|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Before I could ever say goodbye to things (or people) I knew I would missed, eto na isusulat ko na, at babasahin ng paulit-ulit gang mapunit ang page na 'to.
Isang gawain na talagang di ko kaya na hindi ginagawa ay ang pag-eemo sa bus, isang mahabang byahe pauwi galing man EDSA, Lawton o Buendia. Totoo lang mahirap mag-emo pag-papunta pa lang sa Manila, feeling ko kase kulang yung binubugang hangin ng aircon, mas malamig pag pa-uwi. Pero linawin ko lang, hindi ako emotera, feel ko lang tumitig sa kalye, basahin lahat ng bill board na makita, tingnan ang tao sa kabilang bus at simpleng magmuni. Kaya nga minsan bago pa ako makarating ng bahay, depress na ko. Natatakot lang ako ngayon sumakay ng bus, dahil feeling ko matapang na mga holdaper ngayon dahil sa nangyari kailan lang sa Luneta.
Eto pa, ang mag-divi. DIVISORIA. Sabihin mo ng maarte ka, ayaw mo maputikan, masakit sa paa dahil sa dame ng paglakad na gagawin mo. At sabihin na natin na kailangan may mga hugging technique ka sa mga bagay na may value sayo (at ayaw mo
Ang pagkain ng kwek kwek at siomai, mapadpad man kahit saan, kalye man, terminal ng bus o LRT yan. Minsan pagnaglalakad at may nakita nga kame ni Mayk na tindahan nun, anticipated ko na tatanungin na niya ako kung gusto ko ba. Syempre OO, yum yum. Plus gulaman. Plus ang sisig at budbod sa likod ng CEU. Plus... (titigil na ako bago pa ako makaisip na naman ng pagkaen) *gutom na*
Okay siguro tatlo na yan, pero ang pang-apat na pinaka-mamimiss ko ay ang pagiging sikat ko. Joke yun (baka naman sikat ako).
Eto yung totoo, mamimiss ko ang mga kaibigan ko. Isang malalim na HAYYY. Nasa hulihan na ng post na ito kung sinu-sino man yun.
Pinaka-una sa puso ko na ma-mimiss ko? Alam mo na yun. Kung di mo alam, ito na sasabihin ko na. Syempre, siya. Lage ako tinatanong ng, "Paano na siya?", sagot ko lang, "Malaki na yan.." Pero minsan gusto ko isagot, "Paano din ako?" (narcisstic na naman). Lalayo ako pero alam natin na hindi lang yun nakakalungkot para sa kanya. Totoo sa kabila ng mga ngiti namin sa gitna ng tuksuhan, nag-iiyakan kame sa likod ng back stage (mahirap man isipin na umiiyak pala siya o kung paano kaya siya umiyak). Pero naisip din namin sa huli, bakit may tatapusin ba kameng relasyon? Wala naman.
Sa lahat ng mga kaibigan (o ka-ibigan) na nagbabasa ng mensaheng ito (na feeling ko walang kwenta kase gutom na ako habang nagsusulat). Salamat sa pagtitiwala sa mga dahilan ko na laging palpak at sa lubos na pagpaparamdam sa kin na
Avi . Rhea . Dianne . Kim . Hannah
Sunshots at Moonshots
Bizness
Eric, Angel, Angelie, Cess at Krizzy, Roma, Carl R., Obie, Archie, Julius, Jann, Danielle, Millie, Tin L., Tin B., Gershon
Kath, Lolay, Gly, Zin, Keng, Ace, Jepoy, Joy, Joren, Khaye, Cha, Cindy, Jampong, Almon, Alvin, Sarah, Sheela, Len, Jessica, Jun, Kuya Pot, Jha, Pong and 'Section K'
Coolitz Family
Reyes

Please leave a comment. Thank you ♥




















No comments:
Post a Comment
Anong meron?