Pages

Monday, November 14, 2011

Happy Birthday Avi!! :)

I know I don't have a lot of time to blog as of now, but I want to greet one special person in my life.

That would be obviously, HER.

Yung picture na yan, that was taken, recently at Tondo Medical Center. After ilang month na hindi kame nagkita, almost a year, ayan sa wakas nagkita din kame.

Yun na nga maganda din ngayon sa friendship namin, kahit na hindi kame madalas magkita, nandun pa din yung heart namin as mag-bestfriends.

We were friends since birth. Joke! Di naman, mga tipong pwede na gumala sa labas ng bahay kahit may lusaw na sipon pa, yung mga ganung type ng age.

Sa lahat na nagkasundo, sa crush nung bata, sa kalokohan, sa laki ng katawan, sa tangkad, sa course, sa mga interest sa buhay, sa mga chismis, hehe. Super kame na!

Pero syempre mas mabait pa rin siya sa kin. Naaalala ko (at napapansin ko lagi ko kinukwento ang kwento na to..) nung bata pa kame, pag ako tinawag ng Nanay ko, sisigaw ako ng "Mamaya na!!" irritable pa! Siya pag tinawag siya ng Nanay niya, sasabihin niyan sa kin, "Uwi na ko Kamil, magsasaing pa ko eh."

Gawain namin dati tumambay sa labas ng bahay, magdadaldalan lang kame maghapon, lalamon sa malapit na tindahan, daldalan ulit. Kahit anu-ano lang. Na-mimiss ko tuloy kabataan namin. Ang tanda na namin eh. Pag-uuwing laguna, ayun makikita namin yung mga bata na dalaga na ngayon, napapa-shet na lang kame.

Ayun, hindi ko na pahahabain masyado, kase 4am na at may duty pa ko. 

Basta, Abi, I love you so much! HAPPY BIRTHDAY! At sana, sabay tayo makapag-review kahit na sa December ka pa magtatake! Kase di ba plano natin yun? Hehehehe.. More birthdays to come! At kapag may kainan, ayain mo naman ako. Hahahaha. I love you!

**********

2 comments:

  1. wow, ang sarap ng may friend na alam mo kahit hindi kayo magkita or mag-usap ng matagal secure ka na di sya mawawala bilang kaibigan mo.

    Happy Birthday kay Avi. :)

    ReplyDelete
  2. @Mayen Hehehe oo nga..di ba ganun ka din kay pearl? hehehehe :)

    ReplyDelete

Anong meron?