Pages

Wednesday, October 20, 2010

Day 9: Someone you didn't want to let go, but who drifted

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

Hello. Nakakasawa din pala at nakakabored ang mga ganitong project noh? Gumagawa din kase ako ng ganitong project sa tumblr ko, pero ibang version naman yun. Tinatamad ako pag wala agad pumapasok sa utak ko concerning the topic.

Sa post na ito, naisip ko ulit yung about dun sa friend na pinost ko not long time ago. Pero hindi na yun ang babanggitin ko this time? Totoo lang wala naman ako maisip, kase di ba may reason naman talaga bakit dumadating at nawawala ang mga tao sa buhay natin. At ngayon ang ikkwento ko ay hindi isang tao, pero mga pangyayare.

Mga memories of the past o MY past para specific, mga pagkakataon na tapos na pero sana hindi pa. Ito yung mga pagkakataon nung bata pa ko. Hindi ko sinasabi na sana bumata ako ngayon, ang tinutukoy ko lang yung pagkakataon at mga pangyayari nung bata pa 'ko, yun ang namimiss ko.

Alam ko mahilig ako magkwento tungkol sa nakaraan, yan ay dahil nagkaroon ako ng magandang karanasan nung bata ako, dahil naging isang traditional na bata ako. Sasabihin ko sanang 'normal' bago ko naisip ang 'traditional', pero baka ma-iba ang meaning na nais ko ipahiwatig. Traditional kase isa ako sa mga bata na nalaro na lahat ng pwedeng malaro bilang bata:



  • kampo-kampohan (camping na ginanap sa tabi-tabi, gamit ang bato at dayami sa pagbuo ng kampo)
  • patintero (na ngayon ko lang narealize na madaya pag ginamitan ng "IN!")
  • ten-twenty (hindi nauso ang chinese garter sa min, pero hasler ako sa laro na toh, kahit mag-isa naglalaro ako nito)
  • jack stones (alam mo ba ang lollipop, around the world, cave, milo na moves sa jackstones?)
  • taya-tayaan
  • ice ice water
  • tagu-taguan
  • bahay-bahayan (gamit ang laruan na nakaw lang sa kapitbahay)
  • piko
  • maglaro sa ulan
  • at marami pang iba.


Uso na ang mga family computer nung bata pa ako, pero hindi hook na hook ang mga bata noon sa mga computer games na parang yun na lang buhay nila, ngayon kase ang definition na ng mga bata ng laro PSP, Xbox, Wii o Farmville? (Ay pang matanda yata yung farmville). Dati halos maging yagit ako at ang mga batang kalaro ko kaka-pauso ng ma-lalaro at basta may malaro lang, ngayon halos maduling naman ang mga bata kakalaro ng computer games.



Dati rin, ang sarap magdaldalan all day long at all night long, gawain namin yan ni Avi. Minsan bibili muna kame kila Grace o kila Mang Rolly ng chichirya at softdrinks, tapos tsaka kame magdadaldalan, minsan sa court, sa harapan nila Manang Ramos, sa mga humps, kahit saan mapadpad. Di natatapos ang daldalan, lumubog man ang araw. Ang signal lang na kailangan na kame umuwi pag magsasaing na kame ng kanin.



Nakakamiss kase ngayon malayo na si Avi, at barely na lang na magawa yun, lalo na ngayon aalis na ako at tatanda na kame ng tuluyan. Siguro maiiba lang ang setting, baka dine-out na lang ang mangyari imbis na tambay sa court.

Isa pang namimiss ko bilang bata eh yung di pa ako masyado concern sa mundo. Ngayon di na pwede na hindi ka concern di ba? Parang dati wala akong problema at ang tanging nakaka-stress lang sakin eh kapag di ka pinayagan maglaro sa labas.


Tapos dati parang sobrang simple ng life ko bilang bata. Kase nakikita ko yung magulang ko araw-araw, nagluluto at naglalaba si Mama, tapos si Dadi may pasalubong galing work.



Namimiss ko yung nililibre ako ng Mama ko sa Jollibee o mostly Mcdo pag masakit ulo ko (at gumagaling ako sa sakit na yun). Namimiss ko din ang Pancit Canton na niluluto para sa kin ni Mama habang nanunuod ng mga panghapon na cartoon. Nung mga panahon na yun, todo inaaway ako nila kuya na ang spoiled ko daw at sinisigawan ako ng "Wag ka nga mag-baby talk!"



Bukod sa lahat ng ito, namimiss ko yung mga batang lagi ko kalaro, siguro nga di na kame pwede maglaro tulad ng dai, pero namimiss ko sila kasama. Namimiss ko ang presence ng isang normal na pamilya. Although siguro nung oras na yun may mga problema na kame pero hindi ko lang napapansin kase nga bata pa ko.

Pero mahirap hilingin pa muli ang mga bagay na 'to, kase  alam naman natin na dapat tayo mag move-on at mag-grow, change is the only constant thing in our lives ika nga, lahat nagbabago, lahat tumatanda, at hindi tayo pwede maiwan na fixated sa mga pangyayari sa nakaraan. Dapat mabuhay tayo not for the past, but for the present or better yet for the future.

Everything from the past impart something for the future. Everything that we encounter from the past mold us for something better today. Kahit na hindi ko na maranasan muli yung mga ganitong maliliit na bagay, okay lang, as long as the memory stays with me.

Ayun lang! Chao.


2 comments:

  1. someone i didn't want to let go, nut who frifted would be my mom.

    magdadalawang taon na. pero hindi ko parin matanggap. hindi ko rin alam kung kaya kong tanggapin. =)

    ReplyDelete
  2. sorry to hear that Rainbow box... time can heal.. siguro di ka pa handa ngayon.. pero malalagpasan mo din yang lungkot na yan... think positive :)

    thanks for the visit!

    ReplyDelete

Anong meron?