Pages

Monday, November 28, 2011

Badtripinininininin

Patawa (nyahahahahahahha! Mamaya sa end ng post na ito, ikkwento ko kung bakit ako natatawa..)


Naniniwala ba kayo sa kasabihan na, "Pag-tripan mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising!!" Dahil meron akong.. ANO?! Meron akong kwento!! Meron akong... ANO?! Meron akong KWENTO!!! Wahihihihihihihihihih tungkol dito.

Nung Linggo, ginigising ako ng text ng kaklase ko, nagtatanong about sa school activity namin. Nabadtrip agad ako kase I'm still so antukin! 8am ang plano namin meet up, pero 7:30am nasa kama pa ko (Oo, LINGGO, pero may pasok ako, kase nga 7x a week na ang pasok namin).

Anyhoo, simula nun dahil nga feeling ko di pa tamang tumayo ng kama, ayun, wrong side of the bed na ang pag-bangon ko. Pero, infairness, panalo din klasmeyt ko kase nga 7:30am na pala, kailangan ko na naman talaga tumayo! Pero actually 1pm pa pasok namin, papasok lang kame ng 8am dahil magrarationale study kame ng mga klasmeyt ko, kaya feeling ko okay lang naman ma-late ng konti.

Ito na, badtripinininin na me, kase biglang tumawag yung klasmeyt ko na NASAN NA DAW AKO, kase kailangan na daw magpunta sa school dahil hindi na pala 1pm ang klase namin, 8am na daw ulit! Sa hapon na daw ang rationale! Ng putik?

Ayan na, ayan na, nagmamadali na me, hindi na pala okay ma-late. Pero nakakabadtrip pa kase yung extension cord na ginagamit ko sa laptop, wala sa lalagyan ng laptop. Eh dadalhin ko ang laptop! Argghhh!! Late na ko hello? Ayun, pinahiram pala ni Mayk yung extension, gggrrrrr, late na nga ako may mga nawawalang gamit pa!!

Ito pa, wala man lang ako masuot na medyas na magkapares, puro magkakaiba, argghhh!!! Kase naman si Mayk, lahat ng medyas kong itim ginagamit! Ayan tuloy pag ako na gagamit wala, maghahanap pa ba ako eh late na nga ako? (Kung nagtataka ka bakit parang kasama ko si Mayk lagi, basahin mo DITO).

Badtrip ako oo, pero nabadtrip din si Mayk kase feeling niya hindi naman appropriate na mabadtrip ako, with inosente look sa akin.

Nung sumakay ako ng jeep with my rock and roll hair (bunga ng hindi pagsusuklay), naka-kunot pa rin noo ko. Anak ng tipaklong!! Malayo na yung narating nung jeep nung narealize ko na wala akong I.D!!! Napahinga na lang ako ng malalim sabay baba ng jeep.

Naglakad na lang ako pabalik para kunin yung I.D. ko. Nung naglalakad ako, na-realize ko bigla, "ano bang napala ko sa pagiging badtrip buong umaga??????"

MALAMANG WALA! WALA! WALA! at WALA! Wala na nga akong napala, naperwisyo pa ko. Naiwan ko pa yung mga bagay bagay sa bahay kase mas inuna ko maging badtrip kaysa isipin mabuti kung anong mga dadalhin.

BADTRIP. Minsan di ba ganun naman talaga? May mga natututunan tayong mga bagay, pero along the way nakakalimutan natin, tapos we just have to RE-LEARN it, ganun naman ang life di ba? Nakalimutan ko lang ulit na wala naman akong mapapala kung magiging mainit ang ulo ko sa situation ng buhay ko, dahil unang-una wala naman talagang nareresolve kapag badtrip.

BADTRIP. Tingin ko dapat lagi lang natin dagdagan ang pagiging open-minded at maging understanding sa kapwa natin. Minsan kase kahit napaka-LIIT na bagay, bukod sa wagas na wagas ang pagka-badtrip, pinapalaki pa ng bonggang bongga. Di kaya naman, pag hindi na-reach ng isang situation yung mataas na expectation natin, ayan na, init ulo. Dapat tanggap natin na hindi lahat ng bagay will come and go our way. Puro tayo reklamo sa buhay, reklamo sa mga taong katabi natin sa jeep, reklamo sa lahat ng bagay. Eh hindi naman lahat ng gusto natin masusunod at mangyayari. Sa ayaw at sa gusto natin, sadyang may mga bagay na magiging palpak, pero kailangan din nating tanggapin na okay lang yun, may dahilan bakit nangyayari yun at may paraan para-resolbahin yun (nang hindi nababadtrip!) Complain less, appreciate more!

