|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Pag bata pa tayo, we had an excuse to be spoiled. Halos walang magawa yung magulang natin kahit gaano pa tayo ka-kulit. Kung pwede nga lang nila tayo pitikin parang butil ng kanin para tumalsik sa lugar na hindi nila makikita, baka gawin nila. Pero hindi eh, di nila magawa dahil anak nila tayo.
We always see the wrongness in them, their mistakes. Kapag nandiyan sila at nangenge-elam sa buhay natin, badtrip tayo. Kapag wala naman sila at nasira buhay natin, sa kanila pa rin ang sisi.
Ngayon na malaki na tayo (sana nga malaki na tayo), try to find the greatness in them. Maaaring iba't ibang paraan tayo pinalake ng magulang natin (at maaaring ang drama ko sa palagay mo), pero there's no excuse anymore, dahil hindi na tayo bata.
Pero kung isa kang palaboy ngayon, baka masisi (at upakan ko pa) nanay mo, pero yun na nga eh, hindi ka palaboy. May kinakaen ka, may suot ka, nag-aaral ka, isa pa nag-iinternet ka at binabasa ang blog ko (ibig sabihin marunong ka magbasa). Lahat yan wala kung hindi dahil sa magulang mo.
Isang taon o makalawa (o baka bukas lang) maaaring may anak ka na. At kung magkakaanak ka man, gugustuhin mo din magkaroon ng batang rerespeto sayo, na susunod kapag inutusan mo bumili ng suka, toyo, hopia, mani, baboy sa kanto.
Maniwala ka. Gusto ng magulang mo ang makakabuti sayo. Kung susuklian mo lang ang bawat pawis niya ng kahit pasang-awang grade sa school, at kung susuklian mo lang ng bawat ngiti ang pagmumura niya sayo (at assurance na "Inay, naintindihan ko ang nais mong iparating, di mo ko kailangan murahin, hayaan mo mas magiging mabuting anak ako), baka maniwala na din ang magulang mo na hindi sila nagkamali nung iniluwal ka nila sa mundo.
Kapag sinisigawan ako ng nanay ko, feeling ko na-fofocus na lang ako dun sa pagsigaw-sigaw niya. Nagiging defensive ako agad agad. Pero kailan ko lang napag-isip-isip na, pag sinigawan ko siya pabalik magiging defensive din siya, at mag-sisigawan lang kame 'gang isa sa min mag walk-out.
Minsan pa naiisip ko din, tao din magulang natin. Dumaan din sila sa mga kabataan na pinagdadaanan natin ngayon. Maaaring nagkakamali din sila sa araw-araw. Ang sinasabi ko na lang din lagi sa sarili ko, sinubukan din nilang baguhin ako pero may pinili akong landas, kahit subukan ko silang baguhin, sila din pipili ng daan na gusto nila. Isang bagay lang ang siguradong di magbabago, magulang ko sila at anak nila ako.
Kahit ilang beses mo na 'toh narinig sa buhay mo, sasabihin ko ulit sayo, mahalin mo ang magulang mo. Kung hindi mo pa rin 'toh nagagawa, baka ngayon na ang tamang moment para dito.
Thank you sa pagdalaw sa blog ko! ♥

No comments:
Post a Comment
Anong meron?