Pages

Saturday, February 19, 2011

Quits lang pala.

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
"Magulang kailangan namin nila Kuya hindi pera, hindi citizenship."

Magulang ang kailangan ng bawat bata sa Pilipinas. Alam ko, alam naman ng kahit sino, na ang bawat OFW na gustong buhayin ang kanilang anak sa Pilipinas ay nag-sasakripisyo ng luha, pawis at dugo, para lang mabigay ang buhay na karapat-dapat para sa anak.

Hindi ko sisisihin ang magulang ko. Hindi ko rin masisisi kayo na OFW. Gusto ko man sisihin ang gobyerno natin dahil sa kawalan ng trabaho para sa bawat mamamayan, tapos minsan yung mga companya pa naghahanap lage ng mga single imbis na mga may anak na nangangailangan ng trabaho para maitaguyod ang kanilang pamilya.

Naiinis ako na kailangan pa isakripisyo ng mga magulang ang oras para sa kanilang anak nang dahil sa PERA. At pagmamahal yata ang PERA.

Nung sinabi ko sa kanya yung unang linya ng blog post na ito, ang naisagot lang ni Ina ay "Di mo ko maiintindihan dahil wala ka pa anak."

Hindi na ako makasagot, kase naiiyak na ko, pero sa isip ko, wala na yung mga malilinggit na bata na dati niyayakap-yakap mo. Lumaki na kameng lahat ng hindi mo nasusubaybayan. Naging gago na, nakabuntis, naging lasinggero, sunog-baga ang mga anak mo. Pero kame yun, ayuko isisi sayo, gusto kong intindihin na ginagawa mo lahat ng kaya mo para sa min.

Alam ko na maraming mag-didis-agree sa kin. Lalo na mga nagttrabaho abroad. Sinasabi ko lang lahat toh kase baka malay niyo ito rin ang hinanaing ng mga anak niyo. o Baka mali ako. Nakakadalawang isip tuloy na i-post ang entry na ito.

Siguro ganun na nga lang kahirap ang buhay sa bansa natin at ganun na nga lang kasarap ang mabuhay sa ibang bansa kung saan pag naging citizen ka eh makikita mo kung san mapupunta ang mga tax na babayaran mo. Masarap. Malungkot.

Maswerte ako. Nagkaroon ako ng ina na iniisip ang future ko. Kaso, kaiisip nga dun sa future, yung mismong panahon ngayon, mga pangyayari in between, wala na lang.

Malungkot maging anak. Malungkot maging magulang. Quits lang pala ang sakripisyo. Wala. Wala lang.

29 comments:

  1. drama naman ito kamil, bakit madaming madramang entry ngyn? haist! basta masasabi ko lang bilang isang ina, ginagawa namin ang lahat mapasaya lang ang aming mga anak, im sure ganon din mom mo..

    ReplyDelete
  2. mahirap ang lumaking walang magulang pero mas mahirap ang may mga magulang ka nga pero walang panahon sa yo

    ReplyDelete
  3. haaayy..buti nalang si mama at papa kasama ko dito sa pinas..kahit papano nakita nila kong lumalaki..hehe ano daw? bast kamila, wag ka magalala maiintindihan mo din nga daw nag lahat pag naging ikaw na sila.. i mean pag naging nanay kana..

    ReplyDelete
  4. minsan kailangan talaga magsakripisyo ng mga magulang para sa anak..

    ReplyDelete
  5. hindi ako masyadong makarelate... kasi lumaki ako na well guarded ng parents ko.... pero ang masasabi ko lang... try to look at the other side of your situation? and try to look for kung ano ang nakabuti sa iyo... anyway may point ka... eheheh ako man din.. hinahanap ko ang kalinga ng parents ko.. kahit na alam kong nandyan lang sila.. pero di ko nararamdaman...

