Pages

Tuesday, March 26, 2013

Lahat tayo may problema.

Pag-tumitingin ako sa facebook, or sa tweeter, or sa tumblr, at puro love-quotes nakikita ko, minsan naiisip ko, nagrerevolve na lang ba ang mundo sa mga love-quotes? AT dahil di ko pa talaga nararanasan ma-heartbroken, tapos nababasa ko mga post ng mga sobrang heartbroken, eh naiisip ko na grabe, nagrerevolve nga ang mundo sa pag-ibig!!

Nung nag-work ako sa isang kompanya, at hindi ko talaga naging trip ang trabaho, dun ko sinimulan ma-realize na araw-araw ang mga kasabay ko sa jeep, sa bus, sa train, maaaring ayaw din sa trabaho nila, pero anyway ginagawa pa rin nila dahil kailangan nila ng pera! Dun ko din naisip na may mas malaking problema pa kaysa sa pag-ibig. Problema sa pera, sa pagkaen, pang-renta, pangbayad ng bills, o pang bayad sa utang.

At minsan, di mo rin alam, yung ibang tao na kasabay mo sa araw araw na traffic, hindi lang pera ang problema, kundi may problema din sa pamilya. Malay mo nag-aaway-away na sila kase hindi na sila masaya. Malay mo malapit na maghiwalay yung mga magulang o di kaya nag-aadik na yung anak nila, yung mga ganun.

At dito, narealize ko, na lahat ng tao may problema. Maliit o malaki, meron. Walang taong nabubuhay ang walang problema. Meron mga tao sa facebook na kala mo perfect ang life, pero sa back stage niyan, for sure may pangit pa rin.

Kaya, make sure na magpasaya kahit isang tao lang araw-araw, magpainom ka ng Coke! Hahahaha. Seryoso ako, dun sa magpasaya ka. Or, ikaw sa sarili mo, make sure na may tatlong bagay kang ma-aaccomplish sa isang araw na mapapasaya mo ang sarili mo.

Lahat tayo may problema, pero di ibig sabihin nun wala tayong karapatan maging masaya. Ikaw, sino napasaya mo? Lol.

**********

12 comments:

  1. tama lahat nga tayo ay may kanya kanyang problema... at hindi lang dapat love ang iniisip... mas marami pang mabigat diyan.. tulad ng pera hehehe

    pero sana kahit may problema... pilitin pa ring maging happy o magpasaya ka.... ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. aanhin mo ang pag ibig kung wala na kaung makain yon lang yon eh

      Delete
  2. kanya-kanyang buhat ng bigat na pasanin... ganyan ang life....

    basta ako, misyon ko yata ang magpasaya ng mga tao... kahit i know na im broken inside... emo lang? hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. gamitin ang strength na yan para malift up ang mga weaknesses ng iba hihihihi why not diba, life is short so we must enjoy it parang pagkain lang yan teh diba hahaha

      Delete
  3. pag may problema, isipin mo na lang, hindi ikaw si kris aquino at heart evangelista na hardcore maka-emote sa t.v at sigurado, gagaan ang pakiramdam mo ahahah

    ReplyDelete
  4. Walang taong nabubuhay na walang problema.. kasi yan ang reason kung bakit tayo natututo.. walang thrill ang buhay boring ika nga pag wala nyan.. nasa atin na lang kung paano e handle yan.. ako pag me problema.. isa lang makapagpapasaya sa akin kahit isang minuto lang.. chocolate kahit isang kagad nakakagaan ng pakiramdam hehehehe... pag friend ko naman me problema usually binibigyan ko ng blade o kaya lubid ( joke lang ) syempre sinusobok kung magpatawa o kaya e share ko yung chocolate para makahinga ng konti, pag kasi magaan na pakiramdam mas maliwalas mag isip.

    ReplyDelete
    Replies
    1. agree ako sa blade at lubid na yan hahaha joke kung makagatong eh ano lol

      pero tama si ate oh, its the way for us to learn and have a little thrill sa life.

      na-alala ko nga noon lagi sinasabi ng nanay ko na ang swerte ko nga kasi wala akong pinoproblema sa buhay dahil provided kami kaysa yong iba na halos walang makain. hindi ko nakita yon actually kasi siguro bata pa ako at hindi ko pa syadong maintindihan. now that ive grown up, i realized na mas masarap ang may problema sa buhay kasi ito ang nagbibigay ng lakas sayo, ul never know how strong u will be until u will face your own fear, own mistakes and everything, mahirap pero once malagpasan mo, ang sarap ng pakiramdam at masasabi mong kaya mo pala at kapag may na-encounter kang tao na same situation na dinaanan mo, mas naiintindihan mo ang mga actions niya at lalo naman yong feelings niya. =) it takes one to know one ika nga diba? hehehe

      Delete
  5. nasa perception nalang ng isang tao kung paano niya titignan ang isang problema.. maaring mabigat sa iba, pero sa iba, light lang at happy pa din :)

    ReplyDelete
  6. and i love this post very much!! hahahaha natutuwa talaga ako kapag may naeencounter o nakakausap akong tao na sensitive sa paligid nila as in like in general like what u have stated in ur entry. kasi sa busy ng buhay ng mga tao hindi na nila naisip na may lungkot pala sa likod ng isang ngiti ng tao.

    since i enrolled myself to this new course which i think ito talaga ang path ko ang maging registered social worker. mas gugustohin ko rin na ang isang tao ay madapa, at masaktan para malaman nila ano ang pakiramdam na mabigo, mawalan at maswerte ka nga sis because sabi mo nga hindi kapa na heartbroken and yet nakikita mo ang mga ito. kasi alam mo kapag nasa taas kana, hindi natin nakikita ano ang nasa baba.

    its true that every person has its own problem, kasi kung wala yon how can a person grow and learn from his/her mistake. pero maniniwala ka bang may ibang tao din na hindi sila aware sa problema nila? hindi rin nila alam anong hirap ang meron sa buhay nila basta yon ang nakita nila noon ganon nalang din sila ngayon. of course i know alam mo yan, dumaan ka sa subject mo ng psychia ba yon at basic psych? hehehehe

    if i cant give anything to a person who is in dire of need of something, i prayed, i pray na sana whatever he needs for his family, god will provide it in other way. =)

    ReplyDelete
  7. lol the last line so commercial ng coke much.. but really it was nice... we were just talking about problems here too, tas ito nga nabasa ko to.. hahaha funny lang kasi may mga problems that starts with abang but ends in a colorful ending meron nnamang maliit pero di nasosolve... hahaha

    ReplyDelete
  8. pag iniisip kasi yung problema, parang mas lalong bumibigat.. kaya para-paraan na lang talaga.. hehehe

    ReplyDelete

Anong meron?