|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
One thing I hope I never had to do is to.... totoo lang ang hirap naman sagutin nito. Tatlong araw na ako nag-iisip, pero parang wala naman akong maisip. Kase pag ayuko naman gawin, hindi ko naman talaga gagawin, kahit kailangan na kailangan pa yan. Matigas ang ulo ko. Lumaki akong spoiled ang gusto ko laging may reason sa lahat ng ginagawa ko. May purpose.
Pero kahit na ayuko na mag-isip kung ano ba talaga, kase ayuko naman sabihin mo na, imposible naman na wala akong ayaw gawin. Eto pipilitin ko pa ding mag palusot.
Ayuko ng nag-ka-cramming (sa pag-aaral o sa kahit anong gawain man). Dalawa lang paniniwala ko kapag exams. Kapag nag-aral e di go, kapag hindi, wag na pilitin. Hindi ako ang tipong makikita mo sa room na nagmamadaling mag scan ng libro at nagbabakasakali na papasa.
Basta kahit anong klase ng cramming, pero tingin ko mas applicable 'to sa pag-aaral ko. (Dahil ngayon na naghihintay na lang ako sa aking flight eh super tambay ako -- with kapa at boots -- kaya hindi uso cramming sa kin ngayon, I have the time in the world) Pero kung hindi maiwasan, siguro pwede naman pag-daanan. Pero as possible ayuko, ayuko at ayuko. Nakaka-stress! (Iniisip ko pa nga lang ngayon, naiistress na ko)
Gusto ko kapag may gagawin, may sapat na oras para gawin yun. Kung wala, asahan mo ako na tatamarin ako jan. Kahit gaano pa kadame yan, hindi ako magrereklamo, basta may oras ako para gawin kahit ano pa yan.
Hindi naman ako matalino, di rin ako masipag noh, baka malinlang ka. Pero kung bibigyan mo lang ako ng chance patunayan ang sarili ko, tingin ko kakayanin ko. (Ano ulit yung papatunayan ko?)
Ang nakikita ko lang mali sa ugali ko na to, kase di ba as long na may chance ka, grab na ang opportunity. Di ba? Why not mag-aral 5minutes bago dumating ang professor na magbibigay ng duguang exam?
Ayun lang. Bow.
Photo source: HERE

san lipad mo?
ReplyDeletehello mots! :) punta na ako tate.. hahah ngayon october..
ReplyDeleteako din maraming tanong sa buhay, as in yung tipong 4W's and 1H nauubos ko sa kakatanong gang ayaw na nila akong sagutin. dati I hate procrastination pero ngayon na-realize ko minsan sa buhay natin darating tayo sa ganun, minsan tinatamad gawin ang mga bagay na dapat gawin. kaya ayun tumambay muna ako tapos nagaw ko rin ang blog ko. Sa dami ng gusto ko isulat hindi ako makapa-simula...WAIT lang ang dami ko sinabi.., feeling ko blog ko to. haha.
ReplyDeleteP.S. mantakin means akalain (yata-di ako sure) haha!
ahahaha... ano ulit ang 4w at 1H? naku sorry billy matanong.. hahaha..
ReplyDeleteoo nga..sabi nila okay lang tamarin, pero dapat sandali ka lang tamarin, magpahinga tapos go on na ulit..
hahah.. yey may blog ka na yey yey!
ah mantakin.. hahaha tagalog lang kase alam kong language.. hahaha.. :)
4W is what, who, where and when tapos yung 1H how. hehehe. tapos yung mantakin narinig ko yun sa lola ko dati, napakalalim na tagalog yata yun. kaya tinanong ko din siya kung nu yun. hehehe.
ReplyDeleteSa wakas kailangan lang palang umambon at tumambay sandali para makagawa ako ng blog. ang hirap nito ayaw ko nang umalis sa harap ng laptop ko. haha!
ay oo nga pala noh? yun pala yun.. naalala ko ganun kame magsulat sa CAT.. pag may event hahaha.. sorry nagtanong pa..
ReplyDeletehaha.. naku mahirap nga umalis sa tapat ng computer kapag ganito.. ako tatlo pa blog ko.. hays..haha pero happy naman..
dapat nga aalis na ako ngayon na..pero di pa din naliligo hehehe.
iniisip ko pa nga kung gagawa ba ako ng tagalog na blog. siguro tatambay muna ulit ako para makapag-isip ng tama. hahaha. Feeling ko nakatali ako sa laptop eh. di ako maka-alis.
ReplyDelete