Pages

Saturday, March 2, 2013

Nakakatawa na nakakalungkot.

Dahil ultimate jobless ako ngayon, at bukod sa mga layas at lakad na pinupuntahan ko, ang madalas kong ginagawa ngayon sa harap ng computer pag wala akong masulat ay ang mag-import. Yup. Mag-import ng mga old post mula sa mga lumang blog papunta dito sa blog na binabasa mo ngayon.

Nung nag-sara ang friendster, naghakot talaga ako dun, kahit na ang jologs ng mga post ko sa blog ko dun, hinakot ko pa din. Security purposes. Tapos, pati pala mga testi sa kin ng mga kaibigan ko doon (at kaibigan ko noon) hinakot ko din. Kailan ko lang nahalungkat. AT nilagay ko din siya dito sa blog, sa post na: Friendster Testimonial Compilation. Oo, jologs pa din pakinggan.

Habang binabasa ko, tumatakbo sa isip ko yung mga tanong na, bakit nila nasabi ang mga nasabi nila tungkol sa akin nung mga panahon na yun? Bakit ganun yung testimonial nila. Para kaseng sobrang close ko naman sa mga taong yun na napipilitang mag-iwan ng testi sa kin dahil binigyan ko din sila o dahil nanghihingi ako sa kanila.

Napapatanong lang ako kase hindi ko na sila close ngayon. Karamihan sa kanila totoong di ko na close ngayon. Minsan may mga nakakausap pa ko, pero madalas ang awkward makipag-usap na. Walang masabi. Walang makwento. Tapos kahit natanong ko na dati sa kanila kung san sila nag-aaral, o kung anong course nila or ano na pinagkakaabalahan nila ngayon, eh tatanungin ko na naman sila ulit, kase hindi ko na naaalala, at makakalimutin ako.

Nakakatawa pero nakakalungkot din isipin na once kang naging close sa mga tao na toh at time goes by at ayun, hindi na kayo nakakapag-usap or di na kayo nakaka-catch up sa isa't isa at syempre distant friends na kayo forever (yata).

People come and go na nga yata, nakakasentimental, pero kailangan mangyari, kailangan mag-move on. Naging parte sila ng buhay mo at ikaw din sa kanila, at minsan, yun na yun.
**********

5 comments:

  1. Bgla akong nalungkot kapatid.. =( hayyy

    ReplyDelete
  2. people come and go.. tama 'yun.. tsaka "everything is changing" din.. dagdag mo na rin 'yung "evolution".. hehehe

    ReplyDelete
  3. naalala ko tuloy ang fs ko. tama ka.. wala na yata akong fs friend na nakakausap ko pa ngayon.

    may naalala tuloy ako...

    ganyan talaga... may nawawala.. minsan di habang buhay close kayo ng isang tao.

    ReplyDelete
  4. People change. And friends leave. But life doesn't stop for anybody.

    ReplyDelete
  5. hehehe nakaka miss din tuloy yung mga testi saken sa FS ^_^

    kahit nga yung iba hindi ko naman personally kilala. People Come and Go nga talaga..
    minsan kailangan nalang natin tanggapin yung ganun part ng life : )

    (parang ako napadaan lang dio hahahahaha!)

    ReplyDelete

Anong meron?