AT regardless kung anong reason natin ma-badtrip, wala pa rin naman itong kwenta, wala pa ring naman itong sense, wala pa rin naman tayong ma-aaccomplish pag mainit ang ulo natin. Ubos energy lang! Pero hindi ko naman sinasabi na forever ka wag mabadtrip, syempre part pa rin ng normal adaptation ng tao ang ilabas ang nararamdaman niya paminsan-minsan.

Huling payo para sa mga taong badtrip, katulad ko, inom muna kayo ng Nescafe 3in1 Sweet n' mild coffee..... :)



AT kung interesado ka pa rin malaman kung bakit ako natatawa bago ko simulan ang post na ito (at kung ganado ka pa rin magbasa), ganito kase yun: pagkatapos ko isulat ang buong post na ito, nilalagyan ko na lang ng title, labels at location, na-refresh ko ang page, and *poof* nawala lahat ng sinulat ko! Hindi man lang na-save sa drafts! Buti na lang, may oras ako para mag-blog, hindi ako nagmamadali masyado, kaya itong nababasa mo, pangalawang sulat na ito, ibang ibang version sa pagkakasulat ko kanina..

Natawa ako kase feeling ko tine-testing ako ni Lord kung MABABADTRIP ako, since tungkol sa pagkabadtrip ang topic ko.
Nyahahahahahahahahahahahahahahahaha. :)

Inihaw, GOOD MORNING sa inyo!!! <3


**********

7 comments:

  1. naalala ko tuloy ang isang scenario sa seminar namin about paradigm shift, but anyway narealize mo rin hehehe, re: sa deleted blogpost mo ganito ang solution

    1) Dashboard > Settings > Site Feed "Post Feed Redirect URL" (dapat empty)

    2) SAVE SETTINGS

    3) Go to Google FeedBurner

    Edit Feed Details > "Original Feed" (delete mo ito "?default=rss"
    kaya dapat ganito lang > http://tea-cup-for-kamila.blogspot.com/feeds/posts/default

    4) SAVE FEED DETAILS

    4) Kapag natapos ka nang magsulat, SAVE AS DRAFT mo lang tapos mag log-out ka sa blogger then refresh/ reload mo ang browser mo [ctrl+r] saka ka bumalik sa
    Dashboard > Edit Posts > Drafts > Edit > PUBLISH POST

    Sana nakatulong!

    Oo nga pala sakaling may mga tanong ka visit ka lang sa ASK PINOY BLOGGERS

    ReplyDelete
  2. hahaa.. you made my day Kamila. Thanks. Most of the time ganyan ako, nababadtrip parati at ang parating kawawa boyfriend ko kasi sa kanya bagsak lahat ng galit ko pati galit sa mundo..hehee

    tama ka sa sinabi mo na wala naman tayong napala, napapala at mapapala kung paiiralin lang natin ang kabadtripan natin. D man natin maisip yon sa una kasi nga baBadtripinininininin tayo pero sa bandang huli marerealize natin wala tayong napala kundi ang mainis. Ok lang yon ang importatante may natutunana tayo. Syanga pala salamay sa birthday greetings sakin at yes magkaibigan kami ni ate Mayen over at clicks and cuts.

    At bago ko makalimutan, gusto ko ang nescafe commercial na yan at favorite din siya ng bf ko..hehee

    ReplyDelete
  3. hahahha!!! adik ka no kasi nagtritrip ka baby!! BADTRIP! lol natatawa ako ang kulit mo lang parang naaalala ko yung nagvivideo ka parang ang kulit-kulit talaga! hahaha

    ReplyDelete
  4. Ang haba..wala me dalang popcorn. daan nalang me ulet!

    ReplyDelete
  5. @Kuya kiko Kuya thank you naman sa effort mo na matulungan ako, pero finally pagkatapos ko ipost ang post na toh, pinindot ko ang draft..at nakita ko siya... talking about badtrip... wahahahaha palpakacious!

    @Pearl Super appreciate ko ang todo comment mo jan ah!!! thank you so much!!

    @Iya Parang namiss ko tuloy mga video video na yun.. ahihihihihihi

    @Akoni Geh lang kuyaaa!!! :)

    ReplyDelete
  6. ahahahaha, nakakatuwa, nakakarelate ako sayo.. ganyan din ako... minsan ok lang para sa aking ma-late, pero hindi pala....

    naiimagine ko ung pangyayari, hawig sa nangyayari sakin.. like! like! puro din ako badtrip, imnes sa kabadtripan ko, may nagawa na ako pero wala...

    ReplyDelete
  7. @Jessica Kanina lang badtrip ulit ako... wahihihihi

    ReplyDelete

Anong meron?