Pages

Tuesday, March 5, 2013

Selosa


Hindi ba natural sa mga babae ang may pagka-selosa?

Hindi ako maka-bilib masyado na sobrang masaya ako sa relationship ko ngayon. Parang maniniwala na nga yata ako na perpekto ang relationship namin eh, meron ba nun?

KASO paano nangyayari na naniniwala akong mahal ako ni Mayk, kung at the same time lagi rin akong nagseselos? Kapag ba nagseselos ka totoong wala kang tiwala? Sabi niya yun sa kin eh.

Lagi daw kase ako nagseselos kapag nakikita ko na nakikipagtext siya sa ibang babae, wala daw akong tiwala, hindi na nga daw niya alam gagawin niya, kaya denelete na lang niya yung text niya dun sa babae, para wala na lang daw pagdududa.

Totoo naman eh, wala naman talaga siyang intention na mangbabae kapag nakikipagtext siya sa ibang babae. Alam ko yun. Kaibigan lang. Di ba? Marami namang lalake na may kaibigang babae? Naniniwala akong hindi siya nangbababae, pero bakit ganun? Para pa rin akong nag-iimbestiga kada may nagtetext sa kanya, at ayaw niya ng feeling na ganun (wala naman siguro may gusto), lalo na wala naman siyang ginagawang masama.

Lalo tuloy ako nagiging paranoid. Pag walang ginagawa pinagdududahan? Gawin na lang kaya? Kase ganun din naman eh. Yung ganung thinking. NANINIWALA AKO SA KANYA! Naniniwala ako sa kanya! Alam kong di niya kayang gawin sa kin yun.

Sinasabi ko sa kanya na, ang hirap din naman kung may itatago siya sa kin dahil lang dun. Di ba? Seryoso? Solusyon ba yung i-delete yun? I mean may mga bagay ba na dapat hindi na lang talaga sinasabi sa partner mo for the sake na maging okay kayo? Solusyon ba yun?

Sabi ko nga sa simula ng post na ito, halos di ako makabilib sa ganda ng relationship namin. Proud ako. Masaya kase kameng dalawa. At totoo, naniniwala ako kay Mayk na hindi yan nambababae. Kahit sino sigurong kaibigan niya o kaibigan ko magiging witness dun. Pero di ko pa rin alam kung anong insecurity ko. Dahil ba yun sa nangyari dati? or Dahil ba yun sa kinalakihan ko?

Nagdabog na siya, papunta sa banyo. Kailangan na niya maligo kase may pasok pa siya, tapos nag-aaway pa rin kame. Pero wala pa ring solusyon sa nararamdaman ko.

Gusto ko umiyak kase hindi ko naman din sinasadya maramdaman yung nararamdaman ko. At ayukong umalis siya ng bahay ng magkaaway kame. At gusto ko lang siyang magpakatotoo sa relasyon namin. At gusto ko lang mawala tong nararamdaman ko.

Pagkatapos niya maligo, pagkatapos niya pakainin yung mga aso, pagkatapos niya magbihis, sabi niya sa kin,  "Aalis na ko.." Nasa harap ako ng computer, nag-tutumblr at tumango lang ako. "Mamaya na tayo mag-usap ulit, pagbalik ko.." Tumango ulit ako.. Tapos.. tapos.. tapos.. sabi niya.. "Wala ba akong kiss?" Hinarap ko siya, tinitigan ko siya sandali, "Aalis na ko, wala ba akong kiss?" Sabi niya ulit. Tapos niyakap ko siya tapos parang nawala lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Tapos wala lang.

Ayuko na maging selosa. Lalo na pag ganito ako kamahal ni Mayk. Pero hindi ba natural sa mga babae ang may pagka-selosa?

**********

5 comments:

  1. wala akong husay pagdating sa mga ganito pero ang masasabi ko na lang siguro eh basta na tiwala lang adre.. wala naman siguro dahilan para mambabae si partner.. :)

    ReplyDelete
  2. Okay lang magselos pero wag naman yung araw araw, maya maya eh selos.
    Pero hindi naman din ibig sabihin na kapag nagseselos eh walang tiwala agad.
    Pwede namang nagseselos kasi gusto ng isang tao na siya lang 'yung pinagaaksayahan ng panahon, na ayaw niyang may ibang tao na mas pinagtutuunan (minsan, feeling lang) ng pansin yung taong gusto niya.

    Nakakatuwa yung huling nangyari, hehehe. :)

    ReplyDelete
  3. wala ako maipapayo syo kasi isa rin akong selosa.. kahit sa mga kaibigan ko nagseselos ako hehe.. minsan nga sa sobrang alam kong wala sa lugar di ko na lang pinapahalata pero sobrang sasabog dibdib ko.. kaya tingin ko normal lang magselos pero syempre ilugar pa rin naten ;) kinilig naman ako sa huling eksena hihi...

    ReplyDelete
  4. natural sa mga babae ang pagiging selosa : ) tiwala lang sa partner ang need. tsaka ayaw pala ng mga lalake ang palaging tinitignan yung phone nila, tapos magtatanong tungkol sa text.. labas kasi nun pinaghihinalaan mo talaga.. so kung ako idedelete ko nalang din yung msg. kesa humaba pa ang diskusyon ta mauwi sa tampuhan hehe : )

    tiwala lang.... tiwala.

    ReplyDelete
  5. sige i-justify mo lang... ngayon naiintindihan ko na 'yung mga series of sermon ng ermat mo na tinweet mo last time... hehehe...

    normal ang magselos pero pag madalas, nauuwi yan sa trust issue... kaya lang paano ba malalaman na sobra na? walang ibang makapagsasabi sayo niyan... ikaw lang makakaalam... pag nagiging problema na sa relasyon niyo, malamang issue na...hyyy... kaya mahirap talaga ang taken....

    ReplyDelete

Anong meron?