Pages

Friday, January 7, 2011

Warakin mo pa. Kulang pa.

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.


Yan ang buong pamilya ko. Yan sana ang buong pamilya ko.

Project ko toh nung 1st year college ako sa Mandarin. Isang simpleng family tree lang ang gustong makita nung teacher namin... hindi ko alam bakit gumawa ako ng Family train. 3D pa.

Madrama ako, dahil na rin siguro sa kinalakihan ko. Hindi ko akalain na magiging Maalaala mo Kaya buhay ko, pero tingin ko hindi pa rin pasado sa kadramahan yung mga linya ng buhay ko kaya ibig sabihin madami pang kalungkutan ang mararanasan namin.

Lahat kame bawat isa na nakasakay sa train na yan ay lumiko sa iba't ibang direction, lumiko sa iba't ibang palya ng buhay.

Masakit man aminin, pero gusto ko ng tanggapin na wasak na kame. Hindi na ako umaasa na bumalik pa sa dati at masaktan na naman ulit ng bagong umpisa.

Hindi ko mapatawad Tatay ko. Naiisip ko lang na kung nung umpisa lang minahal na niya Nanay ko ng lubos, siguro lahat kame namumuhay lang ng simple sa Pilipinas. Siguro kaya hanggang ngayon affected much pa rin ako at emo much pa rin sa sitwasyon namin, siguro dahil kahit na tinahi ko na yung nawarak na balat, hindi pa rin naman maghihilom agad yun di ba?

Ang daming regrets. Pero hindi ako yung madaming regrets. Yung Nanay ko. Yung Tatay ko.

Siguro mahal na mahal ko lang din ang Nanay ko, kaya ako nagagalit sa Tatay ko. Dahil seryoso, pakiramdam ko ang Tatay ko ay isang malaking kasinungalingan. Pero tinanong ako nung boypren ko, sabi niya, kapag ba nalaman ko ba lahat ng katotohanan mapapatawad ko na siya?

Shit.

Gusto ko malaman lahat ng totoo, pero kapag nalaman ko, lalo naman ako magiging balistik sa galit. Eh ano na gagawin ko?

Lumalabas na lab-layp na ng magulang ko ang pinag-uusapan dito. Sabi ko tatanggapin ko na lang. Pero sawa na ako sa pag-eemo ng Tatay ko na mukha siyang kawawa. Pumasok siya sa ibang storya ng buhay niya, at hindi ko na siya maintindihan.

Ang ironic noh? Tas puro tungkol sa pagpapatawad pinagsasabi ko sa kabilang blog ko.

25 comments:

  1. Family tree na naging familty train.. pero binawi mo sa point na kahit saan magpalikoliko laging magkakasama.. the best marekoy

    tulad ng napost ko, wag muna tayo maging mapanghusga, lalo na at hindi natin alam kung ano ang buong katotohanan. un nga lang dahil sa sobrang sakit na ating nararamdaman, nadadadala tayo sa ating emosyon. emosyon ang ipipilit satin ay tama kahit na alam nating mali.. (medyo may kalaliman yata)

    well, marekoy maaring nalihis lang ng daan ang isang bahagi ng tren, at siguro hanggang ngayon nasa riles pa kayo, hindi pa dumadating sa destinasyon. (bahala ka na mag isip, napalalim na nga yata)

    ^^,

    ReplyDelete
  2. nyahaha.. ISTAMBAY ang sarap sa tenga ng marekoy.. natutuwa naman ako... hay sana nga one day dumating na nga kame sa destinasyon na gusto namin..

    parang nakalimutan ko yata na lahat ng bagay may reason.... hay salamat sa pagcocomment mo parekoy...

    ReplyDelete
  3. hindi naman perpekto ang mga magulang. nagkakamali rin sila. ang mahirap lang, sa pagkakamali na iyon, may mga anak silang nasasagasaan.

    hindi mo mapipigil ang sarili mong magalit sa tatay mo. nasasaktan ka e. nalulungkot at nanghihinayang dahil hindi buo ang pamilya. pero learn to let go. it will help you move forward. kung tutuusin tatay mo yon. alam kong deep in your heart, mahal mo sya. yun lang nananig ang galit mo sa kanya. mas maige na kakausapin mo sya, although alam kong mahirap yon. kase minsan, hindi natin kayang maranig ang katotohanan. pero bigyan mo sya ng pagkakataon..

    ang hirap magcomment sa post mo na ito. madali kaseng magpayo lalo na kung wala ka sa sitwasyon na ganon. sometimes all we need is to give each other a chance. wag mo iyon ipagkait sa mga magulang mo.

    i pray you all have peace of mind. wag makakalimot manghingi ng lakas ng loob sa Kanya ha? power hug! >:D<

    ReplyDelete
  4. hayaan mo na sila sa mga problemang ginawa nila just enjoy na lang ang life mo and make it different.Malalaki na sila kung kayat alam nila ang gusto nilang mangyari sa buhay nila. Ikaw you have a choice.yon ang ginusto nila anong magagawa natin.

