Matagal-tagal na din akong inaaya ng matalik kong kaibigan na maki-sabak. Lately lang natupad ang pangarap na yun kase wala na ko sa school, jobless na ko at sobrang dami ko ng time sa mundo. Di ko naman sinasabing yun ang mga requirements para makasama.
Dahil medjo matapang ang imagination ko, nung una akong inaya dito, napatanong ako sa sarili ko kung paano ipapasuot yung blog sa bata, omaygad, PANO? Di ako nakatulog. Chos lang.
May idea naman ako, pero hindi kase ako ganung likas na ma-chismosa, kaya wala din talaga akong alam kung ano yung mga specific na activity nila. Kahit nung araw na papunta na ako, nakasakay na ko sa FX mula EspaƱa pa-SM Fairview, hindi ko pa rin alam kung anong preparation ang gagawin ko. Pero sabi nila dalhin ko lang daw sarili ko eh, kaya ginawa ko naman yun.
Mabilis naman akong nabilib sa grupo na nakasama ko lalo na nung nakita ko yung burger (talagang pagkaen talaga ang priority eh noh?). Tsaka syempre nung nakita ko yung t-shirt. Di ba? Ganun kase pala ipapasuot ang blog mo, ilalagay ang logo mo sa t-shirt. Di ba nice? Syempre natuwa ako agad agad, dahil yung logo ng blog ko, nasa t-shirt!
Maganda ang goal ng grupo na madamitan at mapasaya ang mga bata. Konting laro, konting kwentuhan at kainan. Di ba? Masaya makakita ng batang masaya? At ang pinakamasarap eh nung suot na nung mga bata yung dala naming mga damit. Achievement! Thank you talaga sa opportunity na makasama dito.
Bukod din pala sa nakatulong, eh isa pang masaya dito eh ang bonding kasama ang mga bloggero. Yung mga imagination ko lang dati dahil sa screen ng monitor ko lang nakikita ang mukha eh na-meet ko na in person. Kulang na lang magpa-autograph!
Alam ko naman, for sure, mauulit pa toh. Madaming bata pa ang madadamitan. Nalulungkot lang ako kase baka di ko na abutan ang susunod na sabak. Nalulungkot din ako na ngayon lang ako nakasama, dahil pang-anim na sabak na nila toh. Kaya nga hinihiling ko na sana magkaroon ulit ng sabak sa madaling panahon, pero syempre, kalma kalma lang daw naman. Hayyy.. Maiinggit lang ako sa next time na yun! Pero masaya pa din nakasama ako sa sabak na toh. Saludo ako sa BMIM sa pagsisimula nila ng maliit at for sure lalawak pa toh.
Sa susunod na sabak mga kapatid sama na tayo!! (:
Para sa iba pang impormation tungkol sa grupo na ito at ang layunin nito, punta lang kayo dito: Blog Mo Ipasuot mo.


This comment has been removed by the author.
ReplyDeletesalamat din.. saan ka man mapadpad at hindi mo na maabutan yung susunod, sigurado naman ako na maaabutan mo pa yung iba pa.. kalma-kalma nga lang talaga..
ReplyDeletecongrats at sana magpatuloy ang ganitong gawain.. ang sarap sa pakiramdam ang makatulong ;)
ReplyDeletenasabi mo ng lahat at ano pa ang iboblog ko?? hahaha..chos! pahiram nalang ng mga picx ha??salamat kapatid!
ReplyDeletecontinue helping. God Bless.
ReplyDelete*high five nalang!
ReplyDelete( diko na alam sasabihin ko ... naubos na sa blog nila hahaha! )