    ReplyDelete
  6. soon to be father ako...isa ito sa mga inaalala ko, pero mahirap. ayaw kong maging part two ng buhay ko ang buhay ng magiging anak ko. Ganun ang buhay, lahat may pagsasakripisyo, minsan kahit ang oras. to be continue...

    saka ko na ito dagdagan pag may anak na ako..haha

    ReplyDelete
  7. haayyy....
    ganyan din ako kay papa....
    pero wala naman akong masamang galit sa kanya or something... I thanked him nlng kasi naging maayos nmn ang pagpapalaki samin ni mama, st sya ang tagapadala lng ng pera before... pero dahil nga dun, lumaki akong nasanay kay mama. Di kami close ni papa now. Parang wala lang sya, di ko kinakausap.... :(

    ReplyDelete
  8. Tingin ko pren me mga bagay na tanging ang mga magulang lng ang nkakapagturo s anak (building a firm foundation). Recent ko lng natutunan ito katulad din pagtuturo nila ng "backbone" para s mga anak nila. Tingin ko masmahalaga bilang magulang ang hubugin ang mga anak nila with "Stability, respect at wisdom"

    Godbless friend stay safe always

    ReplyDelete
  9. @Mommy-Razz Thank you Mommy Razz

    @Bino Hindi na lang ako magrereklamo.

    @Cheenee Bahala na kapatid..kung maintindihan ko o hindi. Basta sa kin lang pag nagkaanak ako..di ko iwanan mga anak ko.

    @Arvin Kahit sino naman gagawin lahat para sa anak.

    @Al Siguro nga meron ding natulong sa kin. Di ko din lam kuya Al.

    @Adang Sorry kuya adang..tamaan ka ba.. hehe

    @Akoni Wowo congrats AKoni magiging tatay na pala you.

    @Rap Masaya ako para sayo napalaki ka ng mama mo ng maayos.

    @Albert Salamat ALbert... wala ako maisip ngayon...ang emo lang. Lol.

    ReplyDelete
  10. kakalungkot naman,pero totoo yan i've experienced it with my dad...

    kaya nung ako nag nag abroad we see to it with my husband na kasama namin dito ang anak namin..i do'nt want the same experience again...huhuhuhuh

    ReplyDelete
  11. @iya_khin wow..somebody na nakakaintindi na rin.. :)

    ReplyDelete
  12. baka mamatay ako kaya magcocomment ako. hehe. mahirap talaga pag OFW ang magulang, malungkot. Pero mas malungkot ata yung andito ang magulang mo pero parang from here to the moon naman ang distansya ng kalooban nyo sa isa't isa. :D

    ReplyDelete
  13. Be thankful na lang at maging mabuting anak para masuklian mo ang sakripisyo ng mga magulang mo.

    ingat kamila. :D

    ReplyDelete
  14. Parehong may responsibilidad ang magulang at anak. Responsibilidad ng magulang ang magtrabaho para ka ikabubuhay ng pamilya. Responsibilidad ng anak ang mag-aral ng mabuti at umiwas sa masamang bisyo.

    Mahirap iwasang hindi sumama ang loob sa magulang lalo pa't nagta-trabaho ito sa ibang bansa. I should know kasi I myself was an OFW's son. But I guess it's a matter of how you perceive the situation and how grateful you are kasi come to think of it, sons and daughters of OFWs are quite blessed dahil hindi sila namamalimos sa daan at hindi na kailangang magtrabaho para lang makapag-aral.

    ReplyDelete
  15. Waw. OO nga, han-drama mo Teh. Sige, pabayaan kasi blog mo ito. Haha. Joke. Smile naman jan!!! Life's UNFAIR...let's just live with that fact.

    ReplyDelete
  16. kung sakin, ok lang mag-OFW nanay ko. kahit di na siya umuwi. :)

    Anyways,

    may punto naman si mother mo. :)
    nakakatuwa naman at yun lang ang sinagot niya sa'yo.
    Yun nga lang ba?
    Hehe.

    ReplyDelete
  17. I understand you stand on this. god bless

    http://arandomshit.blogspot.com/

    ReplyDelete
  18. @lily nyahaha.. takot ka ba? paano pag both?

    @empi salamat sa payo...

    @Gasoline Dude Alam ko na yan din naman ang pananaw ng lahat, thankful ako sa magulang ko, pero depende pa rin sa sitwasyon. Siguro nga ang gulo ng mundo, madame ng blessing di pa ako kontento.

    @Hi Me Sorry naman..napapadalas na ba?

    @Jae Hindi kame masyado nag-uusap ng madrama..

    @Denase Salamat po

    ReplyDelete
  19. yeah..tabla tabla lang yan... minsan ay hindi pla minsan..madalas... ang mga magulang ay gumagawa ng mga sakripisyo para sa mga anak... too bad dahil madalas din hindi natin yun maunawaan... hanggang sa marealized ng mga anak na para sa kanila yun... uwian na... :)

    ReplyDelete
  20. iyan ang lalaking sakripisyo ng isang magulang sa kanyang anak.. walang magulang ng gustong magtrabaho ng malayo sa pamilya nya.. pero dahil sa kahrapan, dahil gusto nila tayo mabigyan ng magandang kinabukasan na hinding hndi makukuha kung magkakasama kayo.. marahil ayaw nyang danasin ng mga anak nya ang hirap ng dinanas nila... tulad ko, ayaw kong maging kagaya ko ang anak ko,, gusto ko mas mataas pa sakin ang maabot...

    mgandang araw

    ReplyDelete
  21. hindi ko naranasan ang naranasan ng mga anak na nsa ibang bansa ang kanilang magulang, mula ng aking pagkabata ay lagi akong naiinggit sa mga kalarong OFW ang parents, kasi nabibili nila lahat ng gusto nila at lagi silang sinasamba ng ibang tao dahil may pera sila.

    subalit ng ako ay magkaroon n ng sapat na pagiisip ay napagtanto ko na mas maswerte pala ako dahil kahit kapos kami sa pera at mga material na bagay ay hindi naman kami nagkulang sa pagmamahal at pagaaruga ng magulang.

    ReplyDelete
  22. @SuperG hindi ko din alam.. naguguluhan na ako kung magiging okay ba ako. Bahala na lang. Salamat!!!

    @banjo Oo nga, iniisip lang din ni mama siguro ang buhay ko.future ko.. yun nga lang di naman sa lahat ng pagkakataon pera kailangan ko, aanhin ko ang magarbong buhay? Temporary lang ang kasiyahan nun.

    @Emerson TAMANG TAMANG TAMA!!!! Yan ang gusto kong marinig. Kahit na hindi ganun kayaman, kahit sobrang simple lang ng buhay, okay lang basta magkakasama. Madaming problema, pero basta sama sama...masaya pa din!! Salamat! Sarap basahin ng comment mo...nakakagaan ng loob.

    ReplyDelete
  23. Yup, ofw din Dad ko at ngayon OFW na din ako....

    Kaya pinipilit ko na magkakasama kmi ng pamilya ko ngayon...

    Iba pa din ang pagmamahal na nanjan sila at wala..

    Kaya mas close kmi ng Mom ko...

    ReplyDelete
  24. @Archeoz Sana pagdating ng panahon..maging least option na ang pagiging ofw

    ReplyDelete
  25. @Kamila- oo nga, pero mukhang matagal pa yun...
    ngbabago lang ang naka-upo sa gobyerno pero ung sistema hindi pa din...

    pero sana nga.... para sama sama n lahat sa pinas... lalo tuloy ako na-excite umuwi, di bale 2 weeks n lang... see you Philippines! Mabuhay! lol

    ReplyDelete
  26. @Archeoz Waaaah buti pa you!!! TWO WEEKSS?? uwi na you!!! Inggit naman

    ReplyDelete
  27. pa-exchange link naman po...

    http://pupsicle10.blogspot.com/-tagalog blog
    http://www.blogeoz.info/ - english blog
    http://archeoz.blogspot.com/-Photoblog

    Na add na kita sa 3 sa 2 mong blog... tnx

    ReplyDelete
  28. @Eoz FInollow ko na po mga blog mo.. pero di ko po lahat inadd sa aking blog roll.. may isa na akong nilagay sa blog roll... ang dame po kase masyado... hindi ko na po ginagamit yung isa kong blog.

    ReplyDelete

Anong meron?