Pages

Monday, September 13, 2010

Away na to!

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Reflecting and trying to understand even if it's hard and difficult to understand. Finding reasons to mistakes, finding rationale in actions that should not be done.


Kapag nagkakaroon ka ng kaaway (kaibigan, asawa, bf, gf, tatay, nanay, kapatid), di ba may instance na hinahanap mo lage yung TAMA para sayo. Yung opinion mo. Tapos kapag nasabi mo na lahat, iisipin mo naman yung MALI na nagawa ng kaaway mo. Tapos pag wala ka na talaga masabi, isisingit mo na yung mga pinag-awayan niyo nung nakaraan (kahit na 5 taon na nakalipas yung nakaraan na yun). Pwede ka mag-deny, di ako kokontra.

Ang hirap din kase maging guilty, kaya nagiging denial tayo kapag medjo napapahiya na tayo sa away. Laging naghahanap ng ilulusot at parang laging takot masisi. At kung ganito din ugali ng kaaway mo, I bet walang magpapatalo sa inyong dalawa.

Point ko dito, kahit anong mangyari, nangyari na ang mali. Kahit sino pa ang masisi, tapos na, nagawa na niya at hindi mo na maibabalik ang instance ng pagkakamali na yun. Nagkaroon man ng maling desisyon, may panahon ngayon para ayusin ang desisyon na yun (kung gugustuhin lang).

Pero sino ba naman ako para magsabi nito? Hindi ko naman naiintindihan ang problema ng lahat ng tao. Bakit ikaw naiintindihan mo ba? (HINDI AKO NANG-AAWAY, wag ka matakot)


Pero eto ang konsensya mo ngayon, ako ang konsensya mo.


Hanapan mo ng tama ang kaaway mo.
Di ko sinasabi na isipin mong TAMA siya kahit di naman, wag ka tanga. Sinasabi ko lang, BAKA naman may tama din sa sinasabi niya. Hindi mo lang makita kase masyado ka defensive.

Isipin mo ang tanong na BAKIT.
Sa pananaw mo, bakit nga ba niya nagawa yung ginawa niya. Kung di mo masagot ang sarili mong tanong, tanungin mo siya. Kung hindi pa rin niya masagot, bigyan mo siya ng oras sagutin. Paniwalain mo siya na handa ka makinig sa sasabihin niya.

Sabihin ang totoong nararamdaman.
Bakit mahirap 'toh? Kase madrama tayong mga pinoy. Gusto pa kausapin ng mahinahon, gusto pa susuyuin ng maayos. Eh kung sinasabi mo na nararamdaman mo (ng mahinahon at maayos), edi hindi na humaba ang usapan. Sinabi kong 'mahinahon at maayos' sabihin ang nararamdaman, kase may iba na dakdak at parang armalite yung bunganga kaka-sumbat na parang mauubusan ng panahon na ipalinag yung nararamdaman niya. Remember, walang taong gusto na sinisisi at sinisigawan at the same time (lalo in public).

O ikaw ang mali.
Eto ang mahirap gawin eh, ang umamin sa nagawang kasalanan (lalo na kung may consequence). Pero, mas madali tanggapin ang totoo kaysa mapagod kakaisip ng alibi.


Syempre yung mga sinabi ko sigurado naman na hindi mo magagawa kung mainit pa ang ulo mo. Huminga ng malalim (probably 298x times), pumikit at mag-isip, at mag-toothbrush.

Tingin mo ba may kaaway ako kaya ko nasasabi 'tong mga bagay na toh?

2 comments:

  1. Haha! Tama ulit. Pasensiya na kung anonymous ako Wala kasi akong blog mahilig lang magbasa.

    Maganda yung mga sinabi mo at tama yun. Mas madali maghanap ng mali sa kaaway kesa sa tama nila pero mas tama kung titignan natin yung magandang side nila. MInsan kasi kapag nakaramdam tayo ng isang bagay feeling natin tama yun pero ang totoo mali tayo diba, kasi sarado ang utak natin.

    Ang mahirap kasi sa ibang tao self-centered sila. Puro, ako, ako at ako. Kapag ganun madalas eh hindi natin makita ang pinagkaiba ng tama sa mali dahil puro sarili ang iniisip.

    Feeling ko paikot-ikot ako! Sana tama sinabi ko.

    ReplyDelete
  2. Thank you, at least now I can thank you with a name. Thank you Billy! :) Pagkatapos ko isulat ang post na ito, napag alaman ko na ang gusto ko pala sabihin ay bigyan natin ang kaaway nating ng BENEFIT OF THE DOUBT. hahaha.. pero nasabi ko naman lahat gusto ko sabihin.. hahaha

    salamat sa pagbasa ng blog ko... malaking bagay ito para sa kin.. haha..

    salamat!!!!

    ReplyDelete

Anong meron?