Pages

Saturday, January 29, 2011

NO CODE

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Pabalik ng bahay
Palpakacious talaga ang tema ng buhay ko. Hindi ko pa rin siguro talaga alam kung gaano ba kahirap ang buhay at ang mabuhay. Akala ko poker face na ko kase ang dali ko nakuha yung work na yun, well at least mukhang madali. Palpak ang ending. Hindi yung trabaho, kundi ako.

Atapang atao eh, tapos di ko pala carry. Sa puntong ito eh maliliwanagan lang kayo sa mga alibi ko, pero kung pagsusumahin, kung bibigyan ko ng effort, kung gugustuhin, eh madali lang naman ang inihaen na trabaho sa hapag ko, isusubo na lang di pa nagawa.

Itim ang pasyente, babae, di na nagsasalita, di na nagalaw, pero humihinga pa din, bedridden, naka-NGT at catheter. Gagawin mo lang eh bed bath, feeding at meds. Tapos tulog at syesta ka na all the way. Lastly, NO CODE na siya, meaning kapag nakalimutan niya huminga since may dementia siya, no need na i-revive pa. Tatawag ka ng 911 para lang i-confirm ng mga professional na deads na nga siya. Yun lang.

So anong reklamo ko sa baranggay? Kahit na di na siya gumagalaw, na-eexpress pa rin niya nararamdaman niya, di ko kinakaya pag pinapakita niya na ayaw niya na hinahawakan ko siya, o pag-nililinisan ng bibig. Di ko nasubukan na linisan yung whole body effect, kase di ko kaya dukutin ang behind niya. Di ko kinaya na hobby niya ang gumawa ng sipon. Di ko kinaya nung pangatlo at pang-apat na araw akong solo-flight sa pag-aalaga sa kanya. Di ko kinaya ang mala-haunted house na nagsisilbing kanlungan na lang niya bago ang kanyang peacefulness. Imaginine mo na lang ang madilim na pasilyo at sala kung saan ang mga upuan ay naka-cover ng mga tela, literal na ganun. Di ko kinaya ang smell ng maalinsangan na environment.

In short mahina loob ko. Sabi ko nga ma-alibi ako, excuse ko lang lahat yan. Madame akong reklamo, pero kung i-susummary, kahinaan lang talaga ng loob ang nangyaring pagsuko ko. Kaya umuwi na lang ako. Bagamat nakakahiya na nga, ayun nilamon ko na lang pride ko para maka-uwi muli.

Ngunit hindi ko naman papayagan na ma-label ako na mahina ang loob ko. Ang nasabi ko na lang, mas gugustuhin ko pa na mag-assist ng surgical operation kaysa mag-linis ng behind. Kunyari tinataas ko sarili ko nung sinabi ko yun, pero medjo nabastos ko naman ang halos apat na taon nang trabaho ng aking ina, ang caregiving. La lang. May ma-kwento lang daw.

Salamat sa lahat ng mga nag-pallow. Handa ako i-follow back kayo palagi, kung di ko pa kayo napapallow back, ipagbigay alam. Kung gusto niyo mapasama sa blog roll eh handa naman din akong ilagay kayo. Madali ako kausap. Madaming salamat pa din sa lahat ng dalaw sa presinto. Nakakabusog.

27 comments:

  1. ahh ayun pala ang kwento!
    kaya hindi ako nagnursing e...
    pero natry ko na maglinis ng behind, nung kay mama... walang kaartehan, walng keme-keme...

    ReplyDelete
  2. MAGALING! ang galing ng pagkakasulat :D

    ReplyDelete
  3. pano naging hobby ang gumawa ng sipon?? ahaha... pano un, naintriga ako... eeeww-ness! ahahaha

    ReplyDelete
  4. Hirap na trabaho yun di ba.
    pero, malaki daw kita dun.XD
    Kaso, kaya nga, mas okay pa yung puro dugo kesa puro **e. XD

    ReplyDelete
  5. natuwa ako sa hobby nag gumawa ng sipon..hehehe..:)
    anyway.. ganyan din naman ang sitwasyon sa hospitals dito.. mabaho.. at tanging tibay ng loob ang sandata mo..naalala ko tuloy yung bed ridden kong pasyente dati.. halos masuka ko kapag nililinis ko..hahaha..pero keri lang..:) sanayan lang friend!

    hanap ka nlng ibang work..baka di ka bagay dun..hehe

    ReplyDelete
  6. hahaha no ba talaga trabaho mo ngayon? wahehhe

    ReplyDelete
  7. Ate, ate, nurse ka din pala? WOW. Nakakagulat. Ang dami pala nating nagkalat. Di pala ako nurse, student nurse pa lang. Soon to be. Haha. Tama ba? Kaya mo yan. Basta isipin mo na lang na bawat paghihirap mo eh ang kapalit, pera. Haha. Oo, mukha akong pera.

    I agree, mas masaya mag-assist sa OR. :)

    ReplyDelete
  8. better luck next time. marami pang pagkakataong magawa ito.and for sure flying with colours na ang gagawin mo.

    ReplyDelete
  9. @Mj bes okay lang maglinis... try mo dukutin.. hahahaha ayst... di ko kinerry

    @Kuya BinoSalamat kuya bino sa pagdalaw palage!

    @ Leonrap Secretong malupet... hahahaha pero kung anong ma-imagine mo.. ganun na nga

    @Jae Gibbs Mahirap talaga.. pero saludo pa din ako sa mga caregiver... malaki ang sweldo kumpara sa mga minimum wage talaga.

    @Adang Hahahha... kaya ko ba... kuya adang?

