Hindi ko na alam kung paano ko pa ba sasabihin yung salitang I MISS YOU. Kulang na lang pa-tattoo ko na yan sa noo ko dahil araw-araw ko iniisip.
Thank you at medyo pasaway si Mader at Pader mo, at ikaw ay pinanganak sa tamang oras at tamang pagkakataon. Thankful ako kase alam ko naman na ginawa ka ni Lord para sa kin. Lol. Haha!
At alam ko din na sa tamang panahon eh magkakasama din tayong dalawa. Alam ko na dadating yung time na hindi na tayo magkakahiwalay ng ganito katagal at ganito kalayo.
For the mean time, ang wish ko para sayo eh sana magamit mo yung time na toh para magawa mo yung mga gusto mong gawin, para ma-accomplish mo yung mga pangarap mo sa buhay. Sana hindi ka magkasakit habang magkalayo tayo, kase alam mo na, walang nurse na mag-aalaga sayo. Sana patuloy ka pa din maging mabait at makulit sa mga kaibigan mo. Sana lagi ka pa rin maging mapagmahal na anak at kapatid. Sana lagi kang busog. Bebe, sana lagi kang happy.
Sana nandyan ako para mag-celebrate tayo, pero wala ako, pero okay lang yun, di ba be? Thank you Lord na lang tayo dahil binigyan ka niya ulit ng another year! Hopefully itong dadating na bagong taon eh maging fruitful and productive para sayo! Happy 26th Birthday!!! I love you so much.
-K.T. 2014

Stay in love Kamila.
ReplyDeleteHappy birthday to him. :)