Pages

Sunday, March 31, 2013

The Croods, Rock Band, at Tutuban!

Hi! Napansin ko na puro update at chismis ako sa mga pangyayari sa buhay ko lately kaya napa-article muna ako nitong mga nakaraan.

At ngayon, itutuloy ko na ang mga pinag-gagawa ko bago ako tuluyang umalis ng bansa.

Last March 23, 2013 ay tumanda na naman ang relationship naming dalawa ni Mayk ng isang buwan. Yup! Nag-momonthsary pa rin kame, sorry naman. Masaya ako kase siya nagplano. Madalas kase ako lagi taga plano, so kahit naging simple lang ang celebration naming dalawa, naging masaya ako at naapreciate ko talaga dahil siya ang nakaisip nito.


Nanuod kame ng sine, The Croods. Akala ko talaga pagsisisihan namin na manuod kase ang konti lang ng bumibili ng ticket. Pero nanampalataya ako sa Dream Works. At isa pa, mahilig ako sa mga ganitong mga kiddie at mga pang-pamilya na palabas.

Sa sobrang enjoy ko, may eksena sa movie na ako lang mag-isa tumawa ng malakas. Ewan ko, pero madalas nangyayari yun sa sinehan na nag-eecho yung tawa ko kase ako lang ang tumatawa. May nang-wawaw-mali yata sa kin.

Maganda ang kwento, tsaka feeling ko destiny na mapanuod ko siya. Summary kase niya, yung si tatay sa kwento gusto niya lagi safe, maraming bawal, eh si daughter naman gusto niya ma-experience ang life, so parang pasaway siya ng konti. Maraming mga funny moment, at may mga nakakaiyak din. Enjoy, at maganda kase 3D pa siya.


After ng panunuod namin ng sine eh dumerecho kame sa Mendiola para maglaro ng rock band. Frustration ko talaga ang laro na toh simula nung nakapaglaro ako sa bahay nung pinsan ko nito. Tsaka in real life, frustration ko din talaga ang makapaglaro ng totoong gitara at drums. Nakasama namin ni Mayk sa paglalaro yung mga ka-work niya.

After namin maglaro ng dalawang oras, dumerecho na kame sa bahay ng co-worker ni Mayk para magcelebrate ng graduation ni Faye at birthday ni Erick na parehong ka-work ni Mayk. Gusto ko nakikibonding sa mga kaibigan ni Mayk, kaya nga masaya ako eh na ka-close ko yung mga classmate niya nung college. Ngayon naman mga ka-work niya. Kahit hindi ako makasabay sa mga usapan nila minsan, kase puro tungkol nga sa work pinag-uusapan nila madalas, pinipilit ko pa din. Hehehe. Trying hard. Masaya ako eh, mas nakikilala ko si Mayk. Ang medyo kill joy lang nung gabi na toh eh yung ubo ni Mayk na hindi na matapos-tapos. Buti nga ngayon medyo okay okay na siya. Nakakapag-alala na din yung ilang weeks niyang ubo eh.

Kinabukasan, nag-aya naman si Mayk na magpuntang divisoria. Ang pinagkakaabalahan kase ngayon niya ay ang vape niya. Yup, yung parang e-cigarette. Naaadik siya mag rebuild at mag-upgrade nito. Alam mo yung lalake na adik mag-upgrade ng kotse? Parang ganun. Hindi ko alam kung dahil ba sa vape kaya siya nagka-ubo. Pinagpipilitan naman niya na ang dahilan eh dahil lagi siya natutuyuan ng pawis sa work. Dun kame sa divisoria nagpupunta kase may suking tindahan na siya dun sa Tutuban.


At sa Tutuban, pwede ka dumaan sa Virtual Zoo doon sa 3rd floor yata or 4th. Libre lang toh. Matagal na kame napadaan dito ni Mayk, pero dalawa lang kame noon, kaya hindi kame nagpicture picture, tiningnan lang namin yung mga painting. At ngayon, kasama yung mga kapatid niya, nagpicture picture na kame! Ang cute di ba? Maganda toh para sa mga bata. Pero kung masyado kang sosyal or sensitive, baka di ka naman magpunta dito. Lalo na minsan maputik din sa divisoria, tapos lagi pa umuulan lately.


After namin magpaikot-ikot sa tutuban, kumaen kame sa Bentot, sa loob ng tutuban din. Kailan ko lang nalaman na artista ang may-ari nito. Hindi ko nga toh pinapansin dati eh. Parang tapsilogan ang Bentot pero ang kaibahan eh nakakaaliw kase sa paligid-ligid eh puro mga old school at vintage na gamit ang makikita. Makikita mo din dun ang mga lumang litrato ng mga sinaunag artista tulad nila Nora Aunor, Eddie Garcia at..Elvis Presley? Hehehehe. Masarap din ang pagkaen nila, lalo na ang Bagnet na may kasamang talong at bagoong.


So yan ang nangyari sa kin last week, at marami pang susunod na kwento tungkol naman ngayong semana santa! Sa muli!


**********

1 comment:

  1. maganda talaga daw yung movie na yan manunuod nga ako bukas nian

    ReplyDelete

Anong meron?