Pages

Thursday, July 31, 2014

Gaano pa ba ka-long?



Simple lang naman gusto ko, yung makasama si Mayk. Akala ko sa mga telenovela ko lang naririnig yung mga cheesy line na "ikaw lang ang kokompleto sa kin.." Pero totoo lang, ganun ang pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko kapag nakasama ko na si Mayk, kahit mahirap, carry!

Ang hirap. Long distance. Walang tiwala ang tao sa mga ganitong relasyon. Madami nagsasabi wala daw tumatagal.

Ang hirap. Kase palalakasin niyo ang loob ng isa't isa. Pero may mga araw na ang vulnerable sa kalungkutan... Nakakamiss kase.

Nakakamiss yung mga araw na pupunta kayong divisoria, sasakay ng jeep, magsisimba. Nakakamiss kumaen ng magkasama sa karinderya, sa may ihawan-tuhog-tuhog-isawan, sa may kanto, sa pares mamihan. Nakakamiss yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Yung paghiga ko sa braso niya. Nakakamiss yung yakap. Nakakamiss yung kiss. Lahat!!! I'm dying!

Ang hirap hirap hirap lang ng long distance relationship. Dapat may baon kang sandamakmak na tiwala sa isa't isa. Communication is a must! Grrrrr. Kafagod mag-isip paano ba kame magkakasama ulit.

Hayyy.. Di ako makatulog sa gabi.

Ang hirap kase gusto ko lang ng simple, gusto din niya ng simpleng buhay... Pero eto magkahiwalay kame at sobrang komplikado.. Mabubuwang na ko.

2 comments:

  1. Relate ako sayo te, 5 months na din ako in a long distance relationship. Mahalaga talaga ang trust at communication.

    Kung kaya araw araw kayo mag usap, kahait sandali lang. Para mabawasan kahit paano ang pagkamiss. At look forward ang araw na magkikita kayo ulit, magsasama sa simple pero masayang masayang buhay. Tapos masasabi mong "ikaw lang ang kokompleto sa kin.." tapos, end na ng teleserye hihi :)

    ReplyDelete
  2. I always discourage people who are in an LDR. It's either they forget it or they do their best to be together as soon as possible. Pero naisip ko na ang hina naman ng faith ko sa kapangyarihan ng pag-ibig. Ang corny pakinggan no? But that's the thing, kung alin ang corny, yun ang masarap.

    True love conquers all. Kahit anong layo pa yan. Basta mahalaga you need to have faith and at the same time you must believe that one day magkakasama din kayo.

    ReplyDelete

Anong meron?