Pages

Monday, November 21, 2011

Completion duty

Hello. Hindi naman sa busy noh? Madami lang dapat unahin bago ang blogging. Pero masaya ako na kahit walang kwenta ngayon ang post ko, magagawa ko pa rin i-post toh sa blog ko. Dati kase di ko magawa yun, kahit simpleng update lang ng buhay ko feeling ko walang kwenta, kase feeling ko dapat may kabuluhan ang bawat isang post.


Lumamon na lang kapag walang magawa.
Kahapon was a completion duty. Ito yung duty kung saan kailangan ma-complete mo yung 5 cases each sa mga sumusunod: Actual delivery of baby, assist in delivery of baby, cord-care of new born, major operation and minor operation.

Madali lang mag-complete ng cases sa mga deliveries eh at cord care, madami kaseng nanganganak sa Pilipinas. Pero kung mga surgery operation lang naman ang pag-uusapan, dun pumuputi mata ko. Tapos nag-uunahan pa kameng magkakaklase sa cases, eh YUN ANG PINAKA-AYAW ko sa lahat, nakikipag-unahan. 

Lol.

Anyhoo... ayan babalik na naman akong Caloocan, through mahiwagang jeepney, dahil nga dun ang duty ko. Please wag niyo ako aabangan sa kanto, wag niyo ako hoholdapin, wag niyo ko tututukan ng ice-pick, kase I have no money yah know and all my clothes and things are old? Ansabe?

Kahapon wala akong case, kase wala yatang masamang loob ang nadapa at nabalian ng tadyang. Ang hirap din humiling na sana po Lord magka-case naman ako, kase it means one ill-health to another person, di ba? Ang ironic ng dasal ko para sa isang NURSING?

Hehehehe. Pero anyhoo, God will provide, matatapos din tong pinagdadaanan namin. Actually ang boring kahapon, lowbat pa ang aking cellepono, eh wala kame magawa, napilitan tuloy akong magbasa ng dala kong book. Lol. 

At ayan, nagamadali ako mag-type ng bongga, 5 minutes lang yata na-accumulate ko. Hehehehehe. Paalam muna, at ako ay magbibihis na at pasok muli sa completion duty namin. See yah later!!! Chao!

**********

5 comments:

  1. Ang simpleng update na ito ay mahalaga sa aming mga nagmamahal sayo.

    ReplyDelete
  2. Pag ang blog mo nagkaroon na ng maraming followers, nakaka-pressure na minsan mag sulat ng post. I pi-feel ko din yan lately although di naman madami ang followers ko. pero yung feeling na dapat may sense ng post. Pero in the end naisip ko blog ko naman yun. So ako masusunod.

    Natawa naman ako dyan wag ka abangan. haha.. Now alam na namin na wala kang pera, di na kita papaabangan. haha.. Good luck sa case mo.

    btw, sa end of the month ko na papadala ang pouch mo ah? pero almost finish na.inuna ko kasi ang xmas tree namin. hehe.. promise is a promise kaya papadala ko yun sayo. :)

    ReplyDelete
  3. @Akoni Kuya thank youuu!!!!! Lab u tooo kuya

    @Mayen Oo alam ko sinasabi mo mayen, na nakakapressure.. anyhoo... hmmm... oo wala pa din akong pera hanggang ngayon... gawin ko kaya yun sa jeep..? habang madaming tao isisigaw kong wala akong pera...

    yehey hintayin ko ah Mayen..

    ReplyDelete
  4. anhirap talaga magcomplete ng cases... tapos hirap din magpapirma...lols.

    Goodluck and Godbless! :))

    ReplyDelete
  5. @Lily I can see... napagdaanan mo na din toh... hay... parang exercise lang lol.. :)

    ReplyDelete

Anong meron?