Pages

Tuesday, March 19, 2013

Mga chikiting na hindi na chikiting ngayon.

Isa sa mga blessings ko talaga sa buhay ay ang mga kaibigan ko. Madami jan na since the world begun, eh mga klasmeyt nila sa highschool or college ang talagang mga unang bestfriends nila. Maswerte ako na pinalaki ako ng magulang ko sa isang compound. Dun ako lumaki kasama ang mga kababata ko na kalaro ko sa patintero, bahay-bahayan, langit-lupa, ten-twenty at marami pang iba. Thankful din ako kase at least hanggang ngayon kahit papaano may chance pa rin na makasama ko sila.


Si Abi. Isa sa mga madalas ko nakkwento dito sa blog. Super same size kame (dati na lang yata kase payat na siya ngayon) pero super iba naman ng ugali. Mas matanda ako sa kanya pero mas mature siya sa kin mag-isip. Lagi ko nga nakkwento, nung bata pa kame, pag siya tinatawag na ng nanay niya para mag-saing, sasabihin niyan sa kin, "Uyy kamil, uwi na ko, magsasaing pa ko eh". Pero ako, pag tinawag ako ng nanay ko para magsaing, sisigaw ako sa nanay ko ng, "ehh!! mamaya na!!".

Nung mag-ha-highschool na si Abi, iniyakan ko siya dahil sa Manila na siya mag-aaral. Pero ngayon, pareho na kameng nasa Manila, at bunong braso kame kung kontakin naman ng mga kaibigan namin na nasa Laguna pa rin nakatira.


Si Rhea at si Dianne. Buti nga di naaasar tong dalawa na toh eh, kase minsan hindi pa kame nagrereply ni Abi, pero nagtetext pa rin naman sila. Tapos yun, set na pauwi ng San Pedro. Kahit medjo malungkot talaga minsan umuwi dun kase nga wala na naman kameng bahay dun.


Nito lang, umuwi si Ella at si Divine na 6 years din naming di nakasama dahil nag-migrate na sila abroad. Nagbabakasyon lang sila ngayon dito sa Pinas, and I'm really happy na at least nakasama namin sila. Ganun pa rin naman sila. Madaldal si Divine, tahimik si Ella.



At dahil nandito sila, nagkaroon tuloy ng biglaang lakad. Tinawagan na din si Naan and Sam. Ang kulit ni Sam! Jusko! Nagulat din ako kase ako din nagsabi kay Abi na magswimming kame pagdating sa Laguna. Nangyari, siya yung ang laki ng bag dahil ang daming dala at ako naman sobrang purse lang dala kong bag. As in ang laman lang ay wallet, cellphone, at moisturizer dahil sa sunburn bunga ng dalawang nakaraan na outing. Lol. Pinahiram na lang nila ko ng damit and everything.


Dito namin na pagtanto na ang tanda na namin. Syet. Dalaga na ang mga dating chikiting. May asawa na, may anak na, or may boyfriend na. Si Kervin, si Kier (inaanak namin) at si Topher. Masaya at nakakabitin. Nakakabitin. Oo, nakakabitin. Sayang wala din si Hannah (kapatid ni Abi) na isa pang gustong sumama. Sana maulit pa ulit. Malungkot ng konti dahil ilang weeks lang naman sila Divine and Ella dito, tapos ako naman aalis na din sa May. Hmmmm.. Kailan kaya mauulit toh? (:


Anyway, ito ang picture namin noong sinaunang panahon (top) at comparison sa picture namin recently (below). Oh di ba? Hanapin niyo ko kung nasaan ako!! (:

**at kung nagtatanong kayo kung kamusta na yung sunburn ko dahil pangatlong swimming ko na toh ngayong month, eh hindi ko na siya madescribe. Kamusta pa yung ilong ko na pango di ba? Parang.. ay ewan! Hahahahaha! (:

Ito lang naman ang ikkwento ko ngayon. So, bye!!

**********

5 comments:

  1. buti kayo ng bespren mo eh solb lang.. yung ka-tsoks ko kasi eh nasa malayo kaya malabo na ulit harutan..

    kaya ngayon si kuya dodong na lang.. hehehe

    ReplyDelete
  2. ito ang magandang dalhin sa pagtanda, yung mga kaibigan mo mula nung bata.. sila ang makakilala sayo ng husto..

    ReplyDelete
  3. nice... parang katulad din mga kababata ko...

    ReplyDelete
  4. yung mga kababata ko pag nagkikita-kita kami nag tatanguan lang haha! yung mga malalapit saken na tropa talaga ayun! lahat nasa ibang bansa na.. buti pa kayo hehe..

    thumbs up! cheers!

    ReplyDelete
  5. You are blessed with wonderful friends...we need to take care of them always....ang saya lang ng post...;)


    xx!

    ReplyDelete

Anong meron?