|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Nilalamon ka ng sarili mo. Nilalamon ka ng sarili mong paniniwala. Tumakbo ka sa malayo, at sa dulo nandun ang liwanag. Pero bago pa man makarating dun, mas pagod ang utak mo kaysa paa. Pagod na puso. Puso na hindi na malaman kung saan pa nga ba lulugar.
Nilalamon ka ng ka-emohan mo. Di ka man lang makapagsulat. Nakatulala ka sa wala. Nag-iisip ka ng wala. Nalulungkot ka, pero walang dahilan. Nakasimangot ka at ang panget ng pagkabusangot ng iyong mga labi. Nananahimik ka lang, hindi makapaglabas ng sama ng loob.
Sa gabi nakatingala ka sa kisame, di ka makatulog. Sa umaga badtrip ka, pero dahil lunod na sa tulog, mapipilitan ka na lang bumangon. Pero pagkabangon mo, maiisip mo na parang walang rason para bumangon. Susubukan mo sagutin ang commercial ng kape, 'Para san ka bumabangon?' Pero wala ka maisip na dahilan o rason.
Nilanghap ko lahat ng kalansahan ng dagat, ang sarap. Hinubad ko ang ----------- saplot ko (nausea) joke, ang hinubad ko ------sapatos at tumakbo ako sa malambot na buhangin diretso sa dalampasigan. Wala akong paki. Takbo lang, takbo sa malayo. Nakakamanhid ng paa ang lamig ng pag-dampi ng tubig-alat sa paa ko. Habang umaalon ang lahat-lahat sa paa ko, pakiramdam ko lahat nadadala nung alon, yung mga buhangin sa paa ko, mga maliliit na bato, mga halamang dagat, pati na rin internal organs ko inalon. Pero yung katawan ko nakatayo lang dun, naiwang nakatanaw sa mga inalon na kung anu-ano.
Lulubog ang araw, at bukas ay panibagong simula, recycle at paulit-ulit. Halatang walang pinatutunguhan ang buhay ko. Kung may kahantungan man o wala ang buhay ko, isa lang gusto ko. Basta ayuko maging pabigat sa kahit kanino.

dumarating talaga yung time na ganyan, nagiging emo..nakakatamad bumangon sa higaan..pero kailangan bumangon at ituloy ang recycle na buhay :)
ReplyDeletefoodtrip ka na lang kamila hihihi
ReplyDeleteang emo mo marekoy.. gumaganun ka na ha.. teka tapusin mo muna yang pagbabasa sa lahat ng entry ahehehe..
ReplyDeletepero marekoy, kung ano man yan.. kaya mo yan, at hindi ka pabigat sa kanila.. katunayan, kaya mo silang buhatin eh..
ano ibig ko sabihin, think positive always.. :) magtiwala ka sa sarili mo..
ikaw na ang emo
ReplyDeletewow nice naman ng seashore...san yan?! kala ko kung nu na hnubad u..jeje..u reellee must be emo...jaja
ReplyDeleteI wana vote din..pnu pu buhh?!
ang ganda ng huling nabanggit mo... "Kung may kahantungan man o wala ang buhay ko, isa lang gusto ko. Basta ayuko maging pabigat sa kahit kanino." naks nakarelate ako dyan...
ReplyDeletekapatid halata ngang malalim ang pinagdadaanan mo..:))
ReplyDeleteumi-emo? hehehe
ReplyDeleteikaw, para san ka bumabangon?
@Adang Oo nga kuya Adang.. todo sigaw na nga nanay ko para tumayo ako..
ReplyDelete@Chinchan Nyahahaha.. kaya tumataba ako lalo eh... puro sa food ko nahahanap comfort..
@Banjo At anong ibig sabihin mo dre sa kaya kong buhatin? ganun ba ako kalakas? Hahahah ako na macho... hahaha... sira tapos ko na basahin.. ehem... pa-secret pa muna..di pa tapos mga award eh
@Akoni Nyahahaha.. mag-babangs na ako...
@Katie Hindi Katie.. walang botohan... mga judge yung bumoto.. may apat akong jury.. at dito yan sa Oceanside..dito california yan.. hehehe :) Kung gusto mo sumuka.. pwede ko din gawin naman yung iniisip mo..
@Moks at dahil yan sa mabigat din talaga ako moks! hahahaha
@Cheenee Di ko alam kung malalim kapatid.. pero feeling ko flat affect na lang isasagot ko sa nangyayari sa kin.. hehehehee
@empi Nyahahaha.. di ko talaga alam empi..
ReplyDeletewenk..uwi kana ng pinas kasi..
ReplyDelete@Cheenee Kung pwede lang lumangoy pauwi....
ReplyDeleteYou must be emo!!! ehehehe....
ReplyDeletesiguro, malamang sa malamang, homesick yan. Napaisip tuloy ako kung sasama pa ako kay kuya sa Australia. Sa kabilang banda kung gusto mo lumangoy pauwi, dala kang salbabida ah!
ReplyDeletemasarap maging emo minsan..hahahaha
ReplyDeletemay pagka-emo nga pero i like hehehe
ReplyDeleteI think would be boring kung wlang kaemohan, pero control na lang, di sa araw-araw umeemo! ahahaha, dat would be irritating, for it seems fragile ang personality mo! BUt I think kung ano mana bagay ang hinaharap mo sa ngayon Kamila, everything happens for a reson! May dahilan yan! ^^ Think positive!
ReplyDeleteTingin ko naman nasa edad ka na para magdesisyon kung anong gusto mo mangyari sa buhay mo. Tama ka, hindi magandang maging pabigat sa kahit kanino... Mas mabuti pang mamuhay nang simple at independent keysa sa extravagant pero hindi sariling sikap...
ReplyDeleteemo nga... LOL....
ReplyDeletenaligo ka naman ba? ahahaha...
mga emo kasi pati paliligo kinalimutan na.. ahaha
ganyan talaga buhay... ^^
ang gawin mo mareng kamila(lol sa mare)
ReplyDeletekumain ka ng much para lumakas u
tapos buhatin mo sila at pasanin mo!hehehe joke
darating din araw na para sau at maglalagay sau sa tugatog...
ganito lang lage (+)
@musingan Nyahahaha... must be! :)
ReplyDelete@Billy Nyahahaha.. sumama ka na billy, sayang ang pagkakataon.... hehehehe... di ko na kailangan ng salbabida Billy... kusa ng lulutang ang ma-lobo kong katawan.
@mommy-razz nyahaha... hindi ko po alam kung masarap ba talaga.. hehehe
@Bino Mamats Bino.. vent lang.
@Jhiegzh tama.. okay lang mag-emo wag lang makaka-abala sa activities of daily living.. hehhee
@glentot ..oo glentot..nasa edad na ko.. yun na nga yung masaklap.. di pwedeng puro desisyon.. kailangan ko kumilos... pero parang na-i-istuck ako dito sa lugar ko.
@rap nyaahahha... naku shet.. minsan tinatamad na ko maligo.. hahahha
@Jay nyahahah..salamat Jay... oo magiging pawsitive na... at yun na nga lang ginagawa ko sa araw araw..ang kumaen...