|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Yey, Day 11 na! If you wanna join this insanity, your totally free to
join. Lalo na kung bored ka, pero ako hindi na ako bored, dame ko na nga
ginagawa eh at ang dami ko din iniisip.
Okay. Actually
sasabihin ko na sana na lage ako nasasabihan nang "ang puti mo!" kaso
kasunod nun sasabihin sa kin, "kaw na!" Kung compliment lang ang
pag-uusapan, ang pinaka masayang compliment na natatanggap ko madalas ay
"ang sexy mo" pero syempre maniwala tanga.
Paligoy-ligoy. One
time sa isang self-awareness nasabihan din ako ng buong grupo na mabait. Pero
di nagtagal, napag-alamanan din nila na nagkamali sila. Pero isa yun sa mga
pinaka-masarap na compliment na natanggap ko.
Hindi ko talaga
alam paano ko uumpisahan ang post na ito, kaya naisipan ko na bago pa ako
magpaligoy-ligoy ng lubusan, mag-poll question na lang kaya ako sa FB, di ko
naman akalain na sa pamimilit ko eh mapipilitan tong mga tao na ito na sumagot
sa aking mga katanungan.
Ang sapilitang
tanong:
Ano si
KAMIL para sa iyo o ano nagustuhan niyo kay KAMIL?
a.
MATANGKAD
b. MAPUTI
c. SIMPLE
d. MABAIT
e.
NAKAKATAWA
f. SEXY
hahahahaha (MAG-APILA NA KAYO, JOKE LANG toh!)
g. other
(magbigay ng specific)
Ang napipiltang mga sagot:
Alam ko naman di mo masyado tiningnan yang mga sagot kaya eto na ang summary:
Ang top 5 sapilitang compliments na natanggap ko ay:
1st Mabait - 14 votes
2nd Simple - 11 votes
3rd Maputi - 5 votes
4th May sense/masarap kausap - 4 votes
5th Responsible/masipag - 4 votes
Ang sarap naman, nakakabusog. Hindi naman ito basehan ng pagkatao, kaya wag masyado maniwala na mabait ako. Lahat naman kase ng tao may percentage ng pagiging mabait. Akin siguro mga 65%. Mabait ako lalo na sa mga taong mabait sa kin. Naisip ko siguro kaya madameng nakasagot ng mabait kase puro kaibigan ko naman yung sumagot, syempre kung kaaway ko maiiba di ba? Unang tingin pa lang sa kin, mukha na akong mataray, tapos may point talaga sa buhay ko na mabilis ako ma-high blood (lalo na pag mainit ang panahon). Masyado mataas faith ko kay God, kaya makulit din ang konsensiya ko pag nakakagawa ng mali.
Pero simula nung nabasa ko 'toh na "mabait pala ako", ang sarap marinig sa ibang tao.
At ang pinakamasarap na compliment na natanggap ko ay ang nalaman ko na may sense pala ako kausap. Bago ako nag poll, naisip ko na yun na madame din nakakapag-sabi sa kin na ang mature ng mga pananaw ko sa buhay. Yun na sana isusulat ko, pero di pa rin ako makapag decide. Gusto ko malaman kung malalim na ba talaga ako mag-isip, I mean, more of wisdom kaysa knowledge. Siguro naging free at open-minded na ako masyado dala ng mga libro. Madalas mapanghusga pero ayuko bumanat ng hindi sigurado.
Naaalala ko kase nung bata ako, pinipilit kong tama yung pananaw ko kaysa dun sa kalaro ko, pero sa huli mag-isa ko din napatunayan na ang yabang ko pa ako pala mali, napahiya ako sa sarili ko.
Yung pagiging simple naman, totoo lang nabanggit ko na yan. Gusto ko talaga, pero siguro kaya lang ako nagmumukhang simple, dahil siguro gusto ko magpakatotoo. Gusto ko lagi akong totoo, ayuko sayangin ang oras ko sa mundo na gaya-gaya sa mga pananaw ng iba. Bahala na kung ano ba ibig sabihin ko, hindi ko mapalawak.
Top 3 yung maputi noh? Hahahaa.. Natatawa lang ako kase lage akong jinojoke ng mga kaibigan ko na mayabang daw ako, lalo na pag sinasabi ko na, "nangitim ako." at kasunod nun maghihisterical na ang mga kaibigan ko. Hindi naman ako ganun kaputi, may mas maputi pa sa kin.
At okay responsible o masipag, siguro sa school yan. Pero pinipilit ko lang yan, kase gusto ko maging OC-OC (obsessive-compulsive). Hahaha.. yun ang pinaka-namamanghang sakit na gusto ko bago ang anorexia. Hahaha. Pero minsan pangit din masyadong masipag. Kase sa school, minsan gusto ko ng gawin lahat, kase gusto lage ibigay yung best ko sa bawat project namin. Nakakalimutan ko na kailangan pala i-parte parte ang bawat work para mas mabilis, wala lang, tapos magrereklamo ako na walang ginagawa yung iba. Epal eh noh?
Oh anyway. Yaan na. Bahala na kayo mag-apila o mag-husga! :) Chao!

sexy! uy misteryosa ka raw :)
ReplyDeletewaaat.. hahah naku.. joke lang sexy baka malinlang ka..
ReplyDeletehahaha! adik adik mots uy! salamat sa pagdalaw. naku miss ko blog mo.. madaanan nga.. ngayon na!
kamuka mo yung prom date ko nung araw, na mahusay na kaibigan na ngayon. ahahhaa (parang 1980's pa anu?)
ReplyDelete:) ako nga rin, di na nakakadaan dito :(
ngek.. anong picture mo naman ikinumpara ang mukha ko? sa prom date mo? ha ser mots?
ReplyDeletedun sa kasama mo ata si boyprend mo. hahaha. salamat naman sa ispeysyal mention
ReplyDeleteahhh,.. haha :) no problemow.
ReplyDeleteoi sakin napaaccomodating mong tao..saka maabit..kasi finollow mo blog ko hehehee
ReplyDeleteakala ko punta k na u.s?
Salamat sa pahabol na comment mo rico de buco.. at nireplyan kita, naglagay akong comment sa iyong last post. hayuuuun!
ReplyDelete