Pages

Saturday, October 2, 2010

Day 2: Something you love about yourself

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Hello guys, 30 days truth, at kakaumpisa ko lang. Kung naiinggit ka at gayagaya ka, okay lang din naman kase nang-gaya lang din ako. Pindutin lang ang 30 days truth sa menu ko then copy and start your own blog post. Okie okie. :)


Alam ko, mahal ko din naman sarili ko, sino bang hindi? Sino ba ang mga taong may suicidal tendency? Kung sino man sila, basta hindi ako yun. Isang bagay na gustong gusto ko tungkol sa sarili ko ay TOTOO ako.

Naku.. OO aaminin ko minsan plastik ako, pero sa pagkakataon lang yun na ayuko makasakit ng ibang tao, lalo na kung yung tao naman na yun eh mabait sa kin. Mahirap magpakatotoo sa mundong materialistic, pero sinusubukan ko pa din. Ayuko tumanda at marealize na, heavy! naubos ko na pala ang 100% hp ko sa mundo, tapos 99% nun pinagloloko ko lang sarili ko at isip ko. Ayuko maaghintay ng taon para maging kulubot para lang malaman na nagsisisi ako.

Alam kong mahirap magpakatotoo, may mga moment kase na sa sobrang totoo ko, minsan opinion ko na lang ang tinitingala ko, kaya naman winelcome ko sa buhay ko ang salitang "benefit of the doubt". Hindi ko sigurado kung tama ba pagkakaintindi ko jan, basta sa lahat ng pagkakataon, isinasapuso ko na "pwedeng tama ako, pero pwede ring hindi ako lage ang tama, may opinion din ang ibang tao."

Basta eto na yun, masaya ako na sa sarili ko totoo ako, masaya ako na nasasabi ko lahat ng gusto ko sabihin sa ibang tao (lalo na sa mga taong malapit sa right ventricle ng puso ko at sa hypothalamus ko), masaya ako kase kahit hindi pa masyado malinaw ang pananaw ko sa totoong kahulugan ng mundo eh totoo ako sa sarili ko.


THE TRUTH WILL SET YOU FREE. Alam ko pagkakaintindi ko dito dati kapag nakulong ka pero wala ka kasalanan, the truth will set you free, pero naisip ko hindi rin pala ito para sa mga nakakulong lang. (Isa pa, madame kayang namamatay sa bilangguan pero wala naman talaga kasalanan). Naisip ko na lang, wala kang burden masyado kapag nailalabas mo ang totoong nararamdaman mo.

Hindi ko na hinihiling pa na ma-convince kita na magpakatotoo din, pero sana pag-isipan mo.

At ayun lang. Masaya ka ba? Masaya ako! :)




Photo source: Here!

2 comments:

  1. "...wala kang burden masyado kapag nailalabas mo ang totoong nararamdaman mo."

    sa totoong buhay, mahirap ng pagpakatotoo, aminin man natin o hindi. maraming bagay ang nakakapagpa-impluwesya sa atin na magkaroon ng maskara. society, people, experiences, certain scenarios na mapapagisip ka kung magpapakaplastic ka ba or you'll just say what you feel. pero tama ka, mas magaan sa loob kung wala kang pretensions. alam mo ang gusto mo at totoo ka sa nararamdaman mo. it's all about how you carry that attitude.

    i salute you for that.

    ang haba ng comment ko. blog ko ba toh? lol! have a nice day kamil! =)

    ReplyDelete
  2. @arainbow box hahaah.. natawa naman ako dun Pwede ka magcomment kahit mas mahaba pa sa pinost kong blog! haha anytime!

    madame akong oras para magbasa!!

    Oo nga, mahirap sobrang mahirap... pero naiisip ko minsan sa pilipinas lang yun.. ewan ko lang sa ibang bansa.. haha!

    ReplyDelete

Anong meron?