Ayuko din ng sobrang lamig. Minsan, ayuko ng nakatapat sa kin yung electric fan, lalo na kung hindi naman mainit. Malamigin akong tao, at ang ironic kase mataba naman ako, at for sure madami akong adipose tissue, dapat mas safe ako sa panglalamig. Pero hindi. Malamigin pa rin ako. Feeling ko nasa perception ko lang yun. Kaya ayuko ng ulan, kase malamig na panahon yun. Minsan ko lang gusto. Minsan lang.
At ngayon, pakshet, ang init! Ang init init init! Pucha. Parang nakakainit ng ulo! Parang nakakagago yung init. Nakaka-ulol. Parang gusto ko na lang tumambay sa shower, tapos maglagay ng electricfan dun, tapos maging maligaya.
Gigising ka sa tagaktak ng pawis mo, may combo pang kasama, basa din yung kama mo at tuyo na yung panis mong laway sa gilid ng bibig mo kase nag-evaporate na. Pwede ka yata gumawa ng dinaing na isda sa kwarto eh, pwede ka magpatuyo ng damit, ang init! Ang init init! Minsan nga temporary kong pinapaligo yung casino ethyl alcohol ko (na ngayon ay ubos na), kase malamig sa katawan.
Omaygad, sorry naman sa may mga aircon. Wala kameng aircon. Gusto ko ng aircon pero wala akong pera pambili nun at wala akong perang pambayad sa kuryente. Kaya wag na lang.
Pagkagising ko ngayong umaga, napasinghot ako sa init, usually mababadtrip ako, pero hindi ako nabadtrip. Bigla ko kaseng naalala yung bahay namin sa Laguna na 21 taon din naming tinirhan at ang bahay na yun na ngayon ay naremata na. Hindi ko talaga alam ang sole meaning ng naremata, pero yun ang ginagamit na salita ng magulang ko at ng mga kuya ko, kaya yun din ang ginagamit kong explanation sa mga tao. Instantly naman nilang naiintindihan ang nangyari sa bahay namin kapag ginagamit ko yung word na yun.
![]() |
| Oo, pinilit kong magpakababae sa kwarto ko bakit? |
So anyway, naaalala ko yung kwarto ko kase nga pag ganitong mag-susummer na, sobrang init dun! Naalala ko pa nga may nakasulat sa diary ko dati, ang nakalagay: "Ang init, at ang lagkit, at ang lagkit sa bilbil, para akong may ketchup sa bilbil." Hindi ko sure kung ganyan na ganyan yung pagkakasulat, basta alam ko may word na "lagkit, bilbil at ketchup". Basta, you get my point naman di ba?
![]() |
| Study table. Ang gulo! |
Namimiss ko yung kwarto ko kung saan pwede akong mag-tanga-tangahan all day long. Walang istorbo. Naaalala ko one time nag-aaerobics ako sa kwarto gamit ang video na nakita ko lang sa youtube. At kahit nasa kwarto ako, alam na alam sa bahay kapag nag-eexercise ako kase dumadagungdong yung bahay. Dabyana.
Ngayon, di ko na alam patutunguhan ng kwento na toh, alam ko namang walang kwenta masyado, pero parang normal naman sa kin, magkwento ng walang kwenta. Pero between ulan o init, yup, sa mainit pa din ako. Mas gusto ko ng pagpawisan, mabasa ang kili-kili, kaysa mabasa ng ulan.


Ayoko din ng naglalakad sa ulan pero Ok sa akin kapag nasa bahay ako at umuulan. Haha pareho tayo ng reklamo sa panahon ngayon sis grabe lang bawat paggising ko sa umaga tagaktak yung pawis ko. Diretso ligo ako bawat paggising ko. Sobrang lagkit sa pakiramdam kadiri.
ReplyDeleteweird pero kahit nasa bahay ako ayuko ng umuulan. hahahaha
DeleteMay kwenta naman... naka-relate ako sa init at tsaka sa naremata... hehehe
ReplyDeletehahahahahaha... thank you at nakarelate ka
Delete'eto na lang:
ReplyDeletehttp://pleasefuckthisupsoicandestroyyou.tumblr.com/post/29952359716/pag-tag-araw-mainit-maalinsangan-maalikabok
:)
hahahaha... di rin malaman kung ano ba talaga gusto eh noh? hahaha
Deleteayoko lang kapag naulan ay yung mga araw na may pasok. hahaha pero apg sa hauz lang Eff na eff ko ang manood ng movie , kumain .... nakakarelax lang. hehehe
ReplyDeleteparang masarap nga yun.. lalo na pag may katabi. hahaha
Deleteong init! hot na hot
ReplyDeletesuper di ba???
DeleteI bought my aircon from a friend kaya may discount and so far it's the best thing na nabili ko LOL ang init na kasi talaga. There are ways naman para ma-cut down ang electric bill so my advice it go for it para masarap na tulog mo...
ReplyDeletemagandang idea glentot.. oo matagal ko na din gusto bumili talaga.. hmmm.. pero anyway..aalis na din naman ako..
Delete