Naked Weapon. Luma na nga, medjo hindi na kase sexy sa paningin ko yung ibang damit dito. Unang-una, di ako mahilig sa ganitong palabas, pero dahil wala akong magawa, nakisali na din ako sa mga klasmeyt ko sa panunuod. Medjo di ko lang magets bakit sila nagkamatayan, kase parang walang kwenta din yung pag-stay nila sa isang island for how many years tapos magkakamatayan lang naman pala sila! Hindi ako masyado na-antig sa kwento. Lalong hindi sa graphics kase luma na nga yung graphics ng palabas na toh. Pero maganda rin naman yung kwento kung tutuusin. Nakulangan lang ako kase parang di masyado realistic.
Twilight. Oo naman! Alam ko namang luma na toh. Memorize ko na nga yung line eh. Habang nanunuod nagtalo pa kame ni Cara (klasmeyt ko) about sa kung ano nga ba ang totoong nangyari sa New Moon at Eclipse, medjo nakakalito kase. Naiisip ko pa, medjo ang korny na ng Twilight kapag ilang beses mo pinanuod, may mga scene kase na ang awkward na minsan. Pero gusto ko pa rin ang Twilight. Nakakatuwa din na ang bata bata pa ni Edward at Bella dito, di katulad sa New Moon, Eclipse at Breaking Dawn.
Bad Teacher. Alam ko, ang sama-sama ni Elizabeth (Cameron Diaz) dito!! Pero ang nagustuhan ko lang dito ay dahil magaling siya mag-payo, hindi plastik at hindi rin hypocrito. Yun ang pinakanagustuhan ko, yung totoo pa rin siya kahit anong mangyari. Yung iba kase bait-baitan sabay nasa loob yung kulo, or laging bida-bida na nanglalaglag lang di ba? Isa pa na nagustuhan ko, nung na-motivate na talaga siya mag-turo dahil may bayad (nung hindi pa siya nangdadaya ng exams nung mga bata) nagustuhan ko yung pagtuturo niya, medjo di pa rin tama, pero kakaiba na parang nakakatuwa dahil effective sa mga bata. Lol.





huwaw! twilight the BEST! napanood ko na ung Breaking Dawn.. bitin.. kainis!
ReplyDeleteYES MAN Lang binasa ko....:D :D :D
ReplyDelete@Memey Ako din!! naku abangan ang part 2
ReplyDelete@Kuya Wahihihi panuorin mo din