Pages

Thursday, November 3, 2011

Aspiration

I need to study hard. Lagi ko naman sinasabi toh. Parang yung "papayat din ako". Lagi ko din sinasabi. Di ko alam kailan nga ba ako magseseryoso. Pero ngayon pasukan mararamdaman ko na ang board exam. Parang kailan lang, nagrereview mga kaibigan ko for board exams, inggit na inggit ako sa kanila. At ngayon ako na ang sunod.

Nito nga lang, sa byahe pauwi namin ni Mayk galing Bulacan, naisip ko bigla, gusto ko mag-doktor. Parang ang huggard kase mag-nursing minsan. Parang pinapangarap ko tuloy mag-open ng maliit na clinic man lang, pang public service. Taas nung pangarap ko, eh magpapayat nga lang di ko magawa. Hehe. Oo na, nothing is impossible. Pero ah basta.

Minsan iniisip ko pa, parang ang kalma ko masyado sa buhay ko, para bang feelingera ako na sure win. Hindi rin naman porket may pass na ako papuntang ibang bansa eh magiging okay na ang lahat. Di ba? Iniisip ko future ko masyado. Ayuko. May nabasa kase ako, na wag masyadong mag alala sa buhay. Yung mga ibon nga na lumilipad-lipad lang sa hangin eh nabubuhay di ba? Lol.

Anyhoo. Siguro naman masaya na ako at may post ako tonight. Sana makatulog na. :)



**********

1 comment:

  1. Ano ka ba? ok lang mangarap. Ako nga, sana dati pa ako nangarap ng mataas. Totoo yun, na pag di mo sineryoso ang buhay, mabubuhay ka pa din ng parang ibon pero di ibig sabihin masaya or kuntento ka. Sabi ng isang businessman na successful na napanood ko, dapat pag nangarap or nag set ng goal dun na sa pinaka mataas. Kasi kung katamtaman lang pag naabot mo na yun, malalaman mo di ka pa din kuntento. Kaya mangangarap na rin lang sagad sagad na. kaya good luck sayo. :)

    ReplyDelete

Anong meron?