|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
At ganyan ang itsura ng step-dad ko kapag nag-ppractice ako mag-maneho. Ako ganyan din, ibang aspeto nga lang. Excited!
Okay. Automatic lang naman pinag-aaralan ko i-drive, so in totality parang naglalaro lang ako sa Quantum, kaibahan lang may mga angkas kang certain na mga tao na parang programmed na sumigaw ng sabay-sabay kapag mukhang nasa bingit na ng kamatayan ang byahe.
Excited, kabado, excited, kabado, seryoso, excited, flat affect.
Badtrip lang sa mga Mexicano na ilang beses na akong binusinahan dahil sa mabagal ako. Kayo na magaling mag-drive.
May one time pa na papunta na kame sa freeway (o express way sa atin) ng biglang may nag-cut sa harapan ko, at ang mga sususunod na sasabihin ko ay nangyari lang sa loob ng dalawang segundo: nataranta, nag-brake, nag-gas, lumiko sa maling direksyon, nag-brake, nag-gas, isang huling malakas na brake pagpasok sa maliit na eskenita. Okay di ko rin sure kung dalawang segundo lang yun, basta in short ang bilis ng pangyayari. Nakahinga pa naman ako pagkatapos nun, sabay tanggal ng seatbelt at lipat sa passenger's seat. Tapos tanong ng, "Anong nangyari?"
Buti na lang walang kotse sa likod namin nung lumiko ako dahil hindi na ako nakapag-signal sa sobrang taranta.
Bilib ako sa traffic rules at regulation dito sa bansa na ito. Minsan hindi sinusunod pero kadalasan nasusunod. Sa atin minsan nasusunod kadalasan hindi. Ibig kong sabihin, mas madami dito ang takot na mahuli kaya praktikal lang na susunod sila sa regulation, sa atin kase pwede bigyan ng pang-yosi ang manghuhuli sayo.
Kapag natyempuhan mo naman na sa may lugar na may camera ka pa natae at napa-GO ka kahit red light pa, bibigyan ka ng
Mag-ddriving test pa ako sa katapusan ng buwan, at mahalaga na pumasa ako dahil importante ang marunong mag-drive sa ilang trabaho dito, advantage yun kung marunong ako. Sana lang bumalik pa akong buhay (at yung mag-papa-exam sa kin) pagkata's akong isalang sa gera.
Good luck much.

go lang ng go! ingat lang pag may license ka na. iba kung magmaneho mga foreigners na yan. dito sa middle east parang sa kanila ang kalsada. harurot kung harurot!
ReplyDeletehahaha.. advice ko lang marekoy, sa pagdadrive ang pinakaimportante sa lahat, presence of mind, automatic yan pag nagkaron ng hindi inaasahan pangyayari. gagana lahat ng dapat gumana basta may presence of mind ka. at isa pa wear sitbelt, kung wala, yumapos ka na lang sa may seatbelt hahaha juk...
ReplyDeletehaha! natawa ako... good luck!
ReplyDeleteahahahaha...ang cute naman nung matabang lalaki..hehe...sana ako din matutong magdrive...ng bike!jejejeje..
ReplyDeletewow... sana matutu na rin akong magdrive
ReplyDeleteinggit naman ako. LOL. ewan ko kung bakit di ko pa masimulan ang driving lessons ko. pero 'wag ka nang mag-drive. lady drivers are bad drivers. bwahahaha.
ReplyDelete@Ka-Swak Ano nga po ulit name mo? Hindi ko na maalala..parang mahirap bigkasin. Oo nga eh..more ingat.. huwag masyado kaskasero sa daan, wala naman akong papasikatan.. yung tama lang para maging okay ang daloy ng traffic... hay..sa akin okay lang mga kano.. ewan ko ba sa mga mexicano.. badtrip na medjo takot ang nararamdaman ko sa kanila..
ReplyDelete@Istambay Tama presence of mind. Minsan ang step-dad ko napapatingin sa pagkaen tas nawawala sa focus sa daan. Hindi ko alam bakit siya ganun kadali ma-distract sa pagkaen..di naman halata sa dinadala niyang sanggol sa tiyan niya.. Oo..hindi ko nakakalimutan ang seatbelt..bawal magdrive ng walang seatbelt..
@Riza Salamat natawa ka...hahaha lol
@Katie Sa tamang panahon Katie..matututo ka din!
@batmanButi naman na-serve ng post na ito ang purpose niya.. ang mang-inggit.
@jeric Hahaha sorry na lang pero madami dito mga babae nagddrive ng kotse..ang lalaki pa nga ng dinadrive nila eh.. Subra. Namangha din ako nung una ko napansin yun dito.. halos pantay lang ang bilang ng lalake at babaeng nagddrive..di tulad jan pag may nakita kang babae na nagddrive..kakaiba
hindi ako nakarelate. wala kasi akong alam sa pagdadrive.hehe.
