Moby Dick
Nagising ako maaga, kahit late natulog. Umiiyak kase yung sanggol, si Moby. Pinakaen ko muna para naman di ako masabihang walang kwentang ina. Lol. Hehehe. Hirap. Di pa ako masyado handa, magka-aso. Alam ni Mayk yun. Pero masaya ako kay Moby, lalo na pag masaya din si Mayk kase may Moby kame.
Actually nung isang araw malungkot kame ni Mayk, kase dalawang araw kame nawala, tapos parang pag uwi namin, malayo na loob ni Moby sa min. Tapos nung dinala namin sa kwarto, gusto lumabas, nag-wawala, umiiyak. Hindi nga lumilingon saka lumalapit kahit nakailang tawag na eh. Pero nung isang tawag lang nung Papa ni Mayk, hala kumaripas ng takbo. Syempre bukod sa nagselos si Mayk, naisip namin na ang dami na rin namin nagastos sa kanya, yung vaccines, pagkaen, tsaka mga laruan niya. Parang baby na rin namin si Moby, kaya sobrang selos kame. Hehe.
Pero ang emo namin noh? Dalawang araw lang naman kame nawala, eh nung nilalaro na namin siya isang buong araw lang, okay na naman siya ulit sa min, back to normal. Masyado lang kameng anxious na magsimulang mawala yung loob niya sa min, masyado lang kame nag-iisip kahit di naman kailangan. Wala rin naman dapat ika-selos. Originally, masaya talaga kame kase madaming may gusto kay Moby. Ibig sabihin, hindi lang kameng dalawa yung masaya, madaming nagbebenefit sa happiness na yun. Mga kapatid ni Mayk, Mama at Papa niya, at kung sino man nasa bahay nila. Di nga makatulog halos si Mayk kakaisip kay Moby eh. Nung dalawang araw na wala kame, si Moby iniisip niya. Pag napapadaan sa mga hardware, dadaan pa yun sa mga gamit ng aso. Mahal na mahal. Feeling ko di expect ng ibang tao yun kay Mayk kase ang laki-laki niyang tao. Hehe.
Sa sobrang lungkot nga napatanong tuloy ako sa Yahoo Answer, na paano pag biglang withdrawn yung aso, tas inexplain ko yung situation. May sumagot naman. Sabi niya 2 weeks pa lang naman namin nakakasama si Moby talaga, syempre di pa yun sapat para makilala talaga niya amo niya. Spend more time daw.Yun naman ginagawa din namin ngayon. Kunyari pag manunuod ng movie sa sahig na lang kame nakaupo para katabi at kalaro si Moby.
Di ko din expect na magugustuhan ko si Moby masyado, kase parang naisip ko sa lifetime ko, di naman talaga ako gaano nag-alaga ng pet. Hehe. :)
**********
Ang cute naman ni moby, parang gusto ko na din tuloy magkapet. Pero magastos diba? kaya antayin ko na lang next year para totoong tao na lang aalagaan ko. hehe..
ReplyDelete