    ReplyDelete
  5. @ rose marie Thank you rose!!.. hindi ko na din talaga alam gagawin ko sa tatay ko... nalalabuan ako sa tatay ko.. hay gusto ko siya bigyan ng chance...pero parang maghihintay pa muna yung chance na yun.. ayuko naman mahuli na ang lahat bago ko pa ibigay yung chance na yun.. hayyyy x(

    pero salamat pa din sa pag comment mo... hay medjo gumaan din loob ko... totoong mahal na mahal ko tatay ko.. dadi's girl ako..

    hay... naiinis lang ako kase buong buhay ko pinagtatanggol ko tatay ko.. pero malalaman ko na waste din pala ang pagtatanggol ko sa kanya..

    salamat rose!!

    @ Diamond R Kuya.. ahaha.. kaya nga eto ang iniisip ko talaga sa future ko ayuko ng ganung relasyon..alam mo kuya.. iniisip ko na lang para maging happy ako sa sitwasyon ng pamilya ko yang mga sinabi mo.. na hindi ako gagawa ng pagkakamali na ginawa ng magulang ko..salamat sa pag-comment kuya!!

    ReplyDelete
  6. pareho pala tayong daddy's girl. =)

    ikundisyon mo ang sarili mo bago mo sya kausapin. mas magandang kalmado ka pag najan na yung moment. pray with your heart and God would answer your prayer.

    mas nakakagaan ng pakiramdam kung hindi ka magtatanim ng sama ng loob. nabasa ko ang post mo sa kabilang blog mo. there are things you cannot forget, kahit gaano mo ipilit sa sarili mo. pero ang puso natin ay may kapasidad na magpatawad, kahit gaano man kalaki ang pagkakamali na nagawa sa atin. it's just a matter of acceptance, letting go, and moving forward.

    i know, in time, babalik din ang dating relasyon ninyo ng papa mo. =)

    ako na talaga ang joe d' mangoooooo! ang dami kong sinasabi! nakakaloka ako! hahahaha! go ate!! ♥

    ReplyDelete
  7. @ rose marie waaahhh natataouching namin ako rose!!! waaaahh!! oo.. gagawin ko mga sinabi mo... kukundisyon ko damdamin ko..at madaming prayers!!! hay...

    alam ko ang pakiramdam ng walang sama ng loob... hay sobrang yun ang gusto ko ulit na maramdaman.. hay... penge lang talagang time muna... hahaha...

    okay lang madaming sinasabi.. gustong gusto ko naman mga advice mo!

    ReplyDelete
  8. second the motion ako sa inyong lahat, sinabi nyo ng lahat, kaya mg amen nalang ako..:)(maka comment lang)

    ReplyDelete
  9. hahaha! ang cute naman ate kamil! :> i'm back.

    ReplyDelete
  10. weee... if you have a family na.. just don't do the same way your parents did.. yan lang ang life.. weeee

    ReplyDelete
  11. Nabigla naman ako sa post na ito. Di mo nga naman talaga masasabi kilala mo na ang isang tao base sa kapirasong blog entry at sa isang well-edited na profile picture. Lahat tayo nagbo-blog kasi mayroon tayong mga pinagdaraanang di gaano kaayaaya. May problema ang lahat.

    Na-guilty tuloy ako sa recent blog post ko. At least pala ako buo yung pamilya kahit na di closeness. I don't think I have words of comfort for you right now other than just "thanks" for reminding me that I still am rather fortunate. Naks. Napa-English mo tuloy ako.

    Kapit lang sa buhay friend. Happiness is a choice. Choose to laugh at your problems.

    ReplyDelete
  12. @ Adang Kuya patawa ka naman... hahahahaha x)

    @ Jaydee Papansin lang ako nung ginawa ko yang train trainan na yan hahahaha.. masyadong bida-bidahan sa skool.

    @ Batman Oo nga batman.. bakit ganun.. yung mga anak laging sinasabi na.. pag ako nagkapamilya.. hindi ako magiging ganyan.. nyeh talaga... hahaha

    @ Hi Me Nakaka-linlang ba ang mga post ko.. natuwa ako at nalinlang ka naman... haha.. oo dapat matuwa ka at sama sama kayo... ako kapag may kaibigan ako pupuntahan at buo sila.. inggetera ako sobra... hahaha.... uy at natuwa ako dahil kinatuwa mo din ang post na ito.. Oo..tama happiness is a choice,, hindi pwedeng mag-mukmok na lang forever


    SALAMAT MGA KA-BLOG.. PINAPASAYA NIYO ANG MA-EMO kong MUNDO!!!

    ReplyDelete
  13. Kamila ^^ seryoso, learn how to forgive...