ReplyDeletegoodluck na lang at ingat :D
dito obligado ka sumunod sa mga traffic rules, kasi ang ma mahalng penalty. saka bawat sulok may mga radar, at monitoring camera, para sa over speeding. pero kahit mahigpit ang rules marami pa ding pasaway na driver lalo na yung mga local dito.
ReplyDeletegood luck at ingat! XD
ReplyDeletesigurado akong hindi magugustuhan ng stepdad mo pag nakita nya yung GIF na sinasabi mong ka-itsura nya. hahaha XD
goodluck sa driving test! Pag nakapasa ka baka pwede ka na mag taxi driver-ess
ReplyDeletenaalala ko yung first time ko magdrive sa metro di ko pa makontrol ung pagpapatakbo. ang saya! kaya ngayon wala na ako'ng lisensiya. hehehehe
ReplyDeleteAy tapang!! hehe... Ako, marunong mag-drive.. Praning nga eh, super.. Student permit lang ako (hanggang ngayon hahaha). At dito lang sa loob ng campus. Ayokong lumabas sa national road.. jusko, andaming bus at mabibilis na jeepney ang nag-uunahan sa kalsada dito sa amin. Ayoko pang mamatay. hehehe..
ReplyDeleteKailangan talagang marunong kang mag-drive lalo na't andyan ka sa Tate. Makaktulong kasi.. lalo na sa trabaho.
GO! Kayang-kaya yan.. Good luck, Kamila.. =)
My Tasty Treasures
Everyday Letters
@goyo Ako din nga parang wala pa rin alam sa pagddrive eh. Mukhang tanga lang.
ReplyDelete@adang Hi kuya adang! Oo kahit dito ginto din kapalit ng isang ticket. At ewan ko meron din silang sinasabi na radar pag speed limit sa freeway. Kahit naman dito hindi nasusunod ang speed limit... pero walang makukulit na bus na halos mag-parking na sa kalsada kapag naghihintay ng pasahero.
@ Raffy Yaan mo kahit naman makita niya yan hindi naman niya malalaman na siya pala tinutukoy ko jan... hahahaha
@ Jojo Baka mag-bus driver na lang ako...madalang kasi taxi dito eh.. hahaha..
@Bino Over speeding ka kuya Bino..ako naman under speeding.. kanina nga ulit may nabadtrip sa kin... at nabadtrip din ako. Nag-overtake siya sabay busina sa mukha ko..tae.
@ Ms.Leah Minsan nga nauupusan ako ng lakas ng loob eh. Ewan. Sobrang nawawala ako sa focus kase nauunahan ako ng nerbyos. Pero sisikapin ko pa rin matuto ng maayos. Salamat Ms.Leah!
now i want to learn how to drive! inggit lang. hehe
ReplyDelete@ Doc hahaha sige na aral na mag-drive...
ReplyDeletenatuwa ako sa .gif XD
ReplyDeletenakakaloka yung itsura. XD XD
pero mas nakakaloka yung driving test ah.
mwahahaha.
panalo. XD
@ JaeNaloloka na nga din ako eh. di ko na lam kung anong gagawin ko. Hindi ako ma-focus sa kalsada.
ReplyDeleteHindi din ako marunong magdrive. Haha. Sorry, wala akong maipapayo. Nasan kang bansa ngayon ate? I'm Yow by the way. Link kita sa blog ko ha? Thanks. :)
ReplyDeletesa tingin ko hindi 2 seconds un.. sa tingin ko lang mga nasa 4.5 seconds lahat-lahat un..
ReplyDeletehindi ako marunong magdrive at wala akong balak matuto.. bukod sa wala akong imamaneho kahit in the near future eh may takot ako sa ganyan.. at dahil s amay lakas ka ng loob.. hehehe goodluck... ;))
gudluck bes..turuan mo din ako pagbalik mo dito ha...
ReplyDelete@ Yow Okay lang kahit walang napayo... salamat sa pagbisita mo..nasa tate ako ngayon... hahaha... oo kilala na kita yow.. dumadalaw ako sa blog mo eh.
ReplyDelete@ Yanah Hahaha... baka nga mga 4.5 seconds.. hindi ko din alam... oo puro lakas ng loob na nga bitbit ko... at bitbit naman ng nagtututo sa kin..pananampalataya.. haahha
@MJ oo sana may kotse ako para maturuan kita.. bike?? marunong ka...? hahah
di ako marunong magdrive at natatakot ako kaso ang astig kapag babae yung nasa driver's seat hehehe wala lang astig lang for me =)
ReplyDelete@ Super Jaid Oo nga medjo astig din naman taaga pagbabae nagddrive... pero dahil ang common na nga dito na madameng babae na nagddrive.. medjo nawawala na yung pananaw ko na yun. Hahaha salamat sa pagdalaw.
ReplyDelete