Pages

Wednesday, November 16, 2011

Bahala na si Lord sayo... BITCH!

Kanina while eating at Mc Donalds dun sa may Morayta, ayun nangyari na naman ang common na nangyayari sa bansa natin. Nanakawan ang kaklase ko!! Buong bag kinuha. Actually may balat yata ako sa pwet, kase dati rin nangyari na toh, pero ibang tao mga kasama ko, Mcdonalds din, pero hindi ako involve. Malaki kase lagi bag ko eh para nakawan, parang bagahe lagi dala kong bag. Anyway.

Matandang babae ang suspect. Ang ginagawa nila uupo sa lamesa malapit sa kina-uupuan ng group of barkada na uber busy. Pero isa syempre sa mga nakaka-suspicious sa kanya eh hindi siya bibili tapos parang may hinihintay lang. Yung mga tinitiktikan naman niya busy magdaldalan o busy mag-aral o busy busyhan. Ayan na. Tyetyempo yang matandang yan tapos pasimpleng kukunin yung isang bag na in reach lang niya.

Ayun. Halatang super nanghinayang (malamang) yung kaklase ko. Nandun kase cellphone niya, buti daw di pa niya dinala i-pod niya. Feeling ko naman isa ako sa mga may kasalanan kung bakit nawala bag niya, kase nga feeling ko sphynx ako.

Pero ang malaking tanong dito, anong kasunod kapag nananakawan ka? Magsusumbong ka sa pulis, papa-blotter nila (tama ba spell ng blotter?), tapos ano? Hindi naman mahuhuli di ba?!! Nakaka-badtrip. At kaya padami sila ng padami kase parang madalas naman sa minsan hindi naman talaga sila nahuhuli. Tapos pag nahuli pa sila, paano pag nabenta na nila mga ninakaw nila? Pagbabayarin mo sila? Eh on the first place naman kaya sila nagnakaw dahil wala nga silang pera. Sabi naman ng kaklase ko, kaya dumadami na daw magnanakaw ngayon kase malapit na Pasko. 

Ayuko man sisihin ang mga dapat nagtatanggol sa atin kapag mga situation na katulad nito, hindi ko mapigilan sarili ko, kase wala naman talaga nangyayari. Ang bagal bagal magrespond ng mga tagapagligtas natin, o meron nga ba talagang magliligtas? Katulad dati nung bata pa ko, nanakawan kame pero walang baranggay na  masasaklolohan!!! Tapos may kaibigan pa ko na sa tabi siya ng baranggay tumayo at naghintay sa hinihintay niya kase feeling niya safe (hating gabi na kase), ayun tinutukan siya, tumakbo! Pero nung sumaklolo siya, wala naman ginawa yung baranggay para tulungan sya, bagong gising pa, wag ka!

Minsan nakakabadtrip, ikaw pa yung magpapasalamat na buti na lang di ka sinaksak, tinaga, binutas ulo ng baril, sinaksak ng ice pick o nilaslasan ng leeg. Ikaw pa talaga ang mag-thathank you sa kanila! Di ba? Thank you ha?

Nasan ba sila pag kailangan? Yung mga kailangan katulong natin sa ganitong situation? Tulog? Busy? Tinatamad? Kapag may nireklamo sa kanila? Hinahanap ba nila yung dapat hanapin? Kinukulong ba nila yung dapat ikulong? May justice ba? Lalo na sa mga hindi makapagsalita na mga nananakawan?

Kahit minsan lang oh, kailan ko ba madadama na safe tong bansa natin mula sa magnanakaw at mga mamatay tao? Eh mismong mga nasa tuktok nga eh, mismong mga nasa gobyerno nga mga magnanakaw at mga mamatay tao. Di ba? Sabihin niyong mali ako.


**********

4 comments:

  1. Kakabad-trip nga yan. Naalala ko tuloy ang masaklap na karanasan ko dyan sa Maynila, Recto. Eh tatanga tanga pa ako nun, so yun pang tution ko ng prelim, first year, gone. oh diba. At gaya nyo wala ring masumbungan na otoridad, kasi alam mong wala naman silang magagawa. Kaya alam na anting ganun.doble ingat na lang. :)

    ReplyDelete
  2. Grabe! scary naman yan. ganyan talaga sa manila kaya bawal magiwan iwan ng gamit. Buti never ko pa naranasan yan.

    ReplyDelete
  3. never ko pang naranasan yan but one of my friends do. muntik na siya nasaksak tsk buong bag din nya ang nakuha dapat talaga kasi gawin na ng tama ng mga pulis ang trabaho nila haaaay

    ReplyDelete
  4. @Mayen Hayy oo nga.. tingin walang isang tao dito sa Manila ang di pa nanankawan..

    @Donna Hay naku.. nito lang may klasmeyt na naman akong nanakawan.


    @Superjaid Naku wag mo na hilingin na ma-experience..nakakatrauma lang

    ReplyDelete

Anong meron?