Anyway. Sige magkkwento pa rin ako bakit ako originally malungkot. At ito ay dahil may sakit ang kuya ko. Yup. Dahil dun! Oo. At, trangkaso ang sakit niya. Hindi malala. Hindi cancer, hindi inflammatory bowel disease, hindi hirschprung disease, hindi.. hindi.. hindi. Trangkaso. Ang OA noh?
Lagi ako umiiyak kapag nagkakatrangkaso ako. Iyakin ako, tsaka emotional, lalo na pagtungkol sa sarili ko (kase nga narcissistic ako) at lalong lalo na pag tungkol sa pamilya ko. Emo baga. Umiiyak ako pag may trangkaso ako kase feeling ko mamamatay na ko. JOKE. Hindi seryoso kase namimiss ko nanay at tatay ko.
Consistent kase nung bata ako kapag may sakit ako may thermometer, may nagpupunas, may nag-uuwi ng orange, apple, at pineapple juice na nasa lata, at nagluluto ng sopas, lugaw, noodles, at may nagpapahid ng vicks sa ulo ko. Siguro ganun din sa mga kuya ko, pero syempre di ko alam, di ako sure. At nung umalis na sila madam at senyor, at wala na ang lahat ng kinasanayan ko, dun na ko nagsimula malungkot kada may trangkaso ako.
Kaya nung nalaman kong may trangkaso yung kuya ko, nalungkot ako, honestly naiyak ako, kase nag-alala ako na baka nararamdaman din niya yung nararamdaman ko pag may sakit ako. Kase pinapunta pa niya ko sa boarding house niya eh hindi naman yun humihingi ng mga favor na ganun, totoo lang.
Nalungkot din ako kase hindi kame close ng kuya ko. Hindi ko man lang siya niyakap o kinomfort. Wala. Nasabi ko lang, "Kumaen ka na, tapos inom kang gamot at magpahinga ka na." Yun lang. Walang orange, walang punas, walang vicks.
Tinext ko pa yung isa kung kuya, mas bata kaysa dun sa may sakit. Nagpasundo kame para makauwi na yung kuya kong panganay from boarding house to bahay. At one moment dun, masaya ako, kase nakasakay kame sa kotche namin, at feeling ko kahit papaano, kompleto kame. Kahit wala si Madam at Senyor.
Anyway. Medjo okay okay na ko. Sore sa pagiging emotional.
At bumalik na ulit ako dito sa Manila. Grabe. Parang mamamatay pala ako pag walang internet. Masaya akong may cable sila kuya sa bahay nila pero iba pa rin pag may internet. Napilitan nga akong gamiting yung surf 5MB mula sa ALLNET ng globe. Infairness, nakapagpost ako ng status. At yun lang. Kaya egsoited talaga ako mag-internet kahit wala namang pinagkaiba nung huling iniwan ko.
Tapos, pag-uwi ko, ayun nagpagawa sa kin ng project cover ang kapatid ni Mayk, at alam ko, sore na, masyado ko pinagkakalat toh. Ang galing ko kase masyado eh, chos! Maganda naman di ba? Pwede na ko mag-apply sa Pixar! Tsaka naaalala ko kase dati kapag may project ako, or kapag inayos ko yung itsura ng friendster ko noon, or itsura ng blog ko, parang laging tinatanong kung si Mayk daw ba ang gumawa nun. Eh wala ngang alam yun sa HTML! Eh kase mayabang ako, medjo alam ko yung < b r > hahahahah! Hurt na hurt naman ako dahil ako ang gumawa nun at walang bilib sa kin ang tao (general masyado?). Tsaka nung one time, nagddrawing ako ng laman loob ng tao para sa anatomy namin nung college, tapos sobrang GANDA (buhat bangko talaga?) Tapos nakita nung kaklase ko na ginagawa ko yun, parang di siya makabilib na marunong ako magdrawing! Dahil fine arts si Mayk at nurse ako hindi na ako marunong magdrawing? Lol. Wala akong sama ng loob sa taong yun at hindi ko yun dinibdib (di halata). Umamin na lang kayo, maganda ang gawa ko. Lol.
Ang haba na nito at napaka-walang kwenta. Hahahaha. Nahiya naman ako. Dami ko kase nabasang mala-makatang mga post lately, tapos ito.. nyahahahaha.. update update lang.