    @CheeneeNakonsensiya naman ako Cheenee... kahit sa hospital, kahit na mabaho sila kailangan ibigay mo pa din ang lahat mo para sa kanila.. mukhang di ko nagawa yun

    @KikomaxXx Ngayon? Wala na ulit akong trabaho, pero yung kinuwento ko sa taas.. caregiving yun.. hahaha

    @Yow Huyy.. hindi pa rin ako nurse.... nag-aaral pa lang din..! hahahah

    @Kuya Rommel Salamat kuya rommel sa words of encouragement... sobrang mahalaga sa akin ngayon makarinig ng mga simpleng salita katulad niya.. feeling ko kase sa ginawa kong pagsuko..talunan ako.

    ReplyDelete
  10. Sus. wag panghinaan ng loob. nasa isip mo lang yan. :D

    ReplyDelete
  11. Ate Shawee ikaw ba yan? Seriously, oo, mahirap nga talagang trabaho iyan. Pero, tama ka. Alibi mo nga lang talaga. Hehe. Joke. Seriously (na naman), dapat nga namang purihin ang mga Caregivers sa dedication nila sa trabaho nila. Its just that Caregiving is not for you. Find your passion. That's what will drive you to happiness. All is well.

    ReplyDelete
  12. @EmpiNasa isip ko lang ba... hahaha so niloloko ako ng isip ko.. hahah

    @Hi Me Muntikan pa lang maging ate shawee.. magdodoktor na lang akong tulad mo. All is well.? Sa 3 idiot yan ah..

    ReplyDelete
  13. yeah feel kita kahit aKo mas feel ko pa sa ospital kesa mga private2 na ganun..
    it's okay you could always find another job better than that ^_^ promise...

    ReplyDelete
  14. mag colcen agent ka nlng din tulad namin ni palaka... para sumaya nmn pakiramdam mo sa mga bobong lahi. ahahaha

    ReplyDelete
  15. tanginang trabaho yan, tagalinis ng sipon, tagalinis ng dumi tapos sa isang bahay na parang pinag-shootingan ng the others at the exorcist. pootanginah pati ako mapapa-uwi pero it all comes down to the bucket. magkano ba ang rate mo?

    kung okay naman eh di tiisin na lang di ba? magpakahirap ka ngayon pero bukas "donya ang itawag niyo sakin." LOL.

    ReplyDelete
  16. Wow... galing ng Tagalog mo...

    For starters, I think nobody knows how hard life really gets until you get to that point. Doon natin malalaman na malakas ang loob natin. I believe you are truly strong. Please believe it too.

    ReplyDelete
  17. marekoy, nag caregiving ka? at ngayon di mo kinaya? hindi naman pagsuako yan no? kasi sa tingin ko eh hindi mo naman yan gusto.. matapang ka nga at iginiveup mo na ang ayaw mo, hindi ibig sabihin nun na duwag ka o mahina ang loob..

    kung hahanap ka ng work, dun na sa gusto mo kahit na ano pa yan..:).. ay ganda ng sulat mo ha marekoy..

    ReplyDelete
  18. @RizaSalamat Riza... sana nga makahanap na ulit

    @RapAnong bobong lahi..adik ka... Oo nga eh..parang gusto ko din i-try mag call center..hehehe.maka-experience lang

    @@Jeric Hmmm.. kung magkano... sabihin na lang natin na mas mataas pa sa minimum wage dito... at bonggang mas malake kumpara sa minimum wag sa pinas... hahah.. ay wala talagang madali..lahat paghihirapan..

    @J.Cee Nice you visit my blog.. hahah.. Tagalog na tagalog dito no... salamat sa pagdalaw!! And salamat sa mga advice!

    @BanjoHoy dre... hahah salamat sa pag-papagaan ng loob. Oo nga eh.. hay kase nursing ako..kaya expected na dapat at least eto kaya ko.. pero ayun..anyway... tapos na ito.. pero papatunayan ko pa din na hindi naman ako walang kwenta... hahaha salamat sa pagdalaw dre

    ReplyDelete
  19. gets na gets kita. isa siguro yan sa pinakamahirap gawin. at buti na lang hindi ako nurse dahil baka una pa akong mamatay sa pasyente ko. Nerbyosa ako eh, ang nerbyos ko abot hanggang langit.

    Wag ka mag-alala baka hind yan ang work for u. malay mo ang nilaan pala sayo eh iba kaya wag ka malungkot. tayo na at maglibang okay!

    ReplyDelete
  20. @Billy Salamat Billy!!! actually madali na nga lang mga gagawin eh..mahina lang siguro loob ko.. pero dahil sa comment ng nakakarami..gumagaan na loob ko.. at tingin ko di naman din dapat sumuko...

    Maghihintay pa rin ako ng work para sa kin.. hahaha madaming salamaT!!!

    ReplyDelete
  21. P.S. Kamil, suggest ka naman ng blogs na pwede ko i-follow. hehe! thanks

    ReplyDelete
  22. @Billy Hmmm... sino ba... wait lang hanap ako... message na lang kita sa blog mo ah??

    ReplyDelete
  23. Hi! I'm new here. "Finallow" ko na ang blog mo.

    Natawa ako sa "Palpakacious"..Naloko ako. Akala ko pa naman eh isang nosebleed na word. Tagal nag-loading ng isip ko. haha. expression lang pala.

    hmm..ako bilib ako sa mga nars kasi ako hindi ko iyan kaya. Isa din yan sa dahilan kaya di ako kumuha ng nursing.

    ReplyDelete
  24. @kris-tian Dapat talaga magkahiwalay ang kris at tian?? heheheh lol. salamat sa pagdalaw.. fofollow din kita :)

    ReplyDelete
  25. wala lang..para maiba din..lol
    thanks sa pagfollow back..:D

    ReplyDelete
  26. @kris no worries! madaming salamat din!!

    ReplyDelete

Anong meron?