Maturity and reincarnation
Nakailang Reincarnation na kaya ako? Naisip ko, siguro kaya minsan may mga taong madali na lang nagiging mature, madali na lang mahawaan ng wisdom, siguro kase nakailang buhay na sila sa Earth, 100 beses na siguro sila na-reincarnate. (Huy, take note lang na walang basehan itong mga pinagsasabi ko, naiisip ko lang.)
Siguro kaya nga may mga tao na hindi pa ganun ka-mature mag-isip kase nakakailang tapak pa lang sila sa mundo, malay ko ba kung baka sa next life pa nila matutunan yung dapat nila matutunan.
Bakit nga ba may nagiging tomboy? Bakit may nagiging bakla? Bakit may mga constipated? Bakit emotional yung isa? Bakit strong ang personality nung iba? Yung mga ganung tanong? Di ba? Sigurado naman na lahat ng sagot jan eh may konek sa nangyari sa nakaraan.
Bawat isa sa tin, may pinagdaanan kaya tayo naging kung sino tayo ngayon, di ba? Magkaka-uri tayo pero alam nating tayo ay magkakaiba. United in difference! Kaya nga ang hirap minsan sa tao, minsan pinagpipilitang baguhin ang ugali ng ibang tao, eh obvious namang hindi pwede. Kase di ba natututo tayo on our own? Madalas natututo tayo base on experience. Yung bumbilya sa tuktok ng utak na tin tsaka pa lang umiilaw pag mismong tayo na ang nakaranas. Yung tipong hangga't di pa nadadapa, hindi babangon.
Ako, san ba ko natuto. Parang hanggang ngayon naman kase, madami pa ko dapat malaman. Siguro totally magiging mature lang ako pag naging MONGHA na ko. LOL. Hehehe. Sa mga palabas kase at movies, sila yung full of wisdom di ba? Hahahaha.
Parang ang napapansin ko lang sa sarili ko, matututo ako, sabay may instance na naman na parang nakalimutan ko na naman yung natutunan ko dahil at some point nature ko ang maging SELFISH.
Pero di ba kung iisipin mong totoo yung iniisip ko na maturity is in direct proportional with reincarnation, aba, siguro kailangan sa isang reincarnation subukan na natin matuto, siguro sa isang lifetime subukan na nating sulitin. Wag tayo tumigil hangga't di tayo natututo, wag tayo pumayag na mamatay tayong walang imbak na values, walang imbak na magagandang memories, walang imbak na experience at adventure.
Kung sakaling di ka muna mamatay, sayang naman at wala kang magagandang memories na sasariwain di ba? Sayang naman kung magiging anger management ka dahil hindi naging maganda ang takbo ng buhay mo.
At kung sakaling maaga ka naman ma-deads, mas maganda na maalala ka ng tao sa magandang kulay, di ba? Ang lungkot naman kung ang palatandaan nila sa pagkatao mo eh dahil bungangera ka. Lol. Sana wag mangyari sa kin. Hahahaha :)
Good deeds, never stop to do good deeds. Perseverance to maturity. :) Have a merry monday!
**********
Ang galing nung idea ng reincarnation at maturity. :)
ReplyDeleteSa tingin ko, hindi ka naman nag iisa. Alam mo, napakadaming taong alam naman nilang mali na sila, sinasabi na ng buong mundo, minsan pinagsisigawan pa, kung ano yung mga bagay na dapat mong malaman. Pero sabi nga nila, experience is the best teacher. Kaya wag kang mag alala na hindi ka natututo dahil sa ganito o ganyan. Okay lang yan. Kasama yan sa paglaki.
At sa tingin ko, kung may mga bagay man akong dapat matutunan, ayokong matutunan yun sa next life ko pa. Sayang naman yung oras na nabuhay ako ngayon. Hihi. :D
Have an awesome day ahead! <3
@Umi Thanks for the comment! :)
ReplyDelete