Pages

Thursday, November 3, 2011

Inside my heart

Sometimes, I still wonder how we did get through sa relationship namin. Kahit ako na-aamaze na ang tagal na namin. Minsan mayabang na nga eh. I know a lot of other couples na mas matagal pa sa min. Patunay lang na possible talaga mag-last ang isang relationship.

We started on June 23, 2005. 

Tapos ang kinahihiya ko pa noon eh mag-textmate lang naman kame, at sa text lang din kame naging KAME. Didn't expect that this relationship will last this long. Parang option din naman kase mag-mahal eh. Ikaw mismo magdedecide kung mag-stay ka ba sa relationship o hindi. At isa lang sa inyo ang umayaw talaga, mahirap na.

Sa case namin ni Mayk, ayuko naman ipagyabang na true love toh, kase baka sabihin naman ng iba ambisyosa ako. Pero NANIWALA (at naniniwala pa din) ako na totoo na nga toh. Kung simula't sapul naman inisip na namin na joke time toh, siguro matagal na kameng wala.

Hindi ako madalas nagyayabang tungkol kay Mayk (ibig sabihin minsan nagyayabang pa din hehe). Ayuko masyado magyabang kase love is not boastful ika nga. Pero di ko ipagkakaila na pinagdaanan ko din yung stage na yun nung bago pa lang kame, na ipakita sa buong mundo na AKO NA, ako na ang may boyfriend!

Hindi ko na muna kayo iinggitin sa kung bakit napaka-swerte ko kay Mayk. Basta sa ngayon, masasabi ko na napakasaya ko sa taong toh. Swerte ako sa kanya at sa pamilya niya. :) 



**********

1 comment:

  1. sige, ako na ang mayabang sa bf. ahehe.. pero sa totoo lang yun ang simbulo ng magandang relationship, yung kaya mong ipagmalaki yung taong mahal mo. I've been in a relationship na ni di ko mabati ng happy birthday na may "iloveyou" sa huli sa comment sa friendster nya. kasi I'm not proud of him, hindi dahil chaka sya, kundi parang basta, ayoko lang i-claim in public. Siguro kasi kagandahan ang ugali.

    Anyway ang haba ng tinambay ko dito unfair naman sa iba. I'm sure tatagal pa kayo ni Mayk. Sana nga eto na yun! :)

    ReplyDelete

Anong meron?