naman kailangan i-please.... wait lang parekoy ah

    ReplyDelete
  3. napapansin ko nagiging seryoso na mga topics mo marekoy which is good, yong tipong halo ang posts na may patawa minsan para hindi boring di ba...

    maligayang pagbabalik and happy birdeeee!!!! magkabirdeee kayo ni lakwatsero!:-)

    ReplyDelete
  4. tama si Istambay depende sa mga nag babasa, nasusulat ko lang ang nasa isip ko, nakakapasulat ako sa kadahilanang gusto kong mailabas ang nasa isip ko.. siguro ganon lang un hahaha, Inulit ko lang yung comment nya :)

    ReplyDelete
  5. hahaha kao nga din eh... kung di literature eh about sa buhay ko naman.. pero minsan din may pakunting segways.. pero hayaan mo na kasi kung saan ka naman talaga hiyang dun strong points mo kung san-san nga ba at gagaling din tayo.. hahaha

    ReplyDelete
  6. @ Kuya Haron Hala kuya..bakit mo nasabing birthday ko???!!!!! WAAAAAh hindi ko birthday!!!!??? sobrang dame tuloy question sa utak ko..

    @Kuya adangKahit ano pang comment mo kuya Adang malugod ko yung tinatanggap..!!!

    @Kiko hahah sana dumating nga ang araw na gagaling din tayo....

    ReplyDelete
  7. Basta sulat lang ng sulat... tapos sa susunod gagawa ka rin ng sarili mong libro... kahit anong kwento basta gawa mo meron yan! hehehhehehe

    ReplyDelete
  8. actually mrami kmeng me pagnanasa este enteresado sau eh..jeje..andito nman kme para magbasa at macoment sa mga snusulat mu,,,di man kame gnun kbihasa pdeng imaginin u nlng n bhasa kme...(churvah...) sana pgpatuloy u pdn ung dream mu..kc kung eto ngang blog mu dnudumog n ng ilan wat more ung mgging lbro mu..db..db..?

    ReplyDelete
  9. @ Xprosaic Hahahaha actually adik ako magsulat.. 100%!

    @ Katie Oo nga noh katie! Noh ba yan.. naghahanap pa ako ng pagmamahal ng eksperto eh.. nanjan naman kayong lahat!!

    ReplyDelete
  10. Uy, welcome back.
    Kamusta naman na yung blogger na yun?
    Sana okay lang siya.
    Ikaw? Back for good ka na ba?

    ReplyDelete
  11. @ Mj Sige ikaw na bes

    @Hi me uhhh secret na lang muna kase... di ba kailangang confidential yung mga ganun.. syempre personal niya na life yun kaya ayuko i-reveal.. salamat sa pag welcome back..

    ReplyDelete
  12. tama silang lahat... kaw ang gumagawa ng sarilli mong kwento... nasa readers yun kung ano ang magiging opinion nila dito... eto nga nasulat ko nadin yan, quote ko lang:

    http://leonrap.blogspot.com/2010/11/to-my-dear-followers.html

    "TAYO pa din bilang tao ang makakaunawa at magbibigay ng sarili nating interpretasyon sa kung ano man ang mga nababasa natin,"

    mabuhay ka po ate kamila!

    ReplyDelete
  13. Ui, Bob Ong. Hahaha.
    Nagbabasa ka pala ng mga libro niya?
    ako den. hahaha.

    anyways, sayang at 'di na makakapag-blog yung naging motivation mo...

    pero, naintriga ako, bakit kaya, 'di na siya magba-blog kahit kailan??? XD

    ReplyDelete
  14. nyek ako rin naman eh yung blog ko eh puro tungkol sa sarili ko yung laman, laging walang kwenta, puro selfish thought pero may bumabasa pa rin di ko nga alam kung bakit pero sa tingin ko sa blogging world eh sadyang natatakam ang mga blogger na magbasa ng mga kwento ng mga taong di nila kilala sa personal na buhay. dahil siguro sa pare pareho alng naman tayo ng rason kaya tayo ng bablog..para ilabas yung mga nasa isip natin ng di natatakot na mahusgahan.

