Pages

Thursday, March 7, 2013

Konsepto ng Rebelyon

Half side shaved.

6th.

Hindi ako nagrerebelyon. Pero may mga nag-memessage sa kin after ko magpa-shave ng kalahati ng buhok ko sa ulo ko to confirm. Masyadong mahaba ang buhok ko, hindi pa ko handa magpagupit, yun lang yun. Tsaka masyadong kampante na ko sa sabog kong buhok, kaya ayuko din pagupit. Tsaka gusto ko kase mag-headbang sana sa birthday ni MJ, pero di ko nagawa kase di naman kame nagkita nung birthday niya, at hindi rin naman niya ko naimbitahan at hindi ko nga alam kung nabati ko ba siya nun eh.


Tapos, may nag-message pa sa kin kung okay lang daw ba ko? Kung may problema daw ba ko? Feeling ko tuloy suicidal ako, at kinakalma ako ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko sigurado. Hindi ko naman naiisip yun. Pero medyo interesado ako sa concepto ng pagrerebelyon, pero hindi ako morbid. Tsaka wala akong dahilan para mag-strike eh. Meron ba?

So poser ako ganun? Poser ako? Pa-cool? You don't do that to me? Lol. Mga nalalaman ko sa internet eh noh? Hmm.. Buti hindi pa natutuloy yung balak ko sa buhok ko na magpakulay ng pulang-pula? or ng blueng blue? or green na green? Hmmmm..

Pero feeling ko ang jologs jologs ko pa din at ang baduy baduy ko at ang jejemon ko most of the time. At feeling ko talaga tattoo na lang kulang.. kaso ang tagal kase sabi ko magpapapayat muna ako kase feeling ko.. basta may feeling ako na hindi masaya magpatattoo pag mataba. Feeling ko masakit sa mata. Kaya feeling ko hindi na ako magpapatattoo kase minsan feeling ko din walang naniniwala na papayat pa ko. Kahit ako hindi naniniwala. Pero madalas naman wala naman akong paki. Kase kumakaen pa rin ako ng madami at kahit nga allergic ako dun sa pagkaen kinakaen ko pa din. At aware naman ako na kung anu-ano na sinasabi ko. Sore.


Napaparanoid tuloy ako. Siguro may something behind sa mga pinag-gagawa ko na hindi ko alam. Or ipagsisiksikan ko ba talaga na for the sake of art ito? Feeling ko talaga nagtatapang-tapangan na ako. may dinaramdam ba ako? Hindi ko alam. Hindi ko alam. Sore na MJ, hindi ako nakapagheadbang sa birthday mo. Gusto ko sana. Kahit hindi na lang sa birthday mo. Basta magheadbang tayo. Please.

**********

11 comments:

  1. madalas kang napa-paranoid lately... let's have ma-boteng usapan... hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. naghahanap lang talaga ko ng mag-aaya.. kaso mahina ako sa ma-boteng usapan.

      Delete
    2. mahina daw.. nung last natin sa haibols, ako lang yata yung sengwa.. hehehe

      Delete
    3. hahaha.. sengwa ka nga sir jess.. pero may mas sengwa naman sayo.. yung naka-blue..

      Delete
  2. solb lang 'yan.. basta kung ano trip mo, go lang.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. heheh lakas trip ka din sir jess kase..

      Delete
    2. eh kaya nga hehehe.. minsan lang kasi mabuhay: kung gusto kumain, lamon.. pa-tattoo, kung kaya punuin ang buong katawan, hanggat gusto, sige.. kung party-partey, magwala.. at kung anu-ano pang mga trip.. pag deads na, wala na yung mga bagay na ganun.. hehehe

      Delete
  3. hindi lang sanay ang mga nakapaligid sayo na makita ka ng may ganyang hair style. masyado ka sigurong good girl. ang malupit n na tanong na nabuntis sa kanilang isipan: Good Girl gone Bad?

    ReplyDelete
    Replies
    1. shet nabuntis.. kaso di ako good girl..di yata,

      Delete
  4. baka naninibago lang yung mga friends mo. pero cool din minsa kung maiba ;-)

    ReplyDelete

Anong meron?