ikaw na ang consistent. lol! good to know na may mga kuya ka. akala ko The one and only ka at single to mingle. yihiii...
ReplyDeleteayos ako sa trangkaso pero kinasusuklaman ko kapag nahihilo ako slash migraine, magkaroon ng singaw sa labi at mga pabangong dinaig pa ang katol sa pantepok. at siempre dahil nga modern generation, isa rin ako sa mga peste na hindi makapag move on kapag walang net.
slash i hate perfumes that smell syet. yun yon. =)
Deleteyup may kuya ako. at kung bakit medjo masculine ako.. eh dahil sa kanila.. ayuko din magkatrangkaso na talaga. Once naramdaman ko ang sakit ng ulo, umiinom agad ako ng gamot.
Deletepanglaban ko lang sa trangkaso eh limang decolgen, may amats konti tapos pagbaba, solb na yung trangkaso.. hehehe
ReplyDeletelimang decolgen.. seryoso!!! T__T hahahahaha
Deletenabasa ko rin yung tinitukoy mong sandata post... hehehehe nakakamis talaga ang mga kapamilyang maalaga pag nagkakasakit tayo... ok lang uniyak...
ReplyDeletemaganda naman ang artwork!
salamat.. haha
Deletehi naligaw po akoh ditoh from sis jade superjaids page... ummm... hello =) and yeahh love ur artwork ur very talented... nd maemo ka ren bah kc akoh ren eh =P so yeahh... add kita sa page koh... hopefully makadaan ka ren so mas easy saken na mabalik balikan kah... take care... Godbless!
ReplyDeletei read ur selosa post... fyi nakakarelate lang... ganon den akoh sooper selosa... and paranoid akoh den yon.... yan madalas pinag-aawayan namen... ganon den sabi nya la akong tiwala... medyo matino lang akoh lately... pero madalas inaaway koh at selosa akoh sa sinumang nilalang na babae or binabae man na dumikit sa kanyah... i do not like it... so 'unz... na carried away sa post moh... lolz.. later!
ReplyDeletethanks sa pagbati sa drawing at thanks din sa pagdalaw. Happy ako naapreciate mo ang post ko na selosa.. actually may bago akong natutunan tungkol sa pagiging selosa.. may konek sa post na toh pero di ko sinama.
Deletesure..visit kita sa blog mo.
ako hirap na hirap na walang internet. laging mobile net gamit ko di tuloy ako makapagblog ng maayos kaasar ng bongga anyway..maganda nga ang drawing thumbs up!=D
ReplyDeletemay gad.. need ko ng computer at laptop. feeling ko talaga tumatanda na ako.. kase di na rin ako interesado sa mga gadget. madaming bloggero ang cellphone na lang ginagamit eh.
Deletenaalala ko tuloy nung ako may lagnat : ) pinupuntahan pa ako ng sister ko sa unit ko para lang alagaan ^_ ^ ang sweet ng mga kapatid ko nyaha! wala naman kasi mag aalaga saken noon dahil nakahiwalay ako sakanila. tapos minsan pag may lagnat ako at hindi nila ako napupuntahan sa unit ko feeling mo mamamatay na ako ng malungkot at mag-isa . feeling ko wala nang nagmamahal saken lols! ngayon balik bahay na ako dahil nga sa hMmmmm.... haba na ng comment ko haha! : )
ReplyDeletenice artwork btw ^_^
nice.. ang sweet ng kapatid mo.. sana kasing sweet ko sila sa mga kuya ko. kaso hindi.. appreciate ko naman ang mhahabang comment kaya ayos lang.
Deletemay talent na nurse hahaha well maganda ang artwork kala ko nga kapatid mo ang gumawa hahaha pero nakakatuwa kasi bihira lang ang babae na may super imahinasyon sa pagddrawing, ive been into art din naman pero ang imahinasyon ko ndi sa drawing sa ibang bagay ata bwahahahaha
ReplyDeletehope ur koyah is all well ok now and ang saya kapag marami kaung magkakapatid kasi dami mong nakakausap lol
ano nalang kaya ang mundo kung walang net? hihi
oo nga.. this remind me.. hindi ko pa pala siya nakakamusta ulit. hehehe (:
Delete