    ReplyDelete
  15. tama si xprosaic, sulat lang ng sulat. hindi naman importante kung personal o hindi.

    ReplyDelete
  16. Madami naman pwede maging interesado kahit sarili mo lang ang kwento mo. Basta creative writing ang gagawin mo, madami pa din matutuwa. Ako din kasi hirap na magshift ng focus. Dahil di naman ako writer at dahil wala naman akong alam na ibang bagay kundi sarili ko lang. Haha

    ReplyDelete
  17. @ rapbakit mo ko tinatawag na ate....?? hahaha adikk!! colboy ka! hahaha joke... salamat sige babasahin ko yan pagkatapos ko mag-commentow

    @Jae Gibbs Pagnapansin mo..madame talagang manunulat na pinanganak mula kay Bob Ong.. pansinin na lang ang paraan ng pagsusulat.. hahahaha at kung ano man nangyari sa kanya... secreto ko na lang haha

    @jaid ang lalim nun ah.. at napaisip ako.. at napaisip muli... ang ganda... ang sarap ng may kadamay ka kahit napaka-walang kwenta na ng sinasabi sa blog..may mga dadamay pa din...

    @Kuya Bino hahaha sige kuya bino..ako ay magsusulat at magsusulat at walang katapusang susulat!!! Salamat!

    @Yow Penge nga ng sarili mo.... hahahaha. Hindi nga naman natin mabibigay mga bagay na wala tayo.. hindi ko na nga pagpipilitan...

    ReplyDelete
  18. sabi nga nila kahit hindi ka writer (o kahit anu payang gusto mong gawin sa buhay) basta magpraktis ka lang palagi e gagaling ka din magsulat.

    cheers!

    ReplyDelete
  19. kamil di mo kailangang makiayon sa gusto ng mambabasa mo this is your blog this is your kind of show.. mamahalin ka ng mga tao because they love what you write. they wont stick to u if they find ur blog not interesting enough. you dont need to please evrybody..


    tgnan mo ko. i dont usually blog hop and i dont usually follow people kng hindi ko tlg gusto..this is a free world after all..


    keep it up :)

    ReplyDelete
  20. @Cheese Tingin ko oo nga..may improvement naman ako kahit papaano...

    @Rico nyahahaha... iniisip ko nga minsan parang hindi na ako yung nagsusulat... totoo nga ba ako.. ako nga ba ito... pero ang masarap sa blog hop..may mga mapupuntahan ka talaga na ang ganda ng mga sinasabi nila.. masaya kase may natututunan talaga... weeeeehh! thank you sa advice

    ReplyDelete
  21. kwento tungkol sa sarili natin o sa iba pa man ang laman ng blog mo, ang mahalaga nailabas mo kung ano yung nasa loob mo...bahala na si batman kung may magkainteres :D

    ReplyDelete
  22. @ LordCM Histrionic kase ako kaya siguro ganito laging uhaw sa attention ng tao... at pakiramdam ko kailangan ko marinig na interesado sila.. pero siguro hindi mahalaga na binabago ang sarili para sa iba.. isusulat ko na lang yung gusto kong isulat..

    ReplyDelete
  23. gusto ko nga ung type ng pagbablog mo. napaka-honest at exciting.

    Godbless palagi

    ReplyDelete
  24. @ Albert Thank you Albert..masaya naman ako sa mga sinabi mo!!

    ReplyDelete
  25. ahahaaha... ayaw mo ng ate?? "kuya" u like? joke... o xa, di na ako gagalang kahit kelan. ahahaha

    ReplyDelete
  26. @ rap okay pa ako sa kuya! hahahahahahah

    ReplyDelete
  27. Gusto ko to..gusto ko..na-inspired ako..hehe..kasi hindi ko pangarap na maging manunulat, pero dahil nabasa ko ito, parang gusto ko na din maging manunulat.

    ReplyDelete
  28. @Akoni Nyahahaha... ako din gusto ko magsulat ng magsulat..pero tinatamad na ako ngayon

    ReplyDelete

Anong meron?