Pages

Wednesday, July 30, 2014

Weekend Pagod.

Ready, set, go..daldal.

Pakiramdam ko hindi ko pa rin nababawi until today yung pagod na naranasan ko nung buong weekend. Supah fagod ako after pag-ddrive from L.A. to Oceanside; tapos Oceanside to San Diego; San Diego to Oceanside; and finally Oceanside to L.A.

Friday night after work, derecho ako sa Oceanside, traffic pa dahil parang nag-uuwian lahat. Bilib na ko kay Christine! I can't believe kinaya niya yung byahe ng walang problema. Oo, Christine ang pangalan ng kotse ko dahil nung unang gamit ko sa kanya, tawag ako ng tawag kay Jesus Christ na sana hindi siya mag-hiwa-hiwalay o biglang tumirik sa highway o sa kung saan man, at hindi nga siya bumitaw. Matapang ang kotse ko. After nun, tinawag ko na siyang CCC or Christine Chrysler Cruizer.


Anyway, umuwi ako sa Oceanside sa bahay ng aking Nanay kase sabi ng step-dad ko maglilipat daw sila ng gamit. Lilipat na sila sa mas murang apartment. Pero infairness, di naman talaga ako tumulong, moral support lang ang naging peg ko.

Dahil nga disaster ang buong bahay, at wala ng kama, yung ibang gamit nalipat na dun sa bagong place, pero madami pa ding gamit ang hindi pa at nakakalat sa current apartment, natulog na lang ako sa closet. Pagod na pagod na ako na kailangan ko lang ng space para makahiga, at ayun lang ang available. Kahit walang signal sa loob eh kahit papaano kina-enjoy ko naman ang matulog dun.


Kinabukasan may pasok si Mama, kaya naisip ko dumaan na muna sa mga kamag-anak ko sa San Diego na 45 minutes ang drive from Oceanside. Syempre nagsasayang ako ng gas, kaya pumunta ako dun.

Sila talaga i-susurprise ko sa pagdaan ko, pero infairness ako na surprise dahil may party pala talaga. Mukha akong basahan pagdating ko dun.

Birthday nung kambal ko na pinsan. Ayun, daming foods, kaya yung isang linggong takbo ko nitong nakaraan, pumanaw ng maaga. Pero okay lang, sulit naman ang bonding with the family. Lagi kong naaapreciate yung mga pagkakataon na ganito, kase ito yung wala ako dati. Nakakatawa nga yung family ko kase di sila sanay sa barubal na kamag-anak, until dumating ako sa buhay nila.

Bumalik din ako sa Oceanside pagkagat ng dilim. Sakto lang pag-uwi ko, kauuwi lang din ng Mama ko from work.


Nakakatuwa kase kahit papaano nagkaroon kame ng chance ng Mama ko na magdaldalan. Siya naglabas ng mga sama ng loob at kinuwento ko naman sa kanya ang mga kayabangan ko sa buhay, at sa buhay ko sa L.A.

Lumamon kame, at nagsisi bakit kame lumamon. Binili niya akong sapatos na pwede ko gamitin kapag lunch break sa work, panglakad-lakad, tapos pinilit ko siya mag-try ng something new katulad ng boba. Super simple lang nung mga ginawa namin, pero masaya ako kase kahit papaano bonding konti.



Tapos before bumalik sa L.A., yung mabubuti kong kaibigan chuper request for Dunkin Donuts. Yung buhay kase namin dito sa states eh yung tipong naglalaway sa Dunkin Donuts. Hindi katulad sa Pinas, kahit saan ka magpunta may Dunkin Donuts, sa Morayta meron, sa mga SM meron, sa mga terminal ng bus meron. Dito pili lang mga lugar na meron. Eh yung Dunkin Donuts na malapit sa Oceanside eh nasa loob ng Camp Pendleton, isang military site.

After ng paghihikahos kong effort to figure out kung paano ba magpunta dun, kase nga may lumalabas sa Yelp na direction papunta dun, pero parang dadalhin ka sa tabing dagat which is di naman yung lugar.

Pero finally na figured out ko naman at nung finally nandun na ako, napahiya lang ako dahil ayaw ako papasukin nung officer na nag-inspect sa kin. Hula ko nag-tamang hinala siya talaga na basurera slash terorista ako. May cabinet kase ako sa passenger seat sa likod, lampara na walang bumbilya, laptop na di gumagana, at mga basahan na hindi ko alam bakit nilagay ng Nanay ko dun. So ayun, pina-re-route niya ako at pina-chuppy off site. Nakakalungkot. Hindi ko nakamit ang munchkins na bavarian at chocolate.

Ang gandang basurera naman niyan.


Masarap din bumyahe, lalo na pag mga first timer ka pa lang nagddrive na katulad ko. Ang yabang ng feeling kase nga nagddrive ka na. At ayun nga, nakakapagod din. Pero okay lang naman, feeling ko naman kahit na wala akong naitulong sa Nanay ko sa paglilipat nila, at kahit nang-barubal lang ako sa birthday party nung mga pinsan ko, at kahit na hindi ako pinapasok ng judgemental na si kuyang sundalo, pakiramdam ko meant to be pa rin ang mga pangyayari sa akin this weekend. Fun but tiring. Tiring but fun.

Pagdating ko sa apartment, isa-isa kong inakyat ang drawer at yung buong kaha ng cabinet na dala ko. Ang sakit sa katawan, para akong lalagnatin.

Happy pa din makita yung lamp at cabinet na dati nasa kwarto ko sa Oceanside, pero ngayon nasa apartment ko na. Pagtinitingnan ko tuloy yung cabinet pakiramdam ko nasa Oceanside pa rin ako.

Nakakapagod dumaldal. Mag-hybernate muna ako. Bbye.


-K.T. 2014

1 comment:

  1. nice journey... may wit & humor ang pagkakasulat .. kakatawa ^_^

    enjoy your life Kamilshake ... at totoo ang nakasulat na caption sa picture mo sa taas "Ang ganda ngang basurera nyan," high class basurera.. char! ^_^

    ReplyDelete

Anong meron?