    ReplyDelete
  14. @ LhanLhan Oo kuya Lhan..seryoso.. magpapatawad ako.. penge lang oras... x)

    ReplyDelete
  15. Naalala ko nung high school, gumawa rin ako ng family tree... kadiri yung gawa ko ang pangit lang...

    Alam kong malnugkot ka dahil sa mga nangyari sa inyo, parang ganyan rin ang nangyari sa amin pero masasanay ka rin at maiisip mkong may mas malaking purpose sa buhay keysa sa magsama-sama nang buo....

    ReplyDelete
  16. ang kapatawaran ay hindi naman atalaga biglaan. in due time siguro, mapapatawad mo din sila :)

    ReplyDelete
  17. @ glentot Nyahaha... sana nga masanay na lang.. para hindi na umasa di ba... baliw nga eh,,, lage ko iniisip lahat may reason... may reason lahat kaya nangyayari toh.. pero nauunahan lang siguro ako ng emotion

    @ kuya bino Oo... hintayin ko yun Kuya Bino..at pipilitin ko na ibigay yun...yung kapatawaran..salamat sa pagdalaw!

    ReplyDelete
  18. condolence...T_T este! nakikiramay ako sa mga kalungkutang dinarasanan mo ngayon...tama ba? hehe..pero totoo!

    p.s. haha! ay sorry tumawa ako.... napaka insensitive ko naman pero natawa lang talaga ako sa ginawa mong family train instead na family tree...hehe pero hanep! napakacreative mo! taas kamay ko sa'yo! hehe

    ReplyDelete
  19. kailangan lang turuan mo ang sarili mong tangapin na ang lahat ng tao. magulang kapatid kaibigan ay possible na makagawa ng isang bagay na di katanggap tangap sayo. ibig sabihin nito tao sila kung kayat nagkamali. Ang magagawa lang nating bilang bahagi ng pamilya ay ang maging una sa lahat na maging karamay. yon ang the best. pangalawa ang matuto sa maling naidulot nito at maging halimbawa sa lahat na kayang baguhin ito. WE are family anyway .pangatlo ay ang maging masaya sa buhay kahit anuman ang nangyari kasi every day is a new day to be happy and to move on.

    Love you kamila from your kuya.parang kapatid lang.

    ReplyDelete
  20. ang cute naman! akala ko nung una cake. hehe

    ReplyDelete
  21. @ Riza Adik condolence... hehehe! Okay lang tumawa ako.. ganun ginagawa namin ng besfriend ko pag problemado... tatary namin lahat ng klase ng tawa..

    hahahaha hihihihih hohohoho hehehehe...

    ayun tapos masaya na kame. nyahahaa.. salamat na-apreciate mo ang family train ko!!

    @ Diamond R ang ganda naman nun Kuya... tanggapin sila.. hay ang hirap nga lang po... di ko alam..parang napaka ironic kapag basta basta ko na lang tanggapin yung situation.. haha salamat Kuya! Na-touch naman akong tunay sa iyo!! Salamat ng madami!!

    @ klomster hello welcome sa blog ko!!! oo kyut ba.. natawa naman ako dun mukhang cake.. hahahahha x) salamat sa pagdalaw..

    ReplyDelete
  22. nalaman ko lang ng lumaki na ako na mahirap pala magpalaki ng mga pasaway na magulang at kapatid. sakit sa ulo. no choice lang kasi di naman sila pweding palitan.ikaw ang nahihirapan ngayon kasi nagkataon na iba ka sa kanila. welcome to the club kamila, we are here naman to help you. share mo lang para madevide ang sadness tapos ang happiness share din ng magmultiply. yan ang natutunan ko sayo.

    god speed.

    ReplyDelete
  23. @ Diamond R Ewan ko din ba kuya kung iba din ako mag-isip mula sa kanila..dami kong nalalaman.. nyahahah... Thank you Kuya for all.. Pero totoo lang medjo magaan na din pakiramdam ko ngayon dahil nga dito sa post na ito..at sa lahat ng magagandang comments niyo..

    ReplyDelete
  24. sorry ngayon lang ako nagcomment. alam mo naman blocked dito ang blogspot hehe.

    sinabi na nila, maganda ang train mo.

    regarding naman dun sa other side of the story, ang family parang tao lang din yan: hindi din perfect. Laging may flaw.

    ReplyDelete
  25. @ Cheese Salamat sa pahabol na pag-cocomment. Alam ko din naman may flaw talaga ang family ko (hindi naman masyado halata) hahaha.. pero ang hirap lang magpatawad hanggang ngayon kase hanggang ngayon nandun pa rin yung epekto ng mga ginawa ng Tatay ko.. at hanggang ngayon..parang nag-ha-hunt pa din...

    salamat sa pag-comment!!! x)

    ReplyDelete

Anong meron?