Starbucks Planner
Unang-una sa dash ko si Kuya Akoni, na ewan ko, magkkwento yata ng alamat ng durian, pero di ko nabasa kase 15 minutes na lang maliligo na ako, need ko na maging maaga sa school, ayuko na ma-late sa first subject namin.
Anyhoo, ako naman magkkwento sa alamat ng ubo't sipon ko, kase naka limang bahing yata ako na sunod-sunod ngayong umaga, at feeling ko may konek yun kay Moby na nakatambay buong gabi dito sa kwarto. Lol. Nanisi? Okay lang cute naman siya habang nginguya yung hinlalaki ko sa paa.
Isa pang kwento na gusto ko ikwento eh, MAY STARBUCKS PLANNER NA KO!
Walang makakaalala, kase di ko naman knwento last year na sawi ako sa STARBUCKS PLANNER (o kinwento ko tapos di ko maalala, ganun naman madalas).
Last year kase, wala man lang promo sa states nun na free planner, basta buy ka lang ng appropriate dami ng kape sa any store nila. Sa Pinas meron, at nalungkot me, kase waley ako nagawa tungkol dun.
Pero ngayon na I'm home sa Pinas this Christmas and New Year, yiipeeeeee, melon na ko!!!!! Excited ako magsimula tuloy ang taon. :)
Ilang araw din ako nag-adik sa kape, and I glad I did. Alam kong mas maliit ang planner ngayon kaysa last year, pero I think mas okay na yun kase mas-handy siya. Achievement din toh! Mahilig kase talaga ako sa planner pero hindi ko naman napupuno o madalas hindi ko naman nagagamit ng sulit na sulit. Ganun lang binibili ko lang pero wala naman laman... Hehehehe.
Tapos, natuwa din ako kase buti nagpalit ako ng decision kung anong kulay kukunin ko. Nung una kase ayuko nung kulay na toh (yung nasa pic), pero kase yung friend ko nakuha na niya yung Cherry na color na dapat kukunin ko (yung pinaka nasa-in between na color na halos gusto din talaga ng lahat). Pero para maging random lang, namili ako ng iba. At masaya naman ako sa decision ko! Parang na-inlove ako sa kulay na napili ko!! :)
Ayun lang. So, magreready na ako sa school. Hmmmm... baka ma-late na naman. Byeeee!
**********
Kahit anong kulay pwedi ka parin magsulat dyan...Ingat! ang active mo ngayon..hahaha..natutuwa ako!
ReplyDeletemaya, maya meron na ako. spruce yung pipiliin ko. :D
ReplyDeletemas maganda yung ngayon kasi medyo maliit ang space sakto para sa di naman madalas magsulat like me :P
@Kuya ko Hehehehe.. pero syempre pipili ako ng kulay na maiinlove ako.. wahihihih!!! Natutuwa din ako dahil active ako..
ReplyDelete@Khantotantra Wahihihihi Spruce! Maganda din yun!!! TAMAA!!! buti positive tayo..dami ko kase naririnig na negative about to eh!