Pages

Thursday, January 27, 2011

Promising nga ba?

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

Promising naman ang result ng buong week kong status sa FB. Napapa-sambit ng 'shet' yung mag-oonline kase bungad ko agad ang PM na nagpupumilit. First time ko kase makisawsaw sa mga ganitong pangyayari.

Gusto ko ibahagi ang award na ito sa lahat ng mga bagong kakilala at bagong kaibigan ko sa blogsphere. Lalo na sa lahat ng kasapi sa United Pinoy Bloggers.  Kaya mag-papainom ako pag-uwi ko. Chos.

Bagong blog na nga ito, hindi na ito ang dating kamilkshake. Dahil mas madami na akong kakilala ngayon. Ang TABA 2010 ay nagbigay daan para may mas makilala pa akong ibang tao bukod sa sarili ko.

Born-again. Para akong pinanganak muli ng dahil sa inyo. Ang sarap makisalamuha sa lahat ng katotoy at kaneneng na Pinoy, sagigilid ka man o hindi. Ang sarap makisalamuha sa mga tao at magsalo-salo sa iisang uhaw ng pagsusulat at pagbblog. Nagsisisi ako bakit ngayon ko lang kayo nakilala.

***
Tatanggapin ko na sana na talo ako dahil nagkatrabaho nga ako sa malayong lugar (na nauwi sa joke). Di ko naman inaasahan na may makikipagpatayan pala para ipanalo ako. 

Isa na dun ang desperada kong Nanay. Hindi ko alam bakit tuwang tuwa naman siya, kala niya siguro sa Grammy ako na-nominate. Sunod na dun ang biological at gwapo kong kuya, Kuya Jeg, na ayon sa balita ay hindi natulog buong araw, galing pa sa night shift, mapagmahal masyado. Sa mga klasmeyt ko nung highschool at lalong lalo na mga klasmeyt ko nitong college, salamat mga kapatid! Hindi ko na kayo iisa-isahin pa or should I?

Nagmakaawa din ako sa nobyo ko na sana naman maki-isa din siya sa pag-hakot ng boto, pero di niya nagawa. Di ko naman siya masisisi. Kasabay ng solid na pag-announce ni Zyra sa mga nanalo ay ang balitang pumanaw naman ang Lolo ng nobyo ko, kaya kalahating masaya at kalahating malungkot ako nung araw na yun. Pero salamat pa rin sa kanya na uber support naman para sa akin.

At hindi ako magpapahuli na magpasalamat sa lahat ng nag-nominate sa kin, lalong lalo na sa pinaka-pasimuno na nag-nominate sa kin!!!! Si Kuya LHAN! Salamat kuya! Kundi dahil sayo wala sa akin ang award na ito!

Congratulation din sa lahat ng nanalo! Ang happiness! Kase may iilan din akong ni-nominate na nag-boom boom!!

At hindi naman pwedeng hindi magpasalamat sa babaeng siyang nag-effort buoin (buoin??) ang pangyayaring ito!! Salamat ng maigi Mrs. Bambico!

Ayun lamang. Sorry hindi talaga punctual kahit kailan si ako. Late na late na!

25 comments:

  1. congrats marekoy, ata talagang may speech hehehe.. keep it up.. proud to be pinoy.. salamat din at naging magkaibigan tayo.. congrats din sa lahat... tsk tsk, nanghihinayang gin ako kasi hindi ko alam ang mundong ito noon.. engot kasi ako noon eh hahaha..

    congrats muli marekoy..

    ReplyDelete
  2. congrats kamil! galing naman kasi ng blogs mo eh! :D pangarap ko rin manalo ng ganitong award, pero wala yata para sa mga katulad ng blog ko! wahahaha! again congrats sa pagkakapanalo! wooot woooott! :D

    ReplyDelete
  3. @ Banjo oo kailangan talaga ng speech sa mga ganitong pagkakataon! happiness! kahit naman ako engot din eh.. di ka nag-iisa!

    @ Art Salamat! Yaan mo gagawan kita ng award.. ahhaa joke lang!!! Salamat salamat!!

    @ RizaSalamat Riza!!! x)

    ReplyDelete
  4. @ Kiko Salamat batman!!!!

    @ LordCM Salamatttttttts

    @ Rosemarie Thank you

    nga pinaghiwalay-hiwalay ko pa... hahahaha

    ReplyDelete
  5. promising talaga..at magpromise kana na magparty people tayo pag uwi mo..:))

    ReplyDelete
  6. @ Cheenee Oo ba magpapainom ako kapag nangyari yunn

    @jaidmamat sis..

    ReplyDelete
  7. mala diamanting pagbati sa iyong award.

    ReplyDelete
  8. @Kuya ROmmel Salamat kuya rommel!

    ReplyDelete
  9. arh-arh-arh...galing! pang-standng ovaxon din sa speech...
    congratx n naman...!!! (^^,)

    ReplyDelete
  10. 'Di na "Kamilkshake" yung nakalagay sa feed ko, "Road to kill" na.
    Ganda pa naman ng title na Kamilkshake. Hahaha.

    Aaannnyy waaysss...

    CONGRATULATIONS! =D

    ReplyDelete
  11. yari ka pag uwi mo bes...dami nag-aabang sayo! haha

    ReplyDelete
  12. effective ang vote buying ko,hahaha.

    ReplyDelete
  13. Congrats ate.. You deserve it. :) Kasi pinaghirapan mo yan. Kahit na tinalo mo si SOB na kasupladudes ko eh oks lang, lahat naman kayo eh promising at magagaling. Haha. Salamat sa pic greeting. :) Ang dali kausap mo Ate, ambilis ng response.

    ReplyDelete
  14. Congratulations Kamila! Sayang hindi ko na mabuksan ang dati kong blog kasi nakalimutan ko password, kaya eto, gumawa na lang ng bago. Sayang may 3 pa naman akong followers dun, pero okay lang new beginning na. Grabe nalurky ako sa damin ng followers mo, parang kailan lang pang-14 yata ako pero ngayon bigla silang tumaba. hahahaha!

    ReplyDelete
  15. @Jobo hahahahaha sorry naman jobo... at salamat!!

    @Katie Pang standing ovation ba?? Lol... kala ko essay writing eh

    @Jae Gibbs Napansin mo pa yun? Hahaha... Oo nga.. pinag-iisipan ko kung san ko marapat ilagay ngayon ang KAMILKSHAKE na titulo.. hindi naman mawawala sa kin yun.

    @Mj Madame na ba???

    @Kuya Adang Talaga kuya adang nagvote buying ka pa para sa kin..?? DI nga? hahahaha

    @Yow Lol. Your welcome dun sa greeting na mukhang banner... Parang halos.. 6 months lang naman agwat natin..bakit mo ko tinatawag na ate.. ahhahaha feeling ko antanda ko na.

    @Billy Buti naman gumawa ka na ng bago..bakit mo kase nakalimutan.. hahaha.. anyway.. oo nga nagulat din ako sa pag-lago ng follower ko.. sapilitan lang mga yan kaya wag ka masyado mag-alala.

    ReplyDelete
  16. at talagang nagsorry...hahahah kasi ba naman tatlo o apat lang ata boto ko sa category na kalaban kita....hahahahhaha ikaw na talaga....hehehe

    ReplyDelete
  17. @jobo Yaan mo..lahat ng boto ko ay sapilitan lang.. hahahahahaha..

    ReplyDelete

Anong meron?