Bago ako magpatuloy sa aking kwento, nais ko munang batiin niyo ng maligayang bati ang aking nag-iisang ama sa mundo. Birthday niya nung March 14, pero dahil wala akong extra load, at hindi rin ako online nung March 14, at nasa Tagaytay ako, hindi ko siya nabati agad.
Mahal na mahal ko Dadi ko, kase malamang tatay ko siya. Patay na patay din sa kin yang tatay ko, dahil alam niyo na, nag-iisang babaeng anak. Lol. Kahit na maraming kalokohan yang si senyor eh mahal ko pa rin yan. Hindi ko nga lang maalala kung ilang taon na si senyor, titingnan ko na lang ulit sa birth certificate ko. So, pabati na lang! At least may masasabi na kayo sa comment kapag di kayo nakarelate sa mga susunod kong kwento.
Anyway, pangpalamig, ikkwento ko na sa inyo ang mga pasarap buhay na ginawa ko nitong weekends. Okay lang mag-skip read, inaamin kong napakahaba din ng post na ito. Alam kong alam niyo na wala akong work ngayon. Buong weekdays akong nakatambay sa bahay, walang ginagawa, 24/7 naka internet. At natataranta talaga ako kase kapag weekend, sabay sabay din ang aya ng gala kase nga syempre walang pasok, at madalas sobrang exhausted at di ko alam sino sasamahan ko. Ang saya ko dahil sa wakas magsswimming na ko, dahil super badtrip na talaga yung init!
Buti na lang, kahit umalis na ako sa work eh ang mabait kong coach ay sinama pa rin ako sa outing nila! Most improved team kase ang TEAM CHAD, kaya ayun nanalo
Grabe, super ganda sa Keni Po. Mga 1pm kame nag-lodge in, at 24 hours ang stay namin dito. Maliit lang ang pool sa Keni Po pero para sa kin okay na yun kase mas maganda ang bonding kapag maliit lang yung pool. Hindi kanya-kanya ng buhay. Super accomodating ng lugar. Two houses ang occupied namin, up and down pareho. Each houses may sariling banyo, ref, at dalawang tv (isa sa baba, isa sa taas). Super ganda din ng banyo, pwede ka na tumira dun. Joke lang. Maganda din ang ambiance ng lugar at ang sarap mag-pictorial. Hindi ko nga lang alam magkano nagastos namin kase nga libre nga ito ng company.
Sa sobrang enjoy ko with Team Chad, grabe halos di ako malasing lasing sa mga ininom namin nung gabi. Ang kukulit pa rin as ever ng team. Lol. I mean, ang sarap pa ulit-ulitin nito. Sayang at hindi na ako nagwowork at sayang aalis na din ako ng Pinas, baka hindi ko na sila ulit makasama ulit ng ganito.
At pagkauwi na pagkauwi ko mula sa aming Tagaytay trip eh dumerecho naman ako kasama ang family ni Mayk sa Pansol, Laguna. Kasama din namin ang mga ka-work ng Mama ni Mayk kaya ayos na ayos din ang lakad.
Medjo nadidissapoint na rin ako ng mga pool sa Pansol, kase yung iba parang ang luluma na, hindi na inaayos ng mga may-ari. Siguro dahil yung huling pinuntahan ko din ay sobrang over ganda, kaya di ako na-satissfied sa napuntahan namin sunod. Itong napuntahan namin wala pang ref, eh usually mga napupuntahan ko sa pansol may ref yung place, kasama na dun babayaran, pati yung gas nung stove kasama na din. Pero pwede na rin pag-tsagaan ang place kahit papaano at nag-enjoy naman kame at ang mga ka-work ng mama ni Mayk, kaya okay na din. Nag-enjoy din ang dalawang doggie dahil nakakatakbo sila kung saan saan dun sa resort. Tsaka parang naisip ko sana makabili din ako ng lupa na pwedeng gawing resort, magandang pag-puhunan yung mga ganito, or kapag may outing or party kasama ang family and friends, pwede mo ring gamitin.
Ayan, nag-iistart pa lang naman ang summer ko, at napakasaya ng weekend ko.. super blessed kahit super daming pagod din. Sana masaya din kayo lately!! (:





nakanaks!! overflowing sa happiness ang start ng summer!! yihiii....
ReplyDeleteako dito just the opposite naman. hindi pa summer dito kaya nandito pa rin ako sa lungga ko at nagmumukmok. rainy slash snowy slash malamig pa. pero ayos lang.
Happy Birthday Dadi. :D
yan ang summer...kelan ko din kea yan mararanasan...namiss ko na din ang pinas...hayyyss..tagal ko nmn yumaman para makauwi na din...ahahaha
ReplyDeleteikaw na ang may siksik na week... ikaw na ang masaya... hehehe
ReplyDeletehappy birthday sa daddy mo...kakatuwa naman at uber close ka na sa mga future in laws mo...
teka, magkano rate dyan, may ideya ka ba? halatang sulit na sulit pa rin naman ang pagiging tambay mo, adre.. hehehe
ReplyDelete