|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Para sa nanalo, hulaan mo kung ikaw nga ba ang nanalo ng badge na ito:
Ikaw na, at para sa iyo ang bidyo na ito:
Pakiusap sa lahat, panuorin ng buo.
Pakiusap sa lahat, panuorin ng buo.
Kung di mo pa rin nahulaan na ikaw pala ang nanalo, at para sa kaalaman ng lahat kung anong puno't dulo ng bidyo na ito sa ibabaw, eto ang kabuuan ng entry ng nanalo:
Kung di mo pa rin nahulaan kung sino. Ikaw Banjo! Ikaw ang nanalo! Si parekoy ng parekoy! Si politician. Banjo sa kanyang entry na PAG-IBIG galing sa kanyang bahay sa
klang... klang..... klang.....
Hudyat na tapos na ang misa, lumabas ako ng simbahan upang bumati sa mga kakilala. Sa makalabas ng simabahan, naabutan ko ang isang lalaking may bitbit na bulaklak at nakatingin sa akin. May konting pagkagulat sa aking mukha dahil ilang taon na din ang nakalipas ng huli ko sya makita at makausap.. habang papalapit ang lalaki, bumalik sa aking alaala ang nakaraan, ang paguusap namin bago kami maghiwalay.
-----------------------------------------
Sa labas din ng simbahang iyon.. sa ganito ding araw at oras
"Abner, humihingi ako sayo ng kapatawaran"
"Anong sinasabi mo aking mahal? anong patawad?"
"Matagal ng bumabagabag ang damdaming ito sa akin, patawad Abner, pero may iba akong mahal. Sa kanya ko natagpuan ang kaligayahang matagal ko ng hinahanap"
"Hindi totoo yan, sabihin mong nagbibiro ka lang sakin, cathy mahal na mahal kita. Totoo akong umiibig sayo"
"Hindi ako karapatdapat sa pagibig mo, may iba akong mahal, nasa kanya ang aking kasiyahan. Patawad kung nagamit kita sa pagtimbang ng tunay kong nararamdaman, mahal din kita abner, pero naghuhumiyaw ang aking pagibig sa Kanya, siya ang aking kaligayahan. Siya lang ang minahal ko ng ganito"
"Hindi yan totoo... Sino cathy, sabihin mong sino ang karibal ko?.. Hindi, hindi totoo ito. Ang sakit. Sobrang sakit cathy." Hinagpis ni abner habang umiiyak..
"Humihingi ako sayo ng tawad, bukas na bukas din, handa ko ng ipagkaloob ang sarili ko sa kanya, wag mong isipin na hindi kita minahal. Subalit ito ang aking kagustuhan, Siya ang gusto kong paglingkuran habang buhay ko, nasa kanya ang aking kasihayan."
"Sino sya Cathy, sino ang mapalad na lalaking yan?"
"Hindi na Abner, hindi mo na kailangan malaman pa. Sana mapatawad mo ko?"
"Masyadong masakit itong ginawa mo sakin, mula ngayon hinding hindi mo na ko makikita pa, iginagalang ko ang pasya mo, sana pagdating ng araw na magkita tayong muli, walang pagsisisi sayo"
Tumalikod si Abner, lumayong nakayuko ang ulo na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Masakit din sa akin ang nangyari, ang makita ko syang nasasaktan. Sa dulo ng aking matang luhaan, napansin ko ang kumpol na bulaklak sa lupa, hawak nya ito kanina lang, akin itong pinulot at binasa ang nakakabit na sulat.
"Happy Valentine's Day mahal ko"
Napatingin ako kay Abner pagkatapos kong mabasa.
"Patawad, hangad ko ang tunay na kaligayahan para sayo, sana matagpuan mo din ang babaeng magbabalik ng kaparis ng pagmamahal mo, patawad muli Abner, hindi kita malilimutan"
--------------------------------------------------
klang... klang..... klang.....
Nagblik ang aking kamalayan dahil sa kalembang na iyon at ang paglapit ng lalaking matagal ko na ding hindi nakikita sa loob ng mahabang panahong lumipas.
"Hi, kilala mo pa ba ako?"
"Abner, ikaw nga, kumusta ka na?"
"Ok naman, masaya na din sa piling ng aking pamilya, so.. Siya pala ang karibal ko noon?"
"Abner, patawad, hindi ko na sinabi sayo dahil ayaw kong magalit ka sa kanya"
"Ako ang dapat humingi ng tawad sayo, sa kakitiran ng isip ko noon. Hindi ko akalain na Siya din pala ang tutulong sakin. hmmm syanga pala nagpunta ko dito para sa binyag ng baby ko, iniimbitahan ko kayo at pati na ang mga bata"
"Salamat Abner, maligayang maligaya ako para sayo, hayaan mo makakarating kami doon"
"Salamat din at happy valentine's nga pala, ang bulaklak na ito, para sa kagandahan ng iyong loob, marami salamat muli sayo. Dahil sayo, nakilala ko Siya at binigay nya sakin ang tunay na kaligayahan."
Nakangiti kong tinanggap ang bulaklak, ilalagay ko ito sa altar ng aming bahay. Inihatid ko sya ng tanaw hanggang sa makasakay sa kanyang kotse, kasama pala ang kanyang pamilya. Kumaway sakin ang mag-anak bago lumisan. Hindi ko maiwasang mangiti dahil sa kasiyahang nadarama, kasiyahang hinangad ko para kanya.
"Good morning sister"
"Magandang umaga po sister"
Ang bati sakin ng bawat taong nagdaraan sa harap ko.
"Magandang umaga din po" aking tugon na may ngiti at paggalang sa aking labi.
Naramdaman ko na lang na may kumapit sa laylayan ng aking puting kasuotan. Isang Anghel na nakatira sa bahay na aming sinimulan, bahay para sa mga batang walang kanlungan.
"Sister Cathy, tayo na po, tapos na po ako magpray kay papa Jesus, hinihintay na po tayo ni Mother Luz."
Nakangiti kong ginusot ang ulo ng bata.. nakangiting tumingin sa altar at nagpasalamat para sa pangaraw araw na kaligtasan ng aking kapwa, para sa kasiyahan na nararamdaman ng bawat isa, at para sa pag-ibig ng Dakilang lumikha.
I S T A M B A Y. Okay! Okay? Okay! OO ikaw nga! Sana makapaniwala ka na nakatanggap ka ng 9-9-9-9 na score mula sa mga hurado. Pramis! :) Ikaw lang!
At etong huling linya ay para sa inyong lahat! Nais kong mag-tenkyu from the bottom of my jologs heart sa binigay niyong pansin sa The Mapagmahal Blog Award! Super THANK YOUUUU!!! Mangiyak-ngiyak na ako sa dami ng sumali at kummocomment! Wit wit!
Sana maging happiness ang dadating na Valentine's day ng lahat at sana naapreciate niyo lahat ng ka-effortan ko at ni boypren. Siya nga pala, siya ang nag-mamadaling nag-drawing ng lahat ng yan, at ako lang ang nag-dikit-dikit gamit ang paste at glue! Wit wit!!! :)
Sana walang problema sa pag-view!!!



wow si pareng banjo pala ang nanalo. weeeeee
ReplyDeletetama ang ganda ng entry nayun. nabasa ko sa blog nya dati. iba sa lahat.... congrats parekoy. :D
thanks din kamila para sa patimpalak mo. :D
@Kyle Thanks Kyle!! Naapreciate niyo!!! Super happiness!
ReplyDeletenice... karapatdapat nga bigyan si Abner ng parangal.. eh este si Parekoy Banjo... aaminin ko... hindi ko nabasa lahat ng entry.. pero karamnihan dito ay UU... ehehehhe... at isa ito sa pinaka magandang blog na nabasa ko... nice.. very well said and done.. eheheheh... nakakarelate ako ng onte doon....
ReplyDeleteNatapos ko na panoorin ang video presentation mo... very nice... ang ganda.. sabihin mo kay boypren... ang galing niya magdrawing... ehehhehe
ReplyDeleteHuwaw! congrats sa lahat ng nanalo lalo na kay istambay! hehehhehehee
ReplyDeletehahaha congrats kay chong istambay... ikaw na parekoy ang magaling.. wahehe
ReplyDeletewow... magpapaburger ba si pareng tambay? ahaha.... astig!!
ReplyDeleteat dahil ayoko pang mamatay eh magcocomment ako. congratulations istambay!!! gusto ko tong entry na to. :D
ReplyDeletewow... hindi ko marahil na click ang post comment kanina.. kaya hindi nag appear ang comment ko dito... anyway.. all I've said was Nice work.. at yung presentation na ginawa mo... nice din.. at yung drwaing ni boypren.. eheheh
ReplyDeletecongrats kay badjo te ultimate winner, at congrats din sayo Kamila dahil successful ang iyong Mapagmahal Blog Awards madami kang na uto at isa nako dun,hehehe. ,sa mga naka rcv ng special awards at na nomine congrats sa inyong lahat :)
ReplyDeleteWow..ganda naman..ingets aketch...
ReplyDeleteclap!clap!clap! ang ganda ng storya, deserving si parekoy..Congrats!- congrats din Kamila, sana madami pang susunod na palimpalak mo. :)
@Al Sorry Al, kagigising ko lang kaya di ko na-publish lahat ng comments agad... anyway nyahahaha.. buti naapreciate mo gawa ni parekoy...at naapreciate mo din ang video! WIt wit!
ReplyDelete@Xprosaic Nyahahah... salamat sa pag-bisita!!
@Kiko Siya na nga!!
@Rap Hehehe nauuso na naman yang mag-paburger na yan..
@Kuya Bino Nyahaha.. napipilitan lang.. hahaha buti naman.
@Adang Oo nga kuya Adang... bakit kase madameng nag-pa-uto..di ko din maintindihan talaga... kala ko talaga mga 1 o 2 lang papansin sa kin.
@Akoni Salamatt!!! Uber Happiness naman talaga ako! HmwwwwuuuuaahhH!!
wow!! pinanood ko talaga ng buo yung video at binasa yung entry niya. thumbs up!
ReplyDeleteBanjo really deserves it. kung mababasa mo lahat ng blog entry niya, sobrang lalim lahat at nakakatuyot ng utak, pero mag-iiwan sa mambabasa ng mga gintong aral.
ang galing! cogratulations kay Banjo at sa'yo din for the success ng 'The Mapagmahal Blog Award' :)
wow! congrats banjo/istambay... ang galing mo, touched ako sa kwento..:))
ReplyDeletekamil: ang ganda ng video ah at ang background music 'masilang bahaghari' by eraserheads. paborito yan ng bunso ko..
@Suplado Wowowowow.. Salamat Pinanuod mo!!! Wit wit! Naapreciate ko yun!
ReplyDelete@Mommy-Razzz Tentyu naman Mommy-Razz!! Sino ba naman hindi magkakapaborito sa Eraserheads!! hahahahah :)
wow wow wow... peberger ka naman ISTAMBAY, banjo! haha.. COngrats!
ReplyDelete@Empi Siya na lang yata hindi nagbabasa ng post na toh. Lol.
ReplyDeleteWow naman congrats!!
ReplyDelete@Xander Nyahaha..mamats sa pagbisita
ReplyDeletesayang naman hindi ako nakahabol sa awards mo kase new xlinks plang tayo... pero yeah i just dropped by to say thank you sa pagbisita sa aking literature blog: http://blog.vincentbambico.com/ ;) sana magpa-awards ka ulit para sumali ako :P
ReplyDelete@VeeBee Napag-alaman ko na napakahirap pala mamigay ng wala.. hahaah natuwa ako at madami sumali..at naapreciate ko yun.. hahahaha best things in life are free.. nyahahaha.. kaya happiness kahit wala naman talaga akong ppinamigay kundi oras ko lang :)
ReplyDeleteCongrats banjo! =D
ReplyDelete@Nishiboy Hindi ko alam, pero hindi pa niya nababasa toh..ewan ko dun..hhahah
ReplyDeleteCongrats dun sa nanalo. :D
ReplyDeleteOkay yung vid. :D
Favorite part ko yung mabilis na pinapakita yung mga drawing, nag-rereminisce ata siya nun. :D
Hehe!
Congrats s mga nagwagi...
ReplyDelete@Jae and Nene Hehehehe thank youu much much!
ReplyDelete~wow galing2 men! :)
ReplyDeletesuper ganda ng vid at entry....:)
congratss I S T A M B A Y....(a.k.a. Parekoy!!! :)
congrats kay Banjo..
ReplyDeletenaks naman si IStambay pala nanalo...galing galing! ganda ng pagkakagawa ng video..sarap naman manalo dito...hehehe happy vday Kamila
ReplyDeletekamil marekoy... wow.. sobrang saya ko naman.. ako ba yan? waaaaaaaaaaaa// ako nga.. hahaha...
ReplyDeletesensya na marekoy now ko lang ako naka OL.. busy nung sat at sunday eh.. lam mo na,, lumarga na lang ng lumarga.. at ako talaga ang nanalo ha.. wow salamat ng madami talaga...
sa mga judges, next na ung kabuuan ng payment heheh.. joke lang.. ay marekoy.. the best... sobrang saya ko talaga..
salamat sa video marekoy.. later ko watch. since bawal ang flash player dito.. mapipilitan akong gamitin ang ultimate talent ko.. ang manghack hahaha... at baliwin ang IT namin.. yesss
hay marekoy.. salamat ng maraming marami..
at sa lahat din po ng sumuporta, salamat :))
apir tayo... chhheerrrzzz
naks! sabi ko na nga ba ikaw ang mananalo...grats parekoy!
ReplyDelete@Popper Bowow Salamat naapreciate mo ang vid!!!Wahahehehe
ReplyDelete@Arvin Sana mabasa niya..hahah
@Moks Salamat Moks at napansin niyo ang VID!! :0
@BANJO SA WAKAS NAMAN AT NAPANSIN MO NAMAN ANG PAGKAPANALO KA. KALOKA. TAGAL NAMAN BAGO MO NAPANSIN. LOL KA. HAHAHAHAHAHAHAHA. ADIK ADIK ADIK ADIK KA DRE.
@Kraehe Nyahahaha..siya na nga!
KAMIL - naku naging busy ang lolo hehe,, tumakbo na lang ng tumakbo eh.. salamat talaga.. di ko akalain na ako.. sobrang happy... realy realy ahehehe... nag post ng ko ng pasasalamat.. maya maya idikit ko na ang badge sa bahay... ginawa ko na nga wall paper ko eh...
ReplyDeleteHAPPY BALENTAYMS MAREKOY.. apir..
@Banjo Salamat Dre! Nyeh! Ikaw na nga lang di nakakaalam eh!! Hahahaha :)
ReplyDeletesbi ko n nga bah si pareng banjo un ih..!!!!
ReplyDeleteCONGRATULATIONS PAREKOY! HUSAY!!!!!
@Katie Wala ka naman sinabi ehhh.. hahah
ReplyDeleteang galing ng video at ng story. wow deserving sa award.
ReplyDelete@Rommel Kuya ROmmel... sALAMAT!!! :)
ReplyDeletenaks! congrats :)
ReplyDelete@Tara Late ka na tara ah..? hhaha
ReplyDeletecongrats banjo!!!
ReplyDelete(humababol)
:)
@Jay Natawa naman ako..sobrang huli mo na..
ReplyDelete