Pages

Saturday, January 1, 2011

Sugod.

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

Ang bagong taon, hindi lang time para alalahanin ang nangyari noong 2010. Pero, time para isipin kung ano na nga ba sa kabuuan ang buhay natin? Simula umpisa.

Sino na ba tayo ngayon? Ako, ako si Kamila, tambayista na sosyal, kase tumatambay sa ibang bansa, 20 na, madrama pa din. Medjo tinatamad na mag-manual journal kase naaadik sa virtual journal na kung tawagin natin ay blog.

Noon, nag-waldas na ako ng 1k sa paglalaro lang sa Quantum. Grade 5, naging teacher's pet, classmate's enemy dahil class president. Napunta sa pilot class at naging mayabang. Naging geek bago maka-grad ng elem. Himalang pumayat noong highschool. Nagkaroon ng kaaway, naging humble. Sumali sa school news paper, pero walang naambag. Tumaba ulit. Naging officer ng C.A.T, mayabang ulit. Isang kolehiyo lang ang pinag-examan. Bukod sa UPCAT na feel na feel ko, di naman pumasa. Pumasok ng kolehiyo, nagdorm. Lumipat sa Makati branch, late lage. Bumalik sa Mendiola, nag-dorm ulit. Dahil sa palipat-lipat na nangyari, dumami ang mga kaibigan. Palakaibigan award. Nag drop out sa school kase lilipad daw. Lumipad. Lumilipad pa din hanggang ngayon.

At madami pang iba.

Ikaw, ano na nabuo sa pag-katao mo sa tagal ng existence mo sa mundo? Yung masasabi mong, akong ako toh ah? At ano pa ba gusto ko maging ngayong taon? Karagdagan.

Pero ang dami ko pa gusto maging. At for sure, halos lahat naman tayo may inaasahan pa rin na pangyayari na hindi pa nangyayari. Ang masarap sa bagong taon, kahit na sumuko ka na, pinag-tabuyan mo na mga pangarap mo, parang tuwing bagong taon ang dami mong kasabay (mga tao, oras, panahon) na mag-simula ulit.

Tumalon ka sa tuwa, may chance ka ulit gawin ang mga nabitawan mo na! Tama ba yun? Binitawan na pero gusto pa din? Di ko alam. Basta alam ko, ngayong bagong taon may chance ako maging masaya, may chance na magpatawad, may chance na mas maging better ang buhay. At sana hindi na naman lumagpas ang taon ng walang nagagawa, walang nangyayari.

May 365 days, at araw-araw pwede mo ipagtulakan ang gusto mong pagbabago sa sarili, pero masarap pa rin tingnan muna sa malayo ang plano, bago sumugod sa gera di ba?

Pipikit ako at iisipin ko lahat-lahat ng gusto ko mangyari, bubulong ng "please..sana please..". Susugod na ko.

PS: Happy New Year sa lahat. Sorry kung napakahuli ko naman. Salamat sa lahat ng naka-appreciate ng TABA nomination ko!!!! x)

19 comments:

  1. tara pikit tayo kamil sabay SUGOD!!! hahaha gandang umaga!

    ReplyDelete
  2. @ LhanLhan -- huwag lang madadapa.. nakapikit kase eh... gandang hapon na!!! x)

    @ Batman -- Salamat!!! Sana ikaw din!!!! x)

    ReplyDelete
  3. ay hapon n nga pla! haha sorry naman ^^b salamat sa pagcomment mo din sa post ko ^^

    ReplyDelete
  4. ako naman - itong mga question na'to ang namumuo sa pag-katao ko...totoo ba ako? o imagination lang? nag eexist ba talga ako? o gawagawa lang ng malilikot mong imagination? haha ang korny na...

    p.s. sure ka bang nahihrapan kang basahin 'yong isa kong blog? natakot ka ba?..nakakalungkot naman =( pero salamat sa pag try...

    kahit itong link lang oh...pls

    http://rizadholic.blogspot.com/2010/10/la-baby-where-dreams-are-made-of_11.html

    thanks! =) kahit lang 'yan makuha mo lang ang message...=( kahit sapilitan tatanggapin ko...weeeh..T_T hehe

    ReplyDelete
  5. tama sugod lang ng sugod...wag lang sosobra dun sa susugurin mo. :)

    ReplyDelete
  6. @ Riza Jane.. hala sorry.. di ko alam na malulungkot ka... dahil jan..magbabasa na ako.. hahaha para lang sumaya ka...

    alam mo yung palabas na WELCOME TO NHK... ayun tungkol sa conspiracy ng mundo yun..wala lang baka lang magustuhan mo..

    x)

    @ ADANg salamat adang yaan mo di ko sosobrahan!!!! x) hahahaha

    ReplyDelete
  7. Hellooo Kamila, ang kulit naman ng tumatambay sa ibang bansa. Nainggit ako bigla. Hehe. Happy 2011!!

    ReplyDelete
  8. oo nga eh..nasa ibang bansa na nga.. wala pang ginagawa,, reklama pa rin ng reklamo ako... swerte na nga... hahaha

    ReplyDelete
  9. basa lang ng basa at bisita lang ng bisita! ganyan tayong mga bloggers dapat! suportahan ang isat isa!

    ReplyDelete
  10. 2011 matutupad ang ang ang ang.. ah basta.. happy 2011 sayo po..

    ReplyDelete
  11. grabeh tong post na to. parang feel kong tumakbo. hahaha

    ReplyDelete
  12. @Kikilabotz Happy New year dinnn!!! Salamat pala sa pag-follow

    @ Lhanlhan Hahaha grabe sipagers mo Lhan

    @Istambay Hahaha oo matutupad yun..kung ano man yun!! Salamat!! Sana ikaw din masaya ang 2011

    @ Ester Yaje... Bakit ka tatakbo..? Hahaha.. Jogging lang.. nakakapagod tumakbo..masyadong mahaba ang taon... Salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete
  13. di naman ^^ kelangan lang talga magsipag 2011 na eh ! ^^

    ReplyDelete
  14. hahahaha Lhan... grabe... Sobra naman yang kasipagan mo... hahahahahah dalaw pa din ng dalaw ah.

    ReplyDelete
  15. oo basta dalaw lang palagi. kasi ang balik naman din nun dalaw din sa iyo ^^

    ReplyDelete
  16. Nyay.. hahahah ayuko na nga Lhan..may kapalit naman... hahahaha.. joke.. haha oo naman.. never naman ako si forget mag-visit.. x) as long madaming time x)

    ReplyDelete

Anong meron?