Sige na kumilos ka na.
Hindi nga. Hindi ko kaya. Kailangan ko magsimula sa umpisa.
Puro ka umpisa! Hindi mo naman natatapos.
Hindi ko maintindihan, pero kailangan. Kailangan ko magsimula. Yung mula sa malinis.
Wala kang pupuntahan. Pabalik-balik ka lang!
Pero ganun ako. Anong magagawa mo? Anong magagawa ko?
Pilitin mo sarili mo! Alam mong sawang sawa ka na! Alam mong may gusto ka nang puntahan! Hindi mo magagawa lahat ng gusto mo unless pilitin mo!
Gagawin ko kung anong gusto kong gawin. Gagawin ko ang lahat sa oras ko! Hindi sa oras nino man!
At ano? Tingin mo may kapupuntahan ka sa ganyan?
Tingin ko meron. Tingin ko kailangan ko muna mag-shut down, mag-restart!
Ginawa mo na yan! Makailang beses na!! At anong nangyari?
May nangyari naman! May naabot naman ako ah! May nalagpasan naman ako ah? Ang problema yung ibang tao!! Sila! Wala silang bilib sa akin!! Kaya pati ako wala ng bilib sa sarili ko!!
Puro ka ikaw eh! Ikaw! Pakiramdam mo lagi ka kawawa! Pakiramdam mo lagi kang inaapi!
Hindi ganyan ang pakiramdam ko! Hindi ako ganyan mag-isip! Alam kong epal ako pero wala akong paki! At hindi ako namamalimos ng awa mula kahit kanino! Ang pakiramdam ko kailangan ko ng oras para sa sarili ko! Sa malayong lugar!
At mag-eemo ka sa lugar na yun?
Pucha! Ano bang problema mo? Ginawa ko! Ginawa ko yung mga bagay na di ko gusto! Hindi para sa kin! Tinapos ko, okay? Kahit na laging from scratch natapos ko pa rin! At ano pa bang gusto mo? May gusto pa akong gawin! At hindi ko magawa! Kase nakakulong ako sa kung anong gusto ng ibang tao! Hindi ako makaalis dahil ako na naman ang kontrabida pag ginawa ko yun! At ngayon! Pinipili ko na naman gawin ang gusto ng ibang tao! Kase kailangan! Kase kailangan! Kase kailangan! Ang dami ng nagkamali kaya pakiramdam ko hindi na ako pwede magkamali, at ang hirap! Ang hirap ng hindi pwede magkamali! Kaya pagbigyan mo na ko.. mag-uumpisa ako.

hahahha... okay lang yang ganyang away basta wag lang mahantong sa sakitang pisikal! ok?
ReplyDeletei can feel the anger kahit binabasa ko lang siya XD
ReplyDeletefrom Myxilog with love <3
yup kinakausap mo sarili mo dito.. hehehe
ReplyDelete