|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Something lang naman eh.. so isang bagay lang ba ito? (isa sa napakadami kong ayaw tungkol sa sarili ko? o yung pinaka-ayaw ko sa sarili ko?)
Madame akong ayaw sa sarili ko, katulad na lang ng buhok ko na madaming baby hair. Siguro kaya madame kase napapangitan ako sa sarili ko. Hinihila lage ng itsura ko and self-esteem ko at binabaon ako sa lupa.
Anyway OO, kahit magcomment ka na wag ako maging ganito sa sarili ko at LOVE YOURSELF, nabasa ko na yan sa iba't ibang talitanghagang libro (kung may word man na talitanghaga o gawa gawa ko lang).
Ito na nga siguro ang pinaka-ayaw ko sa sarili ko, ang ayawan ko sarili ko at ang pagkababaw-babaw kong self-esteem.
Lumaki yata akong inggitera dahil hindi ko nakukuha lahat ng gusto ko bilang bata, at isa pang dahilan kase ang taba ko. 145 lbs sa 5'4" na height. Hindi ako makontento sa sarili ko ngayon, madaling sabihin pero mahirap makontento, kase tao tayo at ang mundong ginagalawan natin masyadong materialistic. (Or should I say, ang Pilipinas madameng turo-turo sa tapat ng mga skwelahan)
Nung kaka-graduate ko lang sa highschool, 120 lbs lang ako, pero nung time na yun feeling ko ang taba ko na. Grabe nung nakita ko yung picture ko nung mga panahon na yun, syet, okay na pala yung katawan ko dati, kaysa naman katawan ko ngayon! Pero wala pa din akong motivation pumayat hanggang ngayon, kahit madameng beses ko na sinubukan, nagsimula pa nga ko ng blog dati tungkol sa diet ko, pero denelete ko din. Tingin ko kaya wala akong motivation dahil masyado akong mahal ng mga tao sa paligid ko para ma-depressed ng bongga, kaya wala epek. Sarili ko lang kalaban ko sa paghahanap ng pangit sa sarili ko din.Pero yung totoo, kung dati 100% low self-esteem ako, ngayon 50% na lang. Madami na din kase nagbago sa pananaw ko, tulad na lang ng "Anong pake ko sa opinion mo?" Halos di na nga makita ng tao mata ko kase masyadong naka "chin up" kapag naglalakad.
Kahit ganun, paminsan minsan pa rin ako nag-iisip at nalulungkot, kase syempre di ko makuha yung satisfaction na hinahanap ko (at hello! 20 na ko, di na ako babata). Last year kaya sa Batangas may nagsabi sa kin ng, "19 ka na? Naku di ka na papayat!" Jusko, ilang buwan ko din dinamdam yun, (pero ako lang nakakaalam na dinamdam ko yun)
pero paminsan minsan pa rin ako nag-iisip din at nag-uumpisa gumawa ng panibagong goal para pagbutihan sarili ko. Kahit lage akong failure sa mga goal ko, ayuko sumuko.

ako man gagayahin ko yan! heheh kewl!
ReplyDeleteoi MOTs hahaha.. sige lang mang gaya ka din!! :) At salamat sa pag follow follow mo jan!
ReplyDeletegrabe 3 posts na namiss ko. Haist. Napaka"TALITANGHAGA" ng post na to. Tama ka kahit pa sabihin ng iba na Love yourself eh madalas mahirap gawin yun! Agree ako sayo. Aku din yan ang problem ko. mmmmm pag nahanap mo ang sagot sabihin mo sakin ah! haha!
ReplyDeletehahha.. sige i-shasahare ko agad dito!! kapag nakuha ko na ang 100% self-esteem!
ReplyDelete