Pages

Saturday, November 5, 2011

Camera

Namimiss ko na digi cam ko. Madali naman bumili ng bagong digi cam, kaso gusto ko bumili ng SLR na.. hindi naman para magpakabongga, pero ewan ko, mas feel ko. Siguro pag nangyari yun, lalo ako mamomoblema san ko ilalagay lahat ng mga pictures na nasa memory ng laptop ko.

Hindi ko alam, may lahi ba akong oc-oc? Obsessive-compulsive. Nasa pinaka-lowest stage pa lang siguro. Kase gusto ko kada nag-aayos ako ng mga kung anu-ano, simula sa pinaka umpisa, simula sa pinakamaliit, yung ayos na ayos... yung basta.

Pero hindi naman siguro kase hindi naman ako ganun ka-organize minsan eh. Ayun. Hay. Gusto ko na talaga ng camera, sige na please.. pero wala naman... isang libo pa lang nasa bank account ko at wag niyo sana ako hoholdapin please! Kahit malapit na pasko, pare-pareho lang tayong magtatagu-taguan sa mga inaanak natin.

Ayun. Di makatulog ulit, sabay mamaya antok na antok. Uuwi pa akong laguna later alligator! :) Minsan lang naman. So sige na.. yayakapin ko na ang unan ko ng mahigpit at magsleep na me.. GOODMORNING!




**********

No comments:

Post a Comment

Anong meron?