Pages

Thursday, March 28, 2013

Momentum.

Nakuha ko sa fortune cookie sa isang chinese fast food

There is that one moment when I felt that everything is possible. May malapad akong ngiti at nanlalaking mga mata, umaasang may maganda akong bukas, na lahat kaya kong harapin, kaya kong lagpasan at lahat kaya kong abutin. (Kung maka-english sa unang sentence ng post eh noh? Puro tagalog na pala kasunod. Lol.)

Sana ganun na lang most days, sana ganun na lang lagi yung feeling. Madaming inspirasyon ang humihila sa akin sa iba't ibang direksyon. Madali kase ako ma-impluwensyahan, kaya ganun. Pakiramdam ko kung kinaya nila, kakayanin ko din. Mukha silang masaya sa ginagawa nila, edi subukan ko din!

Elementary. Naalala ko 9th honor ako sa Grade 6. Feeling ko talaga hindi ko deserve yun, although alam ko na paminsan minsan akong napupunta sa honor roll nung taon na yun! Nagkaroon kase ng kompil bago natapos yung taon. At hindi ko feel na para sa akin yun 9th honor na yun dahil feeling ko natanggap ko lang yun dahil naging ninang ko sa kompil yung adviser ko. Hindi na rin ako nagpasa ng science project sa kanya dahil sa nangyari. Yung project kung saan dapat mapailaw mo yung maliit na bumbilya gamit yung malaking battery at copper cable, at electric tape. Paligoy-ligoy na ang kwento.

So yun na nga.. ayuko talaga siya maging ninang sa kompil. Hindi ko sinasadya na siya ang maging ninang ko. Hindi ko alam bakit hindi ko pinalitan yung pangalan niya dun sa papel na ipapasa para sa kompil. Bobo lang. Yung kuya ko kase, baliw! Sabay kase kameng kokompilan. Nilagay niya sa papel niya yung adviser niya at ginaya niya naman sa akin, eh iba ang gusto ko ilagay. Ang gusto ko ilagay ay yung paborito kong teacher sa mundo na hindi na nagtuturo sa school namin nung time na yun, na isa sa matinding inspirasyon ko sa buhay, at teacher ko na hanggang ngayon hindi pa rin ako inaapprove sa facebook. [Naaprove na niya ko, nga pala!]

Tapos di na naulit yun mga honor honor na yan nung nag-highschool ako. Isang beses lang, nung first quarter ng first year. At pagkatapos nun, waley na! Sinisi ko sa magulang ko kung bakit nagkaganun. Nung time kase na sinasabitan ako nung Grade 6 ako, graduation, sabi ng nanay ko dapat daw 1st honor ako hindi 9th! Kulang pa inay? Naswertehan na nga lang ako ng biyaya dahil naging ninang ko yung teacher! At dahil emo ako those days, nalungkot ako, nagdamdam kunya-kunyarian, at tinamad. Pero, gumraduate pa din ako ng highschool, so AMEN!

Ngayon, lam ko naman na dapat ko ding sisihin ang sarili ko. Hindi naman talaga ako nag-aral na ng mabuti simula nun. Busy ako. Lagi akong tulog pagkauwi ko sa bahay. Hindi pwedeng habangbuhay ko isisi sa ibang tao yung mga pagkukulang ko din naman sa sarili ko, at ipilit na yun ang dahilan kaya di ko naabot ang pangarap ko. Maling mali.

Kaya hindi ko na rin pwede isisi sa magulang ko na pinilit nila akong mag-nursing kaya nandito ako sa posisyon na toh. Totoo lang nag-enjoy na rin naman ako sa naging propesyon ko. Napakinabangan ko na ang pagiging RN ko dahil naipagyabang ko na ito sa ibang tao. Masaya ako na isa akong professional na maituturing. Hinding-hindi ko naman tatakbuhan ang career na toh! Totoo lang, kahit natatakot ako kase hindi talaga ako confident sa pagiging nurse, susubukan ko pa rin. Pero, ngayon, sa kabila ng pag-pupursige ko sa career na toh, hindi ko na kakalimutan na may sariling pangarap pa din ako.


Aminin ko sa inyo, nalulungkot ako. Hindi pa rin kase ako masuportahan ng magulang ko tungkol sa pangarap na toh. Pero alam niyo? Hindi ko na isusuko ang Bataan! By this time around, ayuko na magsisi tulad ng pagsisisi ko noon. Ayuko na ma-feel yung ganung same feeling after 1 or 2 years na parang na-control na naman ako ng ibang tao tapos, ano? By the end eh isisisi ko na naman sa kanila ang nasirang resulta ng buhay ko? Ayaw! Gusto ko naman pagbigyan ang sarili ko na abutin ang pangarap ko. So kung ano man ang mangyari, alam ko sa sarili ko na ginawa ko yun dahil gusto ko at alam ko na wala na akong ibang dapat pang sisihin pag nagkamali ako kundi ang sarili ko.


Ang sarap mangarap. Napapangiti ako kada sinusubukan kong mangarap. Mahilig ako mangarap. Minsan di ako makatulog kakaisip ng mga pangarap na yun. Kaya nga nagkaroon ako noon ng blog na ang pangalan ay BASKET OF DREAMS. Pero dinelete ko yun. Naisip ko din kase nung time na yun, na hindi pwedeng habang buhay nangangarap ka lang. Galaw-galaw din.

**********

1 comment:

  1. depende rin kasi sa pangarap minsan eh.. nakakahumaling ang mangarap kaso nakaka-disappoint kapag kahit sa hinagap, kasing-labo rin ng alkitran na maabot yung ilang mga pangarap na yun.. pero tama rin naman, galaw lang, malay natin, bilog ang mundo eh.. hehehe

    ReplyDelete

